Kabanata 35

397 9 0
                                    

Kabanata 35





Mahaba ang aisle na dinaraanan ko pero hindi nagtagal ay nakalahati ko na iyon. Hindi pamilyar sa akin ang mga mukha ng mga taong nakangiti habang pinapanood ako, nakaririnig ako ng mga papuri. Hindi nila alam na kagagawan ito ng gahaman na Alkalde ng mayor ng Buhi.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita sa ikalawang upuang nakahilera sa tapat ko sina Clary at Ate Bernadette kasama rin niyo roon sa Kuya Allen.

Mugto ang mata ng dalawa kong kapatid, batid kong gusto nila akong yakapin pero pinipigilan lang nilan gumawa ng eskandalo rito.

'Wag kayong mag-alala dahil matatapos rin lahat ng ito.

Nakikita ko na si Zayn at ang kaniyang Ama na nakatayo at hinihintay ang tuluyan kong pagdating.

Ngumiti ako ng mapait dahil isang malaking kasinungalingan lang ito at gagamitin pa niya ang anak niya para lang makabawi sa Daddy ko.

Tunay nga siyang magaling sa pagpapanggap dahil napaniwala niya ang mga tao na mabait siya at may pagmamahal sa bayan kung kaya't nakuha niya ang boto ng buong mamamayan.

Sa kabilang bahagi naman ay nakita ko si Lauren na nakangiti sa akin, gusto ko kapag natapos ito ay makalaya narin siya sa kamay ng malupit na Alkalde, hindi biro ang pinagdaraanan niya at malang isang malaking babangungot ang gabi niya tuwing kasama si ang isang sandoval sa loob ng kwarto.

Damang-dama ko ang saya at pag-ibig sa musika na pinapatugtog ngayong naglalakad ako, pero hindi maramdaman ang tunay na saya habang nakatingin ako kay Zayn na ngayo'y nakangiti sa akin.

Ramdam ko ang kasiyahan niya, nakakalungkot lang dahil malakas ang pakiramdam kong hindi niya alam na gusto rin siyang ipapatay ng Alkalde.

Narating ko ang dulo ng pasilyo, nginitian ko ang Alkalde sa abot ng aking makakaya at siniguro kong hindi nakita ang ano mang bahid ng pagkukunwari roon.

Kinuha ko ang kaliwang kamay ng Alkalde at nagmano roon. Inilalayan ako ni Zayn palapit sa harap ng pari at nagsimula na ang seremonya.

"You may now kiss the bride..." nagpalakpakan ang mga tao nang unti-unting tinanggal ni Zayn ang belo sa aking ulo.

Nakangiti ako pero hindi ang mga mata ko.

Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya at sinadya kong hindi sumagot sa halik na binigay niya. Hinawakan ko lang ang balikat niya para hindi magtaka ang mga manonood.

Ang palakpakan ay mas lalong naging maingay at nadagdagan ng mga hiyawan.

Nang matapos ang seremonya ay hindi nagsimula nang kumain ang mga bisita, kung ano ano ang sinasabi sa akin ni Zayn pero puro tango lang ang binibigay ko sa kaniya.

Sa iba nakabaling ang atensyon ko, hindi ko alam kung papaano at kailan ako tyetyempo na magpapaalam para makapunta as restroom.

Masayang masaya ang mga bisita ng Alkalde habang isa-isa niyang pinupuntahan ang bawat lamesa at nakikipag kamustahan sa mga kumakain doon.

Nakita ko sina Ate Bernadette at Clary na tumayo at naglakad palapit sa akin.

Tumayo rin ako at winaksi ang kamay ni Zayn na humawak sa kamay ko. Masama ko siyang tinignan at mabilis kong nilingon sina Clary at Ate Bernadette, nang makarating sa akin ay mabilis nila akong niyakap na sinuklian ko rin ng mahigpit na yakap.

"A-ate, a-ayos lang ako ano kaba, w-wag kanang umiyak" umiiyak siya sa balikat ko habang si Clary at tahimik lang.

"S-sure ka ah?" tumango ako bilang sagot sa kaniya.

Captured Heart✔️Where stories live. Discover now