"Ewan, ewan ko. Pakiramdaman ko kasi parang natural lang iyan sa kahit sino puwedi kang kiligin, matuwa at sumaya."

"Tulad ng nararamdam mo sa'kin? Naramdaman mo na ba iyan sa'kin?" bigla ang tanong niya kaya napatulala ako habang nakatitig sa kaniya.

Paano niya nalaman? Kasi sobrang obvious ko ba? Siya din naman ah!

"Oo naman kasi kaibigan kita, you're important to me na." usal ko.

"Mee to, thankyou ulit sa binigay mong kwintas. I will keep this kasi galing sayo." sabi niya habang nakatingin sa suot niyang kwintas na binigay ko.

"Dapat lang na ingatan mo 'yan." sambit ko.

"Sa pagbabalik ko may ibibigay ako sayo. Para may iingatan ka din galing sa'kin."

"Huwag na, hindi naman kailangan e."

"Kailangan kasi mahalaga ka sa'kin."

Hindi na ako nagsalita at tinatanaw ko na lang ang mga puno na dinadaanan namin.

We're just friends.

"Magsalita ka naman, malapit na tayo tapos di mo pa ako kakausapin." wika ni Ethan kaya nag angat ako ng tingin sa kaniya.

"Ano pag uusapan natin?"

"Uhm, about our lives. Okay, tatanongin na lang kita. May nanligaw na ba sayo?"

Nang marinig ko ang tanong niya ay bigla akong natawa.

Stop laughing Rei Shawn.

"Meron pero hindi ko sila ini entertain," sagot ko. "Bakit mo natanong?"

"I just want to know if my friend have a admirer." he uttered.

"Okay.. Wala kang girlfriend diba Ethan? Pero may nililigawan ka na?"

"Wala, hindi pa kita nililigawan e." usal niya at biglang tumawa.

Ang sarap pakinggan ng tawa niya.

Pero mukhang nang aasar! tss

"Huwag mo nga akong asarin ng gan'yan. Hindi nakakatuwa," inis na sambit ko.

"Kasi nakakakilig na?"

Wtf he's saying?

"Manahimik ka nga!" saway ko.

"Chill, i'm just saying kung anong nakikita at nararamdaman ko." he mumbled.

"Then stop that shit."

"Rei, i'm sorry kung may nasabi akong hindi mo nagustohan. Hindi na mauulit,"

"Don't say sorry, okay lang maman."

"I'll miss you Rei,"

"Magkikita pa din naman tayo ulit kasi babalik ka naman diba?"

"Kahit na, mamimiss pa din kita. Bakit? Hindi mo ba ako mamimiss?" nakasimangot niyang tanong.

"Mamimiss," usal ko.

"Mukhang ayaw mo akong kausapin." wika niya kaya napayuko ako.

Rei Shawn, what happened to you?

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Pa idlip saglit," usal ko pero hindi siya sumagot.

I'm sorry Ethan, I don't know why i'm acting like this.

"Shawn! Shawn! Ingatan mo ang iyong puso sapagkat nalalapit na."

Bigla akong nagising nang marinig ko ang isang boses katulad ng narinig ko noong isang araw.

The One That Got Away (Completed)Where stories live. Discover now