Corny 5

9K 322 86
                                    

V.

Napabuntong hininga ako nung dumating ako sa harap ng sira sirang pinto na gawa sa yero. Eto ang bahay na tinitirhan ko ngayon… Bakit ako nag-aaral sa school na magara?

Hindi ako isang scholar. Matalino kaya nakapasok dito? Corny naman pag ganun.

Hindi rin ako nagtratrabaho para mabayaran yun. Tae daming alam, di ako waiter!

Mga magulang ko parin nagpapa-aral saken.

Pero mamaya na yan. Itong kutung lupa muna.

Umakyat ako ng hagdan para pumunta sa kwarto. Bakit may hagdan? Sa squatter area na to, ako lang ang may bahay na may second floor. Maraming kapitbahay na naiinggit. Hehe. :|

Pake ba nila?

Ibinagsak ko na yung babae sa kama.

O__O

Nakalimutan ko, papag lang pala yung kama ko. Hindi yun malambot, kaya naumpog siya.

“Sh!t. Sorry!” Kinapa ko yung noo niya kung may bukol.

Merun nga.

Tangna, patay ako neto pag nagising to. Tae, bahala na kasalanan niya yan. Wala na akong pake.

Tiningnan ko yung mga sinampay. Tae wala pa masyadong tuyo!

Bahala ka kutung lupa, yung labahin ko isusuot mo.

Kinalkal ko yung labahin ko, inisa isa kong amuyin yun.

Corny Daming Alam!Where stories live. Discover now