CHAPTER 61

1.2K 98 14
                                    

CHAPTER 61

“INDIO!” Bakit gumagawa ka ng hakbang nang hindi ko alam?!” Sigaw ni Joseph pagkatapos ay sinampal niya ang mukha ni Allan.

“Sir, nanghihinyang kasi ako sa kasunduan. Malaki ang pera na pwede nating maitakbo kay Mr. Hugo.”

“Pero hindi sa ganoon pamamaraan! Mapagkakamalan ka na hindi si Elias Morales! Mas lalong magtataka ang mga tauhan ni Mr. Hugo! Mautak ang negosyante na iyan!”

“Pero wala naman po siya, ilang araw na siyang hindi pumapasok sa trabaho. Palaging iyong intsik na assistant niya ang nakikita ko.”

“Wala akong pakialam kung sinong poncio pilato ‘yan! Huwag mo akong pangunahan kung ayaw mong ma-bulilyaso lahat ng pinaghirapan ko! Dahil kapag nangyari iyon, una kitang itatapon sa makina para maging pataba ang katawan mo!” Sigaw ni Joseph.

Hindi nila alam ang gagawin dahil wala na silang makuhang impormasyon kay Mr. Lee. Wala silang ideya kung tuloy pa ba ang pinag-usapan na pera dahil hindi pa napipirmahan ang tseke mula sa matandang banyaga. Hindi na rin sila sigurado kung buhay pa ito, silang magkapatd mismo ang gumagawa ng pekeng statement para kay Mr. Lee. Lalong para bang mababaliw si Joseph dahil nagkukulangan na siya ng pera. Malakas ang kalaban niyang international syndicate na kumukha sa mga bata para sa website.

“Sir, pero may nakita akong isang nagtatrabaho roon. Hindi ko lang matandaan kung saan kami nagkita,” wika ni Allan habang nahihiya na tumingin sa amo.”

“You are hallucinating! Tigilan mo ang droga! Magtrabaho ka na!” Sigaw ni Joseph at hinawakan ang magkabilang panga. “Masyado kang mailap Franklin Hugo… mahuhuli ko rin ang kiliti mo,” bulong ni Joseph.

From the other side, hindi man pumapasok si Hugo sa warehouse ng El Hombre ngunit nananatili ang imbestigasyon niya sa pagkatao ni Belle. Nakita na rin niya ang past records nito sa simbahan hanggang sa makita ang isang madre. Kaagad tumayo si Hugo at tiningnan ang lumang litrato ni Belle.

"It looks like her," bulong ni Hugo habang pinagmamasdan ang lumang litrato. 

Nanatili ang pagsisiyasat ni Hugo hanggang sa maipon niya ang lumang address na nanggaling sa simbahan. Kahit pasado ala una ng madaling araw, tumayo ito upang kunin ang baril at inilagay sa likuran niya. He even took his night vision eye glasses pagkatapos ay lumabas ng opisina. Naabutan lang niya si Belle na nakahiga at mahimbing ang tulog.

Bago tuluyang lumabas si Hugo, yumuko lamang ito upang mag-iwan ng halik sa labi ni Belle. Pagkatapos nu’n ay lumabas siya ng bahay. He took his oldest police dog with him. He followed the tracker para naman mas mabilis ang pagpunta niya sa lumang address.

Pagkatapos ng dalawang oras na biyahe, nakarating si Hugo sa isang abandoned subdivision. Walang bantay at halatang ilang taon ng hindi binibisita ang lumang lupain. Matapang na nilooban ni Hugo ang sirang entrance gate at hinanap ang ikatlong block papunta sa lumang address. As he found out, he wants to freak out. Giba ang bahay. Napapalibutan na rin ito ng mga puno at damuhan. Lakas loob na pumasok si Hugo hanggang sa makapasok siya sa bahay na hindi sigurado kung isang hakbang lamang ay magigiba na ito. 

“Big boy, you have work now,” saad ni Hugo at hinaplos ang police dog pagkatapos ay ipinaamoy ang bakas katawan na damit ni Belle at droga sa aso bago tuluyang pakawalan. 

Nagpatuloy si Hugo sa magmanman sa paligid hanggang sa ginamit niya ang ultraviolet flashlights. He found some blood stains na vissible lang sa ilaw na gamit. Sinundan niya ito hanggang sa mapunta siya sa likuran parte ng bahay. Halos tumalbog ang puso ni Hugo nang marinig ang tahol ng aso. 

“Biggy,” tawag niya upang tumigil ang aso. Napatingala ang binata hanggang sa makita niya si Gael.”What the fuck are you doing here?!”

“Sir, I’m sorry, but we followed you. Nandito rin si Ms. Charm. We are afraid, baka mapahamak ka lalo na’t mag-isa at injured ka pa rin.”

  Bumuntong-hininga si Hugo at hindi na kumontra sa kanyang right hand. “Biggy, did you find something?” tanong ni Hugo sa aso pagkatapos ay tumakbo ito papunta sa dugo na kanyang sinusundan.

This police dog stopped in the open back yard of the house. Nagsimulang maghukay ang aso kaya naman biglang lumapit si Gael at sinenyasan ang mga kasamahan na gwardya.

“Sir,  I think we have answers,” saad ni Gael habang naghuhukay.

“I found old blood stains using this ultraviolet light. Halatang may crime scene dito at hindi malinis ang pagkakagawa. Malaki rin ang ipinagtataka ko dahil inabanduna ang subdivision na ito. It doesn’t appear in application maps, tanging sa tracker lang natin lumilitaw,” wika ni Hugo.

    Bahagya niyang pinunasan ang pawis at hindi pa rin inaalis ang takip sa kanyang mukha lalo na ang mga mata.

    “Sir! May bungo!” Bulalas ng gwardya.

    Biglang lumapit si Hugo at doon nila sinimulan na kunin ang bungo at ilang buto ng tao pagkatapos ay inilagay sa trash bag. 

    Mas lalong nagkaroon ng kutob si Hugo at sinimulan na halungkatin pa ang lumang basurahan. Wala na siyang ibang makita kung 'di dumi at halatang pinakialaman na ang mga gamit sa bahay.

    “Fix everything at dumiretso tayo sa El Hombre for investigation. Clean those old blood marks nang  sa gayon walang makasunod. I brought some chemicals at siguradong wala ng sagot sa crime scene kung may magpupunta pa rito.”

    Unang lumabas si Hugo papunta sa kanyang sasakyan. Nagtaka na rin siya dahil sa si Charm ang nakaupo sa driver’s seat. Hindi na rin muling nagreklamo ang binata hanggang sa makasakay na siya.

    “Sir, this subdivision is hidden from application maps.”

    “Yes, I know. May dapat tayong malaman dito.”

    “Ang dating may-ari nito ay isang tauhan ng simbahan.”

    “What? Kailan mo nalaman?”

    “Ngayon lang din po sir, here’s the laptop. Nagbase po ako sa dating address at lumang mga records niya. Hindi malinis ang pagbura nila sa location na ito. Iyon lang, pangalan ng dating may-ari lamang ang nabura. Pero ang occupation niya ay nagmula sa dating empleyado ng simbahan. At base naman ngayon sa nakikita ko, this subdivision was sold to a businessman. Lalaki na hindi kilala.”

    Nang makalayo ang sasakyan ng El Hombre, isang pulang sasakyan ang sumunod kung saan nagmula sila Hugo. Nagmamadaling lumabas ang lalaking ito hanggang sa nilibot niya ang lugar. He even used his ultraviolet light, ngunit sa kanyang nakita isang kemikal ang kanyang nahawakan.

    “Fuck… anong meroon sa bahay na ito at hindi ko nakita? Sino ang mga taong iyon? Bakit nandito sila sa lupain ko?!” Asik nito hanggang sa tuluyan siyang makalabas.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now