Corny 16

7.7K 283 89
                                    

XVI. CHEZKA

 

Napatulala ako sa dalawang taong nagmamadaling umalis sa harap namin at napahawak sa dibdib ko. Ouchhhhh...

Kumikirot kasi. Yung kirot na parang hindi ako makahinga.

Yung kirot na nasasaktan ako… Sobrang nasasaktan…

I was in pain…. The man I love just went away with another girl in his arms. I was so sad I began to cry.

 

OMIGOSH Frey… Mahal na mahal kita! Bakit mo siya hinahawakan? Bakit mo siya hinihila?

Naalala ko tuloy yung kahapon…Nung ako yung sunud ng sunod sa kanya. Ako yung kapit ng kapit, ako yung halos maglupasay para mahawakan ang balat niya, pero pinagtatabuyan niya ako.

Ngayon heto siya… Super sweet dun kay Cormia. Tinawag niya pa yung babaeng yun sa pangalan niya.

 

Unfair treatment! Naluha ako lalo. Bakit napaka lupit ng tadhana sa pag-iibigan natin? This can't be happening!

Frey is this really goodbye?

 

“Shh.. Chezka, tahan na.”

*sniff* *sniff* “Eh kasi—naman.”

 

“Nakakahiya na. Baka isipin pa nila inano pa kita.” Naiilang na sabi ni Cruz sakin habang napakamot siya sa ulo niya at tumitingin sa paligid.

Eh ano naman ngayon.

“Ina—ano?” *sniff* *sniff*

Moment ko to e. Kasi diba dapat kapag ang isang babaeng mahal na mahal ang isang lalaking iniwan siya. Dapat iiyak?

Diba dapat ganun?

So mas lalo pa akong umiyak.

 

“Tsk. Halika na nga.” Binuhat niya ako bigla, ikinapit ko nalang yung kamay ko sa batok niya at isinubsob ang mukha ko sa balikat niya. Kahit kailan talaga maasahan ko itong lalaking ito.

But just like always, I have the same answer…

Hindi siya ang mahal ko.

“Narinig ko yun.” Mahinang sabi niya.

Napatingala ako sa mukha niya. His jaw tense, diretso lang ang tingin niya.  Hala? Nasabi ko ng malakas?

“Oo. Kaya tahan ka na diyan.” Humigpit yung pagkakahawak ni Cruz sakin.


T___T Frey… dapat ganito ang ginagawa mo sakin diba? Kasi ikaw ang lalaki na para sakin. Katulad ng mga lalaking nasa libro… Alam mo yun? Yung masusungit na lalaki nakakatuluyan ang isang babaeng tahimik… mapagmahal… sweet….at *sniff* hindi ko na alam.

Corny Daming Alam!Where stories live. Discover now