Tuyo ang mga mata ni Gareth habang pagilid na nakikinig sa nag-iisa nilang hardinero.

Padabog na inangat ng hardinero ang cover ng piano keys at hinila ang batang si Gareth patago sa likuran nito.

"—pero ni minsan, hindi sinubukan ng ama kong putulin mga daliri ko."



2005

KRUS ang dalawang braso ni Gareth habang nakatulala siya sa itim at puting litrato ng Bataan Death March.

Simula nang magkaroon siya ng opisina ay itong litrato lamang ang tanging palamuti ni Gareth sa kaniyang dingding maliban sa orasan. Hindi niya hilig ang mangolekta ng mga obra at iba pang disenyo sa lugar kung saan siya nagta-trabaho.

Nang bumukas na ang pintuan sa kaniyang likuran at naamoy ang isang pamilyar na pabango ay bahagya siyang napalingon.

"Ilang Amerikano ang namatay noong Death March?" tanong ni Eva Salazar habang ginagaya ang sarili upang makaupo sa pang-isahang upuan sa loob ng kaniyang opisina.

"Almost 500 soldiers were killed, while 1,500 died in starvation and disease," sagot ni Gareth sabay baling muli sa litrato.

"Your dad was one of the survivors, right?" ani ni Eva habang nakatulala sa flower vase na nasa gitna ng bilog na lamesa.

"Filipinos are more fascinating," sabi ni Gareth habang ginagala ang mga mata sa mukha ng mga mukhang Pilipino sa litrato, hindi sinagot ang tanong ni Eva, "2,500 of their soldiers were killed, while almost 26,000 of them died in starvation and disease."

"And one of them is your former gardener's father," tango tangong sabi ni Eva, nahulaan na kung saan papunta ang punto ni Gareth.

Tuluyan na namang napalingon si Gareth, mukhang handa nang pagtuunan ng atensyon ang kaniyang bisita, "You look exhausted."

"I'm old," ngiting ani ni Eva, "I'm not twenty-four years old anymore, magka-karoon na nga ako ng apo."

"Now you look happy," puna muli ni Gareth sabay upo sa kaharap na upuan ni Eva.

Napakibit balikat si Eva sa sinabi ni Gareth, "You did a good job at making my narcissistic husband kneel."

"He deserved it," sabi ni Gareth.

"Yes," tango tangong sabi ni Eva, nakita pa ni Gareth kung paano kumuyom ang kamay ng Ginang, "I still can't believe that he killed Fred, his own son!"

Naging pirmi ang reaksyon ni Gareth kahit pa bahagya siyang nabahala dahil krinedito ang kaniyang gawa sa ibang tao, daig pa niya ang ninakawan sa narinig.

Hindi nahugot ni Fred ang atensyon ni Gareth sa unang pagkakataon, matino itong lalaki at magalang, hindi katulad ng ama nito.

Ngunit nagbago ang lahat nang sinuhestyon nito na ipalaglag ang nasa sinapupunan ni Jane Zarzuela.

Matino ito at magalang, pero walang paninindigan. Kahiya hiya.

"Nalaman ni Fred ang tungkol kay Rona," komento ni Gareth at pinag salikop ang dalawa niyang palad, "Alam ni Mike na may kapangyarihan kang iluklok ang isang talunan na kagaya niya sa posisyon at alam niya ring kaya mo siyang alisin sa isang pitik lamang."

"Kaya niya nagawang patayin si Fred?!"

"May mga tao talaga na kapag nakatikim ng kapangyarihan ay hindi na nila ito pinapakawalan," kalmadong sabi ni Gareth, "Kung sakali man mag pumilit ang kapangyarihan na iyon na makawala sa kamay nila, gagawa sila ng hawla na gawa sa wolpramyo para dito."

Dress and Bones ✔ (Zodiac  Predators Series #1) [PUBLISHED UNDER POP-FICTION]Where stories live. Discover now