Chapter 14 ( Going back to Metro Manila)

4.1K 116 0
                                    


fast forward tayo kasi super late na ng mga UD ko hahahaha

{ Roan's P.O.V }

Ilang oras nalang new year na...ilang araw na din kami dito sa Pangasinan...malayo sa kinalakihan ko pero masaya...si Nica busy din sya sa family nya hindi ko alam kung sasabay sya pabalik ng Manila sa susunod na araw

Madami kaming hindi napuntahan kasi gusto ni Gema masulit yung uwi nya na kasama nya yung family nya pero ok na din naman masaya silang kasama lalo si Gerald at si tita pala tawa sila si tto seryoso at ngayon seryoso sya....alam nyo kung bakit??

Feeling ko jelly ace ako ngayon

.
.
.
.
"Kayong dalawa ba seryoso sa sinasabi niyo?" Tanong ni tito

"Opo" sagot ko

"Pero pareho kayong babae?paano yan?" Tanong ni tito

"Wala naman pong masamang magmahal" sagot ko

Pero sa totoo lang takot na takot na ko nakaupo sya ng maayos at seryoso ang mukha

"Alam ba ng mga magulang mo ito?" Tanong ni tito

"Alam po ng family ko na ganto po ako...yung panliligaw ko naman po kay Gema alam po ng mommy ko pinakilala ko po si Gema sa kanya" sagot ko

"Nakita mo naman ang estado namin sa buhay..baka mamaya nyan eh sabihin ng ibang tao na pineperahan ka lang ng anak namin" sabi ni tito

"Wala naman po sa estado ng buhay yung pagmamahalan eh..kung may masabi man po ang ibang tao bayaan po natin sila..alam naman po natin kung ano ang totoo" sabi ko

"Pero hindi pa talaga kayo?" Tanong ni tito

"Hindi pa ho tay" sagot ni Gema

"Mabuti kung ganun" sabi ni tito

Konti nalang guys malulusaw na ako

"Gema pumunta ka na sa nanay mo mag uusap pa kami ng masinsinan nitong si Roan" sabi ni tito

At punyeta.com lalo akong kinabahan :(

Ano dadasalan ko na ba lahat ng santo?!?!?!

Tumingin si Gema sa akin

"Opo tay" sabi ni Gema

Nang medyo naka layo na si Gema

Nag salita na si tito

"Alam mo Roan dederetsyohin kita, bago para sa akin ang ganyang uri ng relasyon pero sa nakikita ko masaya si Gema, at ngayon ko lang sya ulit nakita ng masaya.. kung ako lang ang mag didisisyon tutol ako" sabi ni tito

Lalong kumabog yung dibdib ko sa mga naririnig ko ngayon

"Pero sino ba ako para tumutol..hindi naman ako yung papasok sa relasyon...ang hinihingi ko lang...kung sasagutin ka ng anak namin wag mo syang sasaktan...ingatan mo yun unica ija ko" sabi ni tito

At dahil sa narinig ko medyo nakahinga ako ng maluwag

"At pumayag ako dahil malaki ang tiwala ko sayo, at alam kong responsable kang bata" sabi ni tito

"Salamat po tito..makakaasa po kayo" sagot ko

"Oh sige na sumunod ka na kay Gema sa kusina...yung sinabi ko ha ingatan mo yung anak ko kung hindi mananagot ka sa akin" sabi ni tito

Inlove with a PROVINCE GIRLWhere stories live. Discover now