Corny 17

7.3K 246 89
                                    

XVII.

“Hoy TARANTADO! Bahay mo ’to?” Napakabastos talaga ng bibig ng babaeng to kahit kailan. Tangna! Ang sarap pasakan ng ano e!

 

“Amp. Manahimik ka.” Banas kong sabi sa kanya sabay lakad papalapit sa bahay.

“Di nga? Ano to? Bahay mo nga?” Sumunod siya sakin hinahatak hatak niya yung uniform ko.

“Pucha! Ang ingay mo!” Siniko ko siya papalayo pero wala, nakailag ang malokong babaeng to.

“BAHAY MO NGA!?”

 

Tss. Nang-aasar na talaga to e. -__-

Huminga ako ng malalim bago ako huminto, napahinto rin siya. Marahas ko siyang nilingon, parang tangang nanlalaki ang mata ko sa galit. “Bullshit Cormia! DIBA SABI KO MANAHIMIK KA! At pwede ba?! Bitawan mo uniform ko!” Ang dugyot dugyot na ng pakiramdam ko ngayon. Puta, ang lagkit!


Tapos siya heto? Preskong presko? Ang landi niya. Pakshet lang! :|

Syempre gaya ng inaasahan ko, hindi siya natinag, hinampas niya pa balikat ko. “Nagtatanong lang! Corny mo ha!”

“E ang gago lang! Ang ingay ingay mo! HINDI YAN BAHAY KO! Kung gusto mo ng gagong plot na mayaman pala ako—ibang storya yun! LUMAYAS KA NALANG DITO!” Kanina nalulungkot ako pero dahil napagtanto kong ang panget sa pakiramdam ang ganun… corny na at gagong shit lang, nabadtrip nalang ako. Napuno na ako sa kakatanong niya at pinupuri niya kanina pa ang bahay na yun. Walang wala daw sa barong barong ko. Kumulo ang dugo ko.

Pake ko ba sa bahay na yun? Bullshit. Hindi naman yun amin. Yung amin yung nasa likod at kahit na amin yung walangyang bahay na yan pake ko!? Pag ba may malaking bahay na, di na pancit canton kakainin ko!? LANGYA!

“Frey?”

Sandali akong nanigas sa pwesto ko. Napapikit ako nung marinig ang boses ng babaeng yun. “Tsk.” Tinalikuran ko si Cormia at hinarap siya.

“Nay…” Malumanay ang boses na sabi ko sa kanya. Nakasuot siya ng isang daster na mabulaklak na parang gago, tapos may hawak siyang walis tingting. Binitawan niya yun at napahawak siya sa bibig niya, ugh? Alam niyo yung mga corny na babaeng parang nagugulat na natutuwa na naiiyak na di mo maintindihan? Ganun yung hitsura niya ngayon.

Tumakbo siya papunta sakin. Tae. Ang corny. -__-

“Frey! Anak!”

Sinubukan kong ngumiti… pero napangiwi lang ako. Siguro para akong natatae na ewan. Amp! Niyakap niya na ako…hinayaan ko lang siya.

“Nay ambaho ko. Mamaya nalang.” Kaso hinigpitan niya lalo. Tangna. :|

Corny Daming Alam!Where stories live. Discover now