"Magaling? Seriously Dad? Magaling pero nabubulok na ngayon sa ilalim ng lupa? Bumalik ka sa Pilipinas at kailangan natin lumakas muli! Dahil hindi na ako magdadalawang isip na patayin ang kapatid ko! Palagi na lamang siyang pahamak sa organisasyon!"

"Hindi ako makikialam!" Pasigaw na tugon ni Sandigo.

Nagngingitngit ang galit ni Henry dahil hirap na hirap sila sa pagpupuslit ng ilegal na transaksyon. Lalo na't ang dating General Jacob pa ang tatakbo bilang Presidente.

"Tonio!" Tawag ni Henry sa kanyang alalay.

"Yes sir!"

"Hanapin mo si Joseph! Hindi pwedeng maging magkalaban kami! Kailangan ko pa siyang gamitin!"

Dahil sa mga pansariling pagnanasa, si Joseph ay humiwalay ng grupo at siya ngayon ang may malakas na bentahan ng droga sa mga estudyante. Habang si Henry na nahihirapan manghuli ng bata dahil sa pagharang ng kanyang kapatid. Kundi magiging sindikato sa kalsada ang mga bata, madalas na ibinibenta nila ang mga laman loob nito sa mga ospital.

"Hindi pwedeng mabuwag ang KPB! Tonio! Kapag hindi nakuha sa mabuting usapan si Joseph, kailangan ko siyang patayin!"

"Sir, malakas ang negosyo ng Plantera."

Ipinakita ni Tonio ang mga tagong negosasyon ni Joseph sa mga taga ibang bansa at nagmula ang mga impormasyon na ito'y nanggagaling sa kanilang espiya.

"If he will not stop. I will fucking make a way to shut him down."

Pagkatapos ng ilang taon na pagtakas ni Belle at Jaica sa mga kamay ni Henry. Hindi nagsasayang ng oras si Henry na hanapin ang dalawang dalaga dahil umusbong ang pagbabalik ng El Asesino. Gawa ng labis na takot, nauna ang kaduwagan ni Henry at inunang itago ang sarili. Kaya naman hindi sila nagkasundo ni Joseph. Joseph established Plantera Incorporated na isa ng kilalang Agricultural Materials sa Pilipinas na nag-su-supply ng mga pataba sa mga magsasaka.

No one knows that this business is illegal. Ang ginagamit na pataba sa lupa ng kumpanyang ito ay nagmumula sa mga pinapatay nilang tao. Ginagamitan ng kemikal upang hindi mapaghalataan na ito'y human fertilizer.

At ang Kilusan Para sa Bayan o KPB na hawak ni Henry ay unti-unting humina. Malaki ang tulong ni Joseph noong kasama niya pa ito dahil sa mga estratehiya nito kung paano makakuha ng mga bata sa kung saang lupalop ng Pilipinas.

TINDIG niya'y parang lalamunin ang lahat ng mga empleyado nang makapsok siya sa loob ng opisina.

"Sir, Candidate Ex General Jacob has a high rating for his Presidency. Mahina ang manok nating si Calma."

"Kalma ka lang, tataas din iyan kapag napatay ko siya. Isa pa't matanda na iyan."

"Mukhang mahirap looban ang kampo nila dahil alam naman natin na nasa ilalim nito'y si Don Vito "

"Don Vito can't move illegally. Hindi makikialam iyan."

"But sir..."

"May feeding program sila sa Bagong Nayon. Maraming mga bata ang nandoon kaya kailangan makuha mo sila. I want to ruin his candidacy dahil alam kong ikakasira niya na hindi maganda ang seguridad ng mga bata sa pangangampanya niya.

Kinakabahan si Allan dahil sa naging utos ng kanyang amo. Lalong may isa pa silang kalaban at ito'y si Henry. Dating kakosa niyang right-hand na si Tonio na hawak ni Henry ay kanyang kaaway na ngayon. Hirap makakilos si Allan dahil mababangga niya ang kinakapatid o ang kaibigan.

LUMABAS ng opisina si Joseph at sinimulan na pumunta sa paborito niyang lugar. Tinakpan niya ang mukha at pumasok sa Red Light District. Ngayon lamang siya pumasok dito dahil nababalitaan niyang magaganda at tinatangkilik ng kalalakihan ang mga bagong stripper.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now