Corny 22

6K 170 43
                                    

XXII.

"Frey?" Dapak. Ang boses na yan. Ang walangyang boses na yan. Nagsitayuan ang balahibo sa katawan ko pero hindi ko pinansin at diretso lang ako sa paglalakad. 

"Frey! Mahal ko!" Tangina!! Anong kagagaguhan nanaman ang pinagsasabi niya? Nagsimula na akong tumakbo kasi pakiramdam ko sumusunod na talaga siya sakin. Isa pa nagmamadali pa ako, hahanap pa ako ng pwede kong mabilhan ng load.

"Frey! Dala ko na uniform mo!"

Tsk. Napahinto ako sa sinabi niya. Humarap ako at pinanlisikan siya ng mata."Akin na. Bilis."

"Ganun nalang ba yun Frey?" Nalulungkot na sabi niya sakin. Yakap yakap niya yung uniform ko. Napansin ko na nakaplastic pa yun at nakalagay sa isang hanger. Ayos din tong babaeng to ha.

"Oo. Ganun lang yun. Wag ka na madrama pwede? Akin na yang uniform ko." Inabot ko sa kanya yung kamay ko. Napansin ko na naka civilian lang siya. Naka palda na maikli at sleeveless na blouse. Kung ibang hayop ang nasa kinatatayuan ko ngayon, malamang puro kamanyakan ang nasa isip dahil dyan sa suot niya. Eto ata yung tinatawag ng mga gago na 'daring'. Pucha? Daring? Pake ko ba sa mga babae at sa suot nila? Buti sana kung makakain.

Anong klaseng estudyante ba ang babaeng to? Wala na ba siyang balak pumasok sa klase nya? Tsaka paano siya pinapasok dito sa school? Ang gago naman ng mga gwardiya, kung sino sino nalang ang pinapayagan!

"Ang sungit mo talaga Frey, nagtatampo na ako sayo." Puta. pake ko ba sa kanya.

"Alam mo ba mukha kang tuta ? Mukha kang tanga! Akin na sabe! Bilisan mo! Wag na wag mo pinaiinit ulo ko!"

"Yun ang purpose ng pag pout Frey. Dapat iniisip mo cute ako!" Inulit niya ulit tapos yung mata niyang nangungusap tinutok nya saken. Kinilabutan ako lalo.

"Ulol, ang dami mong alam. Di ako gago na papatol sa ganyan! Muka kang tanga. Seryoso ako. Sino nagsabi sayo na pag ginawa mo yan maaawa ako sa'yo?"

Amp. Ang gago lang inusli niya lalo yung pang ibabang labi niya. "Madalas ko to mabasa sa mga libro e. Sabi pag nag pout na kyukyutan ang mga lalaki!"

"TANGINA!  Hoy!! Kung sino mang nagsulat nun GAGO SIYA! Ang sagwa tingnan! Tigil mo nga yan! Gusto mo bang paduguin ko yan? Busila ang bibig mo kutong lupa! Baka kidlatan ka pa at magka ganyan na yan habang buhay! Kadiri. Shit."

Napasinghap siya, para siyang isda na nakanganga. Maya maya pa kinagat niya yung pang ibabang labi niya. "Paduduguin mo bibig ko? OMAYGAD FREY! PAANO!? Ikikiss mo ko no! Yiieee ikikiss niya ako!" Naglakad siya palapit sakin sabay hampas na mahina sa braso ko.

"Pakyu!" Singhal ko sa kanya. Nakita ko na hinigpitan niya ang pagyakap niya sa uniform ko. Kinikiskis niya pa yung nakakagagong katawan niya sa damit ko. "HOY! TANGINA! BINABABOY MO DAMIT KO!" Di ko napigilan ang pagtaas ng boses ko. Kung tao siguro ang uniform ko, parang ginagahasa nya na yun. Napaka walangya ng babaeng to. Hinablot ko sa kanya yung uniform ko, sabay tulak sa kanya palayo.

Para siyang tanga na napakapit sa pader tapos tiningnan ako na parang sobrang sama ko. Puta. Ano to? Isang gagong telenobela?

"Wala man lang salamat Frey? Bakit ganito ka sakin? Anong ginawa ko?"

"Tae. Wag ka ngang magdrama! Sige na, oo na, Salamat!" Tapos sinenyasan ko siya na umalis na siya na parang aso. "Alis na. Bilis. Baka may makakita pa sayo dito."

"Kiss mo muna ako."

Fuck. Anong problema ng babaeng to?

---------X

Ngumangawa na kapatid ko. Kainis. :(( hanggang dito lang tuloy. Dedicated sa kanya ~~ Yiie. Sis :))

Corny Daming Alam!Where stories live. Discover now