Kabanata 18

338 7 0
                                    

Kabanata 18





Habang tinititigan siya papalapit, naalala ko kung papaano niya ako niligtas doon sa lalaking balak akong patayin.

Hindi ko man nakikita ng maayos pero ramdam na ramdam ko ang bawat propesyunal niyang galaw na talagang masasabing hasa sa ganoong mga bagay.

Sa mga nakaraang araw ay natigil ang pagpapadala ng mga sulat sa akin, kung bakit ko nasabi ay dahil wala nang sinasabi si Daddy sa akin o maski sinomang nasa loob ng bahay.

Simula no'ng insidente na iyon ay wala na kaming natatanggap na anumang kahina-hinalang sulat.

Ang bago ngayon ay ang pagpapakita ng lalaking may hawak na baril sa akin, saan man ako magpunta.

Paniguradong sinusundan niya ako at inaalam lahat ng mga gagawin ko kaya kung wala akong personal bodyguard ngayon marahil kagabi pa ako pinaglalamayan.

Ang akala kong lalapitan ako ni Matteo at tatabihan dito, ay hindi nangyari, nakaupo siya sa may sun lounger na nasa likuran ko.

Binalik ko ang tingin sa mga paa kong nakalusong sa tubig ng pool. Ginagalaw galaw ko iyon kaya nagkakaroon ng vibration sa tubig.

Gusto ko siyang lapitan pero inuunahan ako ng kaba sa dibdib, hindi ko alam pero ngayon lang ako kinabahan pagdating sa kaniya.

Hindi ko alam kung saan magsisimula, kung papaano ko siya pasasalamatan sa ginawa niya kagabi.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ko siya tawagin.

"Matteo..." umurong ang dila ko sa susunod na sasabihina, tila alam no'ng kailangan ko pang marinig ang sago sa kaniya.

"Yes Ma'am?" naramdaman kong naging alerto siya, kahit hindi ako lumilingon ay napansin kong tumayo siya at bahagyang lumapit sa kinaroroonan ko.

"Uhm, I-I just want to thank you for saving me last night" napakagat-labi ako nang sa wakas ay nasabi na.

Naghintay ako ng ilang segundo pero puro malalalim lang na paghinga ang naririnig ko.

"It's nothing Ma'am, it is my duty to protect and serve, you don't need to thank me" tila nagkandabuhol-buhol ang dila ko dahil sa sinabi niya, so mali pa pala na pasalamatan ko siya dahil sa pagligtas niya sa akin?

"What's the problem? gusto lang naman talaga kitang pasalamatan" nagsisimula na akong mainis sa kaniya.

"It is part of my job" tinikom ko ang bibig at hindi na muling nagsalita.

Akala mo naman talaga kung sino! kung ayaw niyang tanggapin ang pasalamat ko, edi huwag!

Marahas kong tinanggal ang paa ako sa tubig pero mabilis ding nagsisi dahil tumama iyon sa sementadong bahagi ng gilid ng pool.

Napapikit ako dahil sa hapdi, ugat kasi ang natamaan kaya sobrang sakit.

Pinilit kong tumayo at nagkunwaring walang nangyari, kahit masakit ay naglakad ako paalis.

Sinundan niya ako gaya ng palagi niyang ginagawa pero nagtaka ako dahil nang makaupo ako sa aming sofa sa sala ay dumiretso siya sa may kusina.

Ignoring him, I decided to switch on th TV, puro entertainmeng shows lang ang pinapalabas pero hindi ko pinatay at hinayaang nakabukas.

Gusto kong pumunta sa kwarto ko pero pakiramdam ko ay madadapa lang ako sa may hagdanan.

I closed my eyes and let my head rest in the sofa, pagdilat ko ng aking mata ay muntik na akong matumba sa pagkakaupo nang bumungad sa harapan ko si Matteo.

Captured Heart✔️Where stories live. Discover now