{ Gema's P.O.V }
ang sarap gumising na katabi mo yung taong mahal mo
"Good morning...baka matunaw naman ako nyan" sabi ni Roan tapos ngumiti
Yung ngiti na simple lang pero ang ganda
"Good morning..masaya lang ako wala naman sigurong masama na tignan kita" sabi ko
Niyakap nya ako yung mahigpit pero di masakit
"Breakfast na muna tayo" sabi niya
After namin kumain umuwi kami sa bahay nila para sabihin kay mommy nya kaso wala si mommy nya nag out of town daw
One message recieve
Binasa ko yung text
From:Gerald
Gema uwi ka si tatay nasa hospitalNaluha ako agad
"Oh bakit?" Tanong ni Roan
"Si tatay nasa hospital daw kaylangan kong umuwi"sabi ko
"Oh tara ihahatid na kita doon" sabi nya
Habang nasa byahe balisa ako naiisip ko si tatay
Hospital
"Nay anong nangyari?" Tanong ko
"Inataki si tatay mo nung nasa laot sila swerte nalang at baiabot pa dito sa hospital"sabi ni nanay
Andaming nakakabit kay taytay naawa ako sa kalagayan nya
Tatlong araw yung lumipas naging ok si tatay
"Bunso tabi ka nga sa akin" sabi ni tatay
Sumunod naman ako
Bumuti naman yung lagay ni tatay kahit konti nakakatayo na sya para mag cr
Oras na ng tulog ni tatay
"Asawa ko asan na yung good night kiss ko?" Tanong ni tatay kay nanay
"Mag pagaling ka muna" sabi ni nanay
Kaya si tatay ayun nag tampo
Natawa naman kami ni Roan
Paano naman kasi parang teenager sila nanay at tatay may tampuhan pag ayaw kumiss haha
Andito pa si Roan bukas nalang daw sya uuwi
Maya maya nakatulog na si tatay kaya umalis na ko sa tabi niya
"Roan mag pahinga ka na mag dridrive ka pa bukas" sabi ko
"Ok lang...anyway mag sign ka dyan...leave for 1 month yan with pay..effective tomorrow" sabi niya
"Bakit ang tagal?" Tanong ko
Bumubuti naman na kasi yung lagay ni tatay
"Para maalagaan mo pa sya...ok lang naman kasi ayos naman na yung schedule ko sa buong bwan" sabi nya
"Pano naman tayo?" Tanong nya
"Madami pang oras para doon" sabi nya
"Thank you baby" sabi ko
"Anyway sa susunod na araw flight ko papuntang Europe para sa expansion baka matagalan ako doon...hindi rin ako makakauwi basta basta hanggang hindi natatapos yung project doon" sabi niya
"Gaano katagal?" Tanong ko
"Mga one month din siguro" sabi nya
"Mag ingat ka doon ha...behave ok" sabi ko
"Yes mam" sabi nya sabay yakap sa akin
{ Roan's P.O.V }
Haaay kakasimula lang namin mag kahiwalay kami agad
Ang boring ng office
Yung pag papasok ako may nakangiti agad na bubungad sa akin
Nag padagdag ako ng lamesa sa tabi ng ng lamesa ko para sana kay Gema...para mag kasama kami dito sa loob
Di ba landi much hahaha
Pero wala 1month kaming di mag kasama
1 month na malungkot
Flight ko na bukas papuntang London para sa opening ng branch ng hotel
Madami kaming iaayos doon
Madaming kailangan itraining
{ Gema's P.O.V }
Flight na ni Roan ngayon
Hindi ko man lang nasagot yung tawag nya
Si tatay kasi nasa OR
Mahinang mahina na daw yung puso nya
After 10 days na nasa hospital
Kinuha na si tatay hindi na nya kinaya
Binalita ko kay Roan na wala na si tatay
Pero sabi ko wag muna sya umuwi tapusin nya yung dapat nyang tapusin doon
Pero nag pupumilit umuwi
Pero dapat nya tapusin yun sabi ko para sa company nila yun...pag pumalpak yun mas madaming tao ang maapektohan
Dito namin binurol si tatay sa bahay
Hindi ako iniimik ng dalawa kong kuya
Si kuya Gerald lang ang kumakausap sa akin
After 5 days nilibing na si tatay
Nag usap usap kami kung paano yung plano para sa 40 days ni papa
Pero biglang naiba yung usapan
"Balita ko kayo na daw nung tibo na yun" Sabi ni kuya Gerome
"Opo kuya" sabi ko
"Hindi ka ba nandidiri...babae sa babae...mandiri ka nga Gema" sabi ni kuya Gerry
"Mamili ka sya o kami" sabi ni kuya Gerome
Parang pinipisil yung puso ko
"Bakit ko kaylangan ko mamili...ang unfair nyo naman" sabi ko
"Tumigil nga kayo" sabi ni nanay
"Bakit kukunsintihin nyo yang anak nyo sa kasalanan na ginagawa nya?!" Sigaw ni kuya Gerry
"Ano ba bakit nyo tinataasan ng boses si nanay?!" Sigaw ni kuya Gerald
"Hoy bakla wag ka makialam dito!!kaya ganyan si Gema eh kinukunsinti mo!!!"sigaw ni kuya Gerome
"Akala ko tanggap nyo ako...yun pala plastic kayo mga plastic hindi bali ng bakla wag lang gaya nyo na mga walang marating rating sa buhay!" Sigaw ni kuya Gerald sabay alis
"Ikaw Gema mamili ka kami o yung tibo na yun?!!!pag sya pinili mo lumayas ka na dito" sabi ni kuya Gerald
![](https://img.wattpad.com/cover/28443700-288-k552875.jpg)
YOU ARE READING
Inlove with a PROVINCE GIRL
RomanceGirl to Girl story po ito kaya kung ayaw nyo ng gantong story wag nyo na po basahin :) ayan may warning ah :) Paano kung ang isang laking siyudad na mayaman, matalino, talented at may good looks na akala ng lahat ay nasa kanya na ang lahat pero hind...