Conry 10 (Part 2)

8.6K 262 71
                                    

X (Part 2)

“Ano Frey…? Tama ba ang ginagawa ko?” Tanong niya mula sa ibabaw ko. Yung kamay niya nagpatuloy sa pagtaas baba.

 

“Haaaa…Ahhh...O-o..” Tangnang bibig to, di ko siya masagot ng maayos.

Iniyuko niya ang ulo niya para ibulong sa tenga ko, “Frey—“  Iniwas ko yung ulo ko tas tinulak yung kanya papalayo. Masyado siyang malapit.

Hindi ko gusto.

 

Baka duraan niya nanaman ako e.

 

“Tumahimik ka nalang pwede?” Saway ko. Nag coconcentrate ako. shit. Na-eenjoy ko na yung ginagawa niya. Ka-badtrip lang kung puro siya salita.

“Uhm—okay.”

At nagpatuloy ang mga kamay niya sa pagtaas baba sa katawan ko…pisil diyan, pisil dito.

“Uhhh…” Sinadya niya sigurong lakasan at higpitan ang pagkakahawak niya sakin. Shit. Nanadya talaga itong babaeng to. Baka mag-iwan ng marka… baka magkapasa ako, patay siya sakin!

Nakarinig ako ng isang pagsinghap sa hagdan. Inanggulo ko yung ulo ko dun, anino lang nung kutung lupa yung nakikita ko.

Malapit na palang sumikat ang araw. Gising na siya?

Diniinan nung babae sa ibabaw ko yung pagdagan sakin.

Shit.

 

“Fvck! Umayos ka Cormia…dahan-dahan-! Uhh…” Nakagat ko labi ko ng di oras. Ampucha. Walangya! Ang landi niya.

Nakarinig nalang ako bigla ng mahinang pag-iyak.

Tss. Sino pa ba iiyak? Sino pa ba ang madrama? Syempre si kutung lupa.

Tinulak ko si Cormia mula sa ibabaw ko.

“Ayoko na. Tama na.” Sabi ko. Tapos tumayo na ako…

Papunta sa kanya...

Mabilis akong pumanhik ng hagdan. At tama nga ako, siya yung umiiyak. Naka handusay siya sa sahig na parang ewan. Sando ko lang ang suot niyang pang-ibabaw, at yung maikli niyang palda kaya kita ang underwear niya..

Pero wala ako pake.

O.O

Oo, wala akong pake.

O.O

Tss.

“Anung kadramahan nanaman yan kutung lupa?” Nayayamot na tanong ko sa kanya. Mabilis siyang naupo. Sumandal ako sa gilid ng pader. Napatingin naman ako sa baba ng hagdan, nakita kong nagtatakang nakatingin sakin yung isa pang babae. Nakataas nanaman yung isang kilay niya.

Corny Daming Alam!Where stories live. Discover now