CHAPTER 18

1.8K 88 20
                                    

CHAPTER 18

MALIMIT ang kilos ni Belle dahil pakiramdam niya'y napaka perfectionist ng kasama niya. Kulang na lamang pati ang paghinga niya'y kanyang pigilan. Halos manigas na rin ang leeg niya habang nakatitig sa bintana.

"Saan kita ihahatid?"

"Sa may terminal na lang po ng tren."

"Why there? Your exact location please, your house?"

"Eh huwag na po. Baka mapagdiskitahan pa ang sasakyan mo."

"It's fine I can ki—" natigilan sa diretsong pananalita si Hugo dahil kamuntik na niyang masabi na kaya niyang patayin ang kakanti sa kanyang sasakyan. "Tell me, this is for your convenience too."

"Promise, okay lang po ako sa Tren."

Sabay na nagkatinginan ang dalawa ngunit si Hugo na inirapan lang si Belle.

"Bakla ba ito? Bakit panay ang irap? Sayang naman kung bakla kasi ang gwapo?" bulong niya.

Sa ilang minutong nakalipas, hindi na napansin ni Belle ang paglaylay ng kanyang ulo. Sa haba ng biyahe, nakatulog na lamang siya.

Habang nakatigil ang sasakyan sa higpit ng daloy ng trapiko. Hugo gently touched her chin. Inayos niya ang pagkakalaylay ng ulo ng dalaga at sinandal ng dahan-dahan sa bintana.

"You are cute... pagtulog," bahagyang ngumisi si Hugo hanggang sa mapansin niya ang tawag mula kay Jamie.

"Yes?"

"Good morning po, sir. Nagkaroon po ng statement ang paaralan. Pero base po sa Heneral ng Pulis, ipapasara na po muna ito dahil sa imbestigasyon. They even cancelled the ongoing class for one month."

"Really?" maikling sagot ni Hugo at napatingin kay Belle. "I'll call you back."

"Nasaan po kayo, Sir? Papunta po si Gael sa bahay mo."

"I'm with Belle."

"Bakit hindi niyo na lang po pinakiusapan sa driver?"

"I'm okay... ako na lang. Take care, magkita na lang tayo mamaya sa warehouse," paalam ni Hugo at binabaan ng tawag si Jamie.

Pabuga ang hangin na inilabas ni Jamie pagkatapos ay tiningnan ang school I.D picture ni Belle. "You are familiar. Hindi ko lang talaga matandaan kung saan tayo nagkita noon. Pero... you are lucky. Mukhang interesado si Hugo sa iyo."

Sa pagtigil ng sasakyan ni Hugo sa tapat ng istasyon, tinapik niya ang balikat ni Belle kaya naman nagising ang dalaga.

"Pasensya na sir, nakatulog pala ako."

"Are you sure, dito na lang?"

"Oo, okay na po ako rito. Salamat po sa tulong. Hindi ko man lang alam kung paano ako babawi."

"Just be a good girl and study hard."

Ngumiti lang si Belle at bumaba na ito ng sasakyan. Nakita ni Hugo ang pagtakbo nito papasok ng istasyon. Nakaramdam ng lungkot ang binata dahil ang bilis ng oras. Nakaalis na kaagad ito sa tabi niya.

"How can I lessen my attitude? Parang nasa menopausal stage akong makipag-usap?" bulong ni Hugo.

Nagtago sa malaking poste si Belle at hindi pa rin nawawala ang paningin niya sa paligid.

"Frank... saan kaya ang business mo? Anong lugar? Ang sarap niyang titigan. Para akong nalulunod sa asul niyang mga mata. Pakiramdam ko, ang safe na kasama siya. Oo masungit pero... hindi ko nararamdaman na saskatan niya ako. How I wish, we could still meet by chance. Kahit isang beses ulit. Sumaktong dream boy ko pa ang kaharap ko kanina... blue eyes tapos matinpuno," bulong ni Belle habang kinakagat ang ibabang labi.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now