CHAPTER 28

1.9K 89 31
                                    


CHAPTER 28

Seryoso ang mga mata at para bang walang sakit kung kumayod si Hugo. Biglaan nagkaroon ng meeting si Hugo pati na si Mr. Tan sa isang exclusive villa. Tahimik lang si Belle habang nakikinig sa mga dapat niyang ilista sa planner ni Hugo. Tatlong oras na silang magkasama ni Hugo, pero ni minsan ay hindi niya napansin na sumulyap ito sa kanya.

Panay ang lunok ni Belle dahil pagdating sa ibang babae, abot langit ang ngiti nito. Tila hindi nakasumpong ng kamalditahan si Belle dahil wala rin siya sa tamang timpla para gawin ito.

"We are going to have lunch. Isama mo na rin ang mga anghel mo, Hugo," saad ni Mr. Tan.

"Sure, no problem," tugon ng binata.

"Ah sir, baka hindi po ako makasama," biglang sabat ni Belle.

"Okay. Let's go Charm," tugon ni Hugo.

Inabot lang ni Belle ang mga gamit ni Hugo kay Charm pagkatapos ay tumalikod na ito upang makalabas ng villa. Nagpalakad-lakad lang si Belle sa paligid hanggang sa makakita siya ng magandang scenery. Tanaw ang malawak na dagat at napakagandang bundok.

"Bakit ba kasi napaka easy girl ko? Bakit ba kasi ako nagpadala? Kasi akala ko may mabubungi akong lalaki na magkakagusto sa akin? Malapit na ang birthday ko, hiling ko lang naman... sana maranasan kong sumaya, iyong bang walang uudlot. Walang harang?" Bahagyang yumuko si Belle hanggang sa mapansin niya ang tili ng isang bata.

Napaka saya nito habang kasama ang magulang. Halatang mahal na mahal nito ang kanilang anak kaya naman nakaramdam ng kirot sa puso ni Belle.

"Sino kaya ang magulang ko? Bakit tinapon na lang ako sa ampunan? Kaya ba ganito ako kasi hindi ko pa kilala ang sarili ko?" biglang umagos ang luha mula sa kanyang mga mata hanggang sa humikbi si Belle. "Tama na... huwag kang iiyak. Huwag na huwag na."

Mula sa ikatlong baitang, tanaw na tanaw ni Hugo ang pag-iyak ni Belle. He felt guilty about the kiss at kung paano niya ito bastang tinaboy.

"Paano ko ba paninindigan 'to?"

From the other side, panay ang tingin at hindi mawala sa paningin ng isang nakaitim na jacket sa pintuan ng kwarto ni Belle. Hinalungkat niya ang gamit nito hanggang sa ibinalik muli sa cabinet ng dalaga ang bag. Mabilis itong lumabas ng kwarto at pinunasan ng kemikal ang doorknob ng pintuan.

Muling nagmasid sa paligid ang taong ito at tumakbo papasok sa fire exit. May ngiting matamis na umukit sa kanyang mga labi hanggang sa tuluyan niyang nilisan ang hotel building.

**

Naka tatlong lagok ng tubig hanggang sa ikatlong bote na ng tubig si Gael habang nakabantay kay Jaica. Hindi mawala sa paningin niya ang dalaga kaya naman nakaramdam na siya ng pagod kakasunod sa kilos nito.

Unang araw ng trabaho pero napakaraming tao na ang nabentahan ng alahas nito. Her marketing skills, her smile lalo na ang product knowledge ng dalaga. She can explain every single detail about the jewelry.

"Bakit napakahusay ni Belle at Jaica? Jaica just read the collection's of product descriptions pagkatapos ganito na niya kaagad nasaulo?"

Namangha pa rin ang binata hanggang sa sinubukan na niyang lumapit.

"Excuse? Can you please help me to choose between these two diamond rings?"

Tumingin si Jaica mula ulo hanggang paa ng binata na parang kinikilatis niya ito.

"Are you degrading me?" Asar na tanong ni Gael.

"No sir! Tiningnan ko kung ano ang babagay sa iyo. Dahil sa corporate look mo, much better if you will choose this white gold ring."

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now