Part Twelve

1.1K 40 19
                                    

Dedicated to ShekinahYhanzRemecio

Hi reader! Sorry na delay ang update ko, I was busy sleeping and eating-char HAHAHA, anyways, eto na ang udpate na hinihingi nyo, enjoy!

-Riju

SEANEE AVERY

Nagising ako at laking gulat ko nang makitang wala ako sa maliit na apartment ko! Shems, nasaan ako--

Babangon sana ako pero may nakakapit sa bewang ko ng mahigpit, I looked at it at muntik lumuwa ang mga mata ko nang makitang nakayakap sakin si Asher!

What the he-

Kinalma ko muna ang sarili ko! Shets, nakakawindang!

Naalala ko, kagabi ay tumawag sakin ang isa sa mga kaibigan ni Asher para ipasundo sya, then nang mahatid ko na sya pauwi ay--

dO///Ob

Flashback

I pushed Asher away!

Napatakip ako ng bibig, bakit nya yun ginawa?! Bakit nya ako hinalikan?!

Nanatili syang nakahiga sa kama at umiiyak. Habang ako sa hindi makapaniwala sa nangyari!

Damn! That was my first kiss!

Imbis na matuwa ako ay bumigat ang loob ko, not because he took my first kiss away but because he's thinking of someone else nang halikan nya ako.

Tumayo na ako at maglalakad na sana palabas pero bigla nyang hinila ang kamay ako at natumba ako sa kama!

"A-Ash!" nanlaki ang mga mata ko nang pumalupot sa bewang ko ang mga braso nya. Nakagat ko ang labi ko.

"Please..stay with me.." he whispered, I can feel his hot breath on my neck. Iniisip padin ba nyang ako si Leri? "Iiwan mo din ba ako, Avery?" he sobbed.

"Iiwan mo din ba ako, Avery?"

What does he mean?

Ala ko'y iniisip nyang ako si Leri.










Naupo ako, bumitaw sya saakin.

"Are you leaving?" he smiled bitterly, "you can go, sanay na ako--"

Humiga ako ulit at niyakap sya, I pat his head and stroked his hair with my fingers, naramdaman kong natigilan sya saglit, then his arms slowly snaked on my waist.

"Overtime na ko, but I won't leave, dito lang ako." Sabi ko. He nodded at hinigpitan pa ang yakap sakin, muntik na ko di makahinga.

Naaawa ako sa kanya, but at the same time kinikilig ako!

I'm hugging him and he's hugging me, his head leaning on my chest, para kaming tunay na magjowa.

Buong buhay ko di ko pa naranasang magkagusto sa lalaki, sila ang nagkakagusto saakin, char. Pero true. But focused ako sa sarili ko. At si Asher ang unang nagpakilig sakin, si Asher ang unang nakahalik sakin, si Asher ang unang nakayakap sakin ng ganto, si Asher..

I think I like him..



End of Flashback

"Goodmorning." Bati nya. He smiled at me at hinila ako palapit sa kanya!

dO___Ob

Oh my god.

Tama ba ang nakita ko?

Hindi ako namalikmata?

He smiled at me!

"Boss, did you just smile--"

Bigla nawala ang ngiti nya at kinunutan ako ng noo! "What? No. Why would I smile at you?"

Huh?!

I pouted, nakita ko talaga, I swear!

"Edi hindi! Kunwari ka pa, tsss." bulong ko, inalis ko ang kapit nya sa bewang ko at bumangon. "Uuwi na ko, baka hinahanap na ako ng pinsan ko-"

"Then tell your cousin hindi ka muna uuwi." Sabi nya, bumangon nadin sya at nag-inat, binuksan nya ang kurtina sa bintana at pumasok ang sinag ng araw sa kwarto. Nagulat ako! Tirik na ang araw! Ebarg naman ang haba ng tulog ko! "Pwede ka naman maligo dito, I'll let you borrow my shirt."

Magsasalita sana ako para sabihin na hindi pwede dahil naiwan ko sa bahay si insan at nag-aalala na yun sakin pero lumapit sakin si Asher at bumulong sa tenga ko.

"We're going on a date today, girlfriend."




Part-Time GirlfriendWhere stories live. Discover now