Corny 20

6.6K 226 65
                                    

XX.

“Ideputang loko ka! Nakita mo ba bisekleta ko ha?! Hoy! Ulol! Lumabas ka dyan! Putangina! Harapin moko!” Hinampas ko nang hinampas yung hood ng sasakyan nung gago. Pucha, kumukulo ang dugo ko. Wala na nga akong 300, nagmumukha pa akong palaboy dito.

Dahil mabilis na ginilid ko yung bisekleta, nagpagewang gewang kami na parang mga ulol. Nalaglag kami pareho ni Cormia sa putikan na may masangsang na kanal. Nawalan ng malay yung bastos na babae at hindi ko alam kung baket. Wala naman akong pake. Kinaladkad ko yung katawan nya sa gilid ng kalsada para di harang sa pagsalba ko sa bisekleta ko.

Ako ngayon heto, binalikan yung humintong sasakyan habang hawak hawak ang NABABOY na uniform ko. PUTA! UNIFORM KO!!! PUTANGINA TALAGA!

WALA BANG NAKAKAHALATA NA ANG UNIFORM KO ANG PINAKAMAHALAGANG BAGAY PARA SAKEN! AMPUCHA TALAGA!

Hinilamos ko yung mukha ko sa inis, bullshit. Kumalat yung putik at alam kong hindi lang ako mukhang tangang palaboy, taong grasa na rin ako dito.  PERO WALA AKONG PAKE!

Tinadyakan ko yung gulong nung sasakyan. “Wag mong sabihing tinted sasakyan mo kaya di mo na ako nakikita! Pakyu! Labas na!”

Mabilis namang bumukas yung pinto dun sa driver’s seat. Binilog ko yung hawak kong maputik at nababoy na uniform sabay bato sa pagmumuka nung lumabas. “Labhan mo yan!”

Dahan dahang tinanggal nung loko yung damit ko sa pagmumukha nya. Ninanamnam pa siguro yung masangsang na amoy nung kanal na kumapit dun. Nagdidilim nanaman ang paningin ko. Puta. Kaka downy ko lang nun! 

Nung nakita ko kung sino yung gago, napangiwi ako.

Cruz. Shit.

Bumukas yung pinto sa kabila at syempre sino pa ba ang iniluwa nun?

Pakshet. Dahil isa nga itong gago story… Nagpakita na ang kutung lupang matagal ring nawala.

Mga walangyang dalawa o tatlong chapters yata.

“Frey! Anong nangyari?” Nanlalaki ang mga matang tanong niya. Hindi ko sya sinagot. Wala akong pake. Tinutok ko lang yung mga mata ko dun sa ungas.

“Labhan mo yan. Ngayon din mismo. Gago!”

“Pare, ang tigas din naman ng mukha mo na utusan ako?” Aba, may gana pang magalit itong ungas na to? Wala akong pake kung badtrip sya tulad ko.

“Mas matigas mukha mo!” singhal ko.

“Ano? Patigasan tayo?” Ngumisi siya na parang may ibang naiisip. Ang gago rin ng lokong to. Cruz. Shit.

“Ulol mo!” Lumapit ako sa kanya at tinulak siya. Bumakat yung dugyot na daliri ko sa maputing pang mayaman na polo niya. Gusto kong ipahid ang nanlilimahid na mga kamay ko sa pagmumukha niya. Tangina.

Napaatras siya sandali sabay matalim na tumingin sakin. “Ikaw ang hindi tumingin sa daan, o baka naman bingi ka? Nagbubusina ako kanina pa. Hindi ko naman pwedeng igilid ang sasakyan, alam mong one way lang to. Pare pasensya kana pero, makitid ang daan, kasing kitid ng pang unawa mo.”

“Waw. Talk shit.” Sarkastikong sagot ko lang sa walang kwentang linya niya. Ganito pala ugali ng lokong to? Masama rin pala? “Dami mong alam. Labhan mo nalang yang uniform ko.” Tinalikuran ko siya sabay buhat sa bikseleta kong napaliguan din ng putik. Tae. Simula nang naging gago ang storya ko, nagkanda loko loko na ang lahat.

Lintik na buhay to. Mag babike ako na ganito ka bantot?

“Frey.” Ayan nanaman ang mahinhin na boses na yan. Nakita ko sa gilid ng mata ko na papalapit na papalapit siya sakin. Hindi na siya naka uniform tulad namin ni Cormia, tss. Bagong bili nanaman ang damit niya. Naka-usli pa yung tag price sa gilid.

“Frey, ako nalang maglalaba.”

Hinawakan ko yung  bisekleta ko at pinaandar yun dun sa pwesto kung san ko iniwan yung bastos na babae.

“Frey, pansinin mo naman ako o.” Sinubukan niya hawakan yung braso ko pero bago pa man siya makalapit marahas kong iniwas yun sa kanya at hinarap siya.

Tinitigan ko siya ng masama habang nagtatangis ang mga bagang ko sa galit.

“Lumayo ka sakin kung ayaw mong matadyakan kita.” Singhal ko. Nakita ko nalang ang panlalaki ng mata niya, ang korning paglunok niya.

“Frey.” Mahinang bulong niya.

“Tangina! Ano ba! tama na kakatawag sa pangalan ko!” Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Gusto kong matakot siya. Gusto kong lumayo siya sakin. Nanlilimahid ang buong katawan ko. Wala akong pake. Pero ayoko na makita niyang ganito.

Hindi ko namalayan ang pag-angat ng kamay niya, at dumampi yun sa maputik na mukha ko. Halos paduguin ko ang dila ko sa pagkagat nun, gusto ko siyang murahin. Gusto ko siyang murahin ng murahin.

“Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong niya sakin, ayos din na babae to, parang bingi lang.

Kumuha siya ng panyo sa bulsa niya at pinunasan ang pagmumukha ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at hinayaan siya. Ayokong makita ang awa sa mga mata niya. Pakealam ko ba. Puta ang corny. Putang ina ang corny talaga.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa handle ng bisekleta nung maramdaman kong may ampuchang bagay na dumampi sa bibig ko. Ulol. Alam kong hindi yun yung panyo.

Ang gago rin ng babaeng to. Ang sarap niyang wasakin.

Nagawa pa akong halikan kahit na sobrang baho ko. Kahit na sobrang dugyot ko. At kahit gaano pa kainit ang dugo ko at pwede ko siyang saktan murahin at lahat na.

Kutung lupa. Wala kang kwenta.

Nung buksan ko ang mga mata ko at nakita ko ang walangyang ngiting aso niya mariin na sinabi ko sa kanya…

“Gusto mo bang gahasain kita? Lumayas ka sa harapan ko!” Siguraduhin lang nilang dalawa ni Cruz Shit na lalabhan nila ang uniform ko.

Gusto kong maputi ang uniform ko. Sobrang puti… Yung masisilaw ako.

At gusto ko ng kabaligtaran ng pagkatao ko. Kahit sa uniform lang… maging malinis naman ako.

Wala akong pakealam sa gago story na to. Daming alam! Dumadrama na! Wala akong pakealam sa hayop na sumusulat! Kung makupad ang updates niya at kung walang kakwenta kwenta! Pake ko ba kung magulo? Matatapos man o hindi? Yung uniform ko. PUTA! Yung uniform ko ang pinakamahalaga.

Ano, may angal ka?

“Chezka, tayo na.” Hinigit ni Cruz shit yung kutung lupa palayo sakin.  

“Frey, ako maghahatid sa school mo! Bukas! Promise yan!” Parang hindi narinig yung pagbabanta ko sa kanya kanina.  Ngumisi parin siya sakin sabay hablot sa uniform ko na hawak nung ungas. Niyakap niya yun sa dibdib niya na parang engot. “Promise Frey!”

Nagkibit balikat ako at tinalikuran siya, yung gago kasi nakakunot ang noo habang tinitingnan ako ng masama. Pake ko.

Bago ako yumuko para gisingin ang bastos na babaeng wala paring malay sa kalsada, narinig kong tinawag ulit ako ni kutung lupa.

“Frey! Mahal kita! Sobrang mahal kita Frey!”

“Tss. Corny mo. Tanga!”

-------------------------X

Nakakatuwa pong malaman na alas dos ng madaling araw at nahihirapan kayong tumawa. XD Matulog po kayo ng maaga please. Maraming salamat po sa pag appreciate nitong ewan na story ni Frey at ng uniform niya. :)

Corny Daming Alam!Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz