Chapter 5

2.7K 129 14
                                    

Gabrielle Allison Leviste

A flashback

Kasalukuyan akong nasa classroom, wala pa akong mga kaibigan dahil unang linggo palang ng pasukan. Ang teacher namin sa Network Analysis ay may pagka-strikta, siya lang ang nagpa- arrange ng seats namin. Ngayon ay katabi ko ang isang lalaki. Matangkad, maputi at mukhang pilyo ngunit tahimik ito marahil gaya ko ay nangangapa pa rin.

"Hi! Ako si Lucas, bago ka dito ano?" nagulat ako ng bigla niya kong in-approach. Oo transfer ako, dalawang taon din ako sa ibang school, at noong lumipat kami ng bahay ay nag-enroll ako dito sa PUP, o Polytechnic University of the Philippines.

"Ah, oo parang ganoon na nga. Ako nga pala si Allison." sabi ko at nginitian siya.

"Allison. Pang mayaman naman pala ang tunugan ng pangalan mo." tukso nito sa akin kaya natawa naman ako.

"Baliw! I was named Allison because Mom likes it so bad." sabi ko.

"Gabrielle Allison ang full name ko" sabi ko at inilabas ang notebook ko.

"Okay, but I will call you Gabrielle."sabi niya.

Nakinig muna kami sa teacher sa harapan, medyo nakaka-stress ang lesson pero kayang-kaya ko naman. Mabilis din tumakbo ang oras, pagkatapos ng ilang sandali ay break time na namin.

"Gabrielle, let's eat, treat kita." Sabi sa akin ni Lucas.

"Sure!" sabi ko at nginitian siya. He's my first friend in this school, and I guess I am lucky because he is famous in this school. Nakikita ko kung paano kami pagtinginan ng mga kababaihan habang naglalakad kami patungo sa cafe.

Kumain kami sa cafeteria, maraming estudyante ang nakatingin sa amin pero hindi ko na lamang ito binigyan ng pansin. Naupo na ako sa isang pwesto at si Lucas naman ay umorder na. Nakakapagod ang araw na ito at nakakagutom rin. Bumalik si Lucas na may dalang dalawang pinggan ng spagetti at dalawang baso ng coke. Paano niya nalaman ang paborito ko? Coincidence.

"Wow! Favorite ko 'to, thank you." sabi ko at nagsimula ng kumain.

"No problem, sabay tayo ulit bukas". sabi niya at kumain na rin.

"Sige pero ako naman ang manlilibre ah?" sabi ko. Natawa naman ito.

"Ikaw bahala." sabi nito at ngumiti.

Matapos noon ay nagpatuloy pa rin ang klase namin. Makulit si Lucas kumpara sa mga lalaking nandito sa classroom namin. Sobrang daldal niya at mapagbiro rin kaya hindi ako nabuburyo kapag walang teacher. Doon na nga nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Lucas, laging ganoon ang takbo ng mga araw namin, kulitan at sabay kumakain sa recess, minsan din ay hinahatid niya ko sa bahay. Sa makatuwid matatawag ko siyang boy best friend kumbaga.

Pero nagbago yun lahat ng bigla siyang nag-text sa akin ng bagay na hindi ko inakalang sasabihin niya. In that time, I am fully cherishing our friendship and labelling as only that.

"Gabrielle, gusto kita."

Nagulat ako at nanghinayang sa friendship namin. Simula noon ay nahiya na akong lumapit muli sa kanya, hindi ko na siya gaanong pinapansin at iniiwasan ko rin siya. Nahihiya ako dahil hindi ko pa kayang suklian ang nararamdaman niya.

Si Lucas ay ang lalaking hindi mahirap magustuhan, halos nasa kanya na ang lahat. Pero ang puso ko ay tila may gusto pang iba.

Isang araw ay pumasok ako ng maaga, kakaunti palang ang mga kaklase ko, at nandoon na rin si Lucas. Lumapit ito sa akin kaya kinabahan ako, May dala itong papel at nakasulat doon ang mga katagang "Can I treat you like my Princess?"

Gathered Memories [Acquisitive Billionaires Series #2 COMPLETED]Where stories live. Discover now