Kabanata 11

302 5 0
                                    

Kabanata 11




"What happened?"

Hindi ako makatingin kay Zayn, dahil pakiramdam ko ay nasa paligid parin 'yung lalaki kanina.

Naramdaman kong pinunasan niya ang kanang pisngi ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"You're crying Therese, ano ba kasi ang nangyari?"

Walang lumalabas na salita as bibig ko kahit gustuhin ko mang sabihin sa kaniyang kung anong nakita ko kanina, parang pakiramdam ko ay nasa paligid lang siya at kapag nakahanap ng pagkakataon ay mababaril niya ako nang walang makakakita.

"T-therese, fck..."

Muli kong naramdaman ang mga kamay ni Zayn na nasa balikat ko, tila ginigising ako sa isang panaginip.

Nakikita kong tinatawag niya ang pangalan ko pero pero bakit hindi ko siya marinig?

Ang liwanag ng malaking buwan ngayon ang nagsisilbing ilaw para makita ko ang gilid na bahagi ng kaniyang mukha.

Halos bilang nalang ang mga estudyanteng nasa labas ngayon dahil ang karamihan ay tiyak na natutulog na.

Sa puwesto namin ngayon nina Marianne panguradong kami nalang ni Zayn ang nasa labas.

Pilit kong inaabot ang maamo niyang mukha pero bago ko pa magawa iyon ay unti-unti na akong nilamon ng dilim.

Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong katabi sa tent dahil hiwalay kami ng tent ni Marianne hindi rin kasi kami komportable kapag iisa lang ang gagamitin namin.

Pero ang ibang etudyante ay pinagkakasya ang mga sarili sa iisang tent kahit na tatlo hanggang apat silang gagamit no'n, depende naman sa laki ng tent na gagamitin,

Hindi ko alam kung nanaginip ba ako o ano dahil naririnig ko na ang mga boses sa labas, parang nagsimula na ang activity.

Ginalaw ko ang kaliwang binti ko pero hindi ko siya maigalaw!

Pilit ko namang pinagalaw ang daliri ko sa paa hanggang sa magawa ko ito sa kamay ko at nang unti-unti na akong nagigising ay doon ako mas nagtataka dahil parang may mabigat na kung anong nakapatong sa katawan ko.

Nanlaki ang mata ko nang pagkalingon ok sa kaliwang bahagi ay mukha ni Zayn ang bumungad sa akin!

"Ahh!"

Napabalikwas agad ako ng bangon, buti nalang at hindi narinig ang pagsigaw ko dahil sumakto rin sa mga estudyanteng sumisigaw sa labas dahil sa laro.

Hindi ko alam kung paano kami nauwi sa gan'tong posisyon pero imposible namang may nangyari sa amin 'diba?!

Mabilis kong kinapa ang buong katawan ko, tinignan ko 'din kung may nawawalang damit sa alinmang bahagi ng katawan ko pero napahinga ako ng maluwag nang lahat naman ay kumpleto at walang natanggal.

Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko kung may masakit ba o wala, iyon kasi ang sabi sa akin ni Marianne, sasakit daw ang perlas ng silangan lalo na kapag first time!

Halos gusto ko nang magpalamon sa lupa nang saktong pagkatingin ko kay Zayn ay nakatingin din siya sa akin! halatang kagigising lang dahil papikit-pikit pa ang kaniyang mata.

Tumihaya siya at para bang hindi niya ako nakita kaya dahan-dahan akong lumapit sa kaniya para gisingin. Akala niya siguro ay nanaginip siya!

Dahil kita ko mismo kanina na nagmulat na siya ng mata at kitang kong nakangisi siya pero tumihaya lang at natulog ulit na parang walang nakita!

"Z-zayn?" untag ko pero hindi siya sumagot.

Niyugyog ko ng bahagya ang kaniyang balikat at tinawag ulit pero ungol lang ang sinagot niya.

Captured Heart✔️Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt