Corny 23

5.6K 177 45
                                    

XXIII.

Lumapit si kutung lupa sakin habang yung mga mata niya nang-aakit na di ko maintindihan."Halikan mo ako Frey." sabi niya ulit sabay kagat sa pang-ibabang labi niya.

Tinitigan ko siya ng maigi sabay sabi ng, "Ang sagwa ng hitsura mo!" Na-aano ako sa ginagawa niya. Na-aano.

Ano ba tawag dun? Tae. Ano ba yun?

Yung ano...yung pakiramdam na pinagpapawisan ako ng malamig?

Yung napapalunok ako?

"Frey...?" malambing na tawag niya sa pangalan ko.

Na-aano talaga ako. Shit. Shit. Shit. Nagsisitayuan na ang balahibo sa batok ko. Hinawakan ko yun at minasahe habang pinagmamasdan ang pag-ngata niya sa labi niya na parang daga. Nilalabas niya pa ang dila para lawayan yun.

Puta. Nakakasuka.

Nakakapanghilakbot!

YUN! PUCHA! Ganun ang pakiramdam! "Ang sagwa mo! Lumayo ka saken!" Aakto na sana ako paalis pero kinuha niya ulit ang atensyon ko.


"Ang laswa naman ng iyo," pinikit-pikit niya ang mga mata. "At gusto ko.." Sinadya niyang lagyan ng ungol sa dulo.

Ang bakla pakinggan! Gusto ko siyang patulan. Gusto kong durugin ang bibig niya. San niya nakukuha ang ganyan? Pokpok ba sya? San niya yan natutunan? 

Tangina. Napahilamos ako ng di oras sa mukha ko. "Ulol, gago! Tigilan mo'ko!"  Ano ba ang nakita ng babaeng 'to sa'ken? Ano ba ang dapat kong gawin para layuan niya ako? Ang corny kase. Tae. Napaatras ako sa kinatatayuan pero humakbang siya papalapit. "Uupakan kita. Dyan ka lang!"

Humakbang pa lalo palapit ang tarantado.

HAYOP SIYA. TANGINA. HAYOP SIYA!

"Frey isang kiss lang. Dito o?" Ngumuso siya, sabay pikit ng mata niya. Hindi talaga magpapatalo ang hayop na to. Bakit ba napakatigas ng ulo niya? Nakakabanas na! Amp.

Bahala na.

"Ganun ba?" Bulong ko, tsaka ako lumapit ng kaunti sa kanya. Diring-diri ang buong pagkatao ko. Naamoy ko ang pabango niya. Shit. Ang tapang. Ang sangsang ng amoy. Naduduwal ako.

Plinano niya ba ang lahat ng to? Ang damit niya, ang mga ikinikilos niya, ang pabango niya?

Ang gago gago niya. BOBO! TANGA-TANGA! kala niya naaakit ako sa ganto? Kahit maghubad pa siya at pilitin akong gahasain siya.

Hindi ko siya papatulan.

Gusto niyang halikan ko siya, ganun ba?

Corny Daming Alam!Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin