Kabanata 13

304 7 0
                                    

Kabanata 13




Ang bilis tumakbo ng oras, kanina halos hindi palang pasikat ang araw, ngayon naman ay mainit na ang sikat nito.

Gustong gusto ko ng araw, at 'di kagaya ng ibang tao na gusto ang ulan, ako ay hindi, ayoko sa ulan, pakiramdam ko kapag umuulan ay mag-isa ako palagi at walang kasama.

I wore a Yellow off-shoulder dress na below the knee, katamtaman lang ang taas ko. 5'9 to be exact.

I finished my outfit with a white sandals. Light make-up lang ang ginawa ko at hinayaan nang nakalugay ang buhok.

Sumilip ako sa bintana para makita kung sino ang bumusina.

May isang magarang kotse ang naakahinto sa harap ng gate, maya-maya pa ay pinagbuksan na iyon ni Manong at pinapasok. Iyon na marahil ang bisita ni Daddy.

For sure ay isa sa mga business partners nanaman niya iyon, pero nagtataka lang ako dahil kilala ko na halos ang lahat ng mga business partners ni Daddy na pumupunta sa bahay pero ito lang ang bago sa akin.

Kilala ko na kasi pati ang kanilang mga sasakyan kaya nagtataka ako baka bagong partner nanaman niya ito at nagustuhan ang pag-aangkat namin ng mga prutas at tabako.

Pinasadahan ko ng tingin ang sarili sa life-sized mirror sa huling sandali at nagpasya nang bumaba.

Pagkababa ko ng hagdan ay naabutan ko sina Manang Gina na abala sa paglalagay ng mga pagkain sa mesa.

Aligaga ang lahat.

Pero bakit gano'n na lamang ang taranta ng mga tao sa bahay ngayon? na parang ang presidente ang bisita namin ngayon?

"Ate? sino ba bisita natin?"

Mabilis kong nahila ang isa sa mga kasambahay kaya nakakuha ako ng tyempo para tanungin siya.

"P-po? eh hindi ko po kilala Ma'am pero sabi lang naman ni Sir eh bigatin po"

"S-sige po Ma'am balik na po ako"

Huli na nang makalayo siya sa akin at bumalik na nga sa ginagawa sa kusina.

'Di bale malalaman ko naman kung sino iyon dahil magkikita-kita naman kami mamaya sa Lunch.

Pinunas ko ang namamasa kong palad sa tela ng damit ko. Bigla akong kinabahan kahit na hindi naman dapat.

Humugot ako ng malalim na hininga at lumabas sa ilalim ng hagdanan na pinagtataguan ko kanina.

"I think you should meet my daughter then?" napalingon ako nang marinig ang boses ni Daddy, hindi ko nakita ang mukha ng kausap niya dahil tumama iyon sa sinag ng araw na nasa labas.

Nagmadali na lang akong pumunta sa kusina at nakita kong naka-ayos na sina Mommy at si Clary.

Parang kanina pa sila dito sa kusina at hinihintay ang pagdating ng bisita ni Papa.

Nang maiayos ko na ang sarili sa pagkakaupo ay sakto namang dumating na ang dalawa.

"Feel free where you want to seat Major"

Napa-angat ako ng tingin nang tawagin 'yun ni Daddy na Major.

Halos lumuwa ang mata ko sa nakita.

His perfectly angled Jaw, his pointed nose, thick set of eyebrows and eyelashes, and his thin lips.

My jaw drop when I saw the color of his eyes.

Kulang berde, na para kang hinihigop palapit sa kaniya.

Sinusundan ko siya ng tingin at napalunok ako nang makita sa tapat ko talaga siya umupo! binigyan niya lang ako ang mabilis na tingin at binalingan na si Daddy na nakaupo sa may bandang sulok, his usual place.

Captured Heart✔️Where stories live. Discover now