Part One

2.9K 52 7
                                    

SEANEE AVERY


TOK! TOK! TOK!

q_-_p ..zzzZzzz..

TOK! TOK! TOK!

Bumangon ako at napakamot ng ulo! Sino bang istorbo yun?! Ang aga-aga e---

Napatingin ako sa alarmclock.

10:46 AM.

dO__ob

Tumayo na ako at naglakad papuntang pintuan ng maliit kong apartment.

Pagbukas ko non ay bumungad sakin ang isang dyosa--este pinsan ko pala!

"Huhuhuhu Seanee!" ngawa nya at yumakap ng mahigpit sakin!

dO_Ob

"T-Teka Insan! Anong ginagawa mo dito? Bakit--" napatingin ako sa labas! Ang daming bag! "Bakit ang dami mong bag na dala!"

"I-Insan! Dito muna ako!" aniya at tumuloy sa loob kahit hindi pa ako pumapayag.

d ͡° _ ͡°b

"Oh my god! This place is so small, insan! Can I stay here?"

"Nandito ka na nga. Itataboy pa ba kita?" nakangiwing sagot ko at pinasok ang mga bag nya. "Oh sya! Bakit ang dami mong bag na dala?! Naglayas ka?"

"No! Mommy wants me to stay with you. Madami daw kasing abala sa pag-aaral ko dun satin. Kaya dito na ako sayo tumuloy! I didn't know your apartment is so small, insan! You should ask Tita for a condo!"

Inirapan ko sya at saka pumunta sa ref. Kinuha ko ang pitsel at binigyan sya ng isang basong tubig.

"Thanks, insan." nakangiting sabi nya at uminom nang matapos ay biglang lumukot ang mukha nya pero maganda parin! "Waaaah insaaaan!" sigaw nya!

d-.-b

"Ano ba?! Ang ingay mooo!!"

"Huhuhuhuhu yung boyfriend koooo!!!"

"Oh ano?! Anong pake ko sa boyfriend mo!"

"Isang buwan na akong di nagpapakita sa kanya! Huhuhu di rin kami nakakapag-communicate thru text and calls!" humagulgol sya at kumuha ng iaang unan na natuluan ko ng laway kanina. "A-Ang baho nito huhuhu.."

d ͡° _ ͡°b

"E bakit naman di mo kausapin? Ano bang problema kung magkita kayo?" tanong ko at nag-indian sit sa harap nya. Hindi ako sanay mag-comfort. Sorry naman!

"Huhuhu ayaw ni Mommy na may boyfriend ako! Baka daw mabuntis ako maaga, sayang daw ang angkin kong ganda! Huhuhu!" ngawa nya pa at suminghot.

Napakagat nalang ako ng labi. Hindi ako maka-relate dahil never pa ako nagkaboyfriend. At hindi ako interesado sa mga buhay pag-ibig pag-ibig nayan!

"E-Eh..Tama naman yata Mommy mo e-eh.." nauutal na sabi ko dahil hindi ko talaga alam kung anong sasabihin!

"P-Pero insan! Hindi naman ganun yung boyfriend ko! He's a gentleman! Super handsome and bait!" depensa nya pa at parang lumulutang sya sa ulap sa kilig!

d-_____-b

Hindi talaga ako makarelate!

"Baka naman kinukuha lang nya tiwala mo tapos he'll take advantage on you! Nakoo insan! Wag ka basta-basta nagtitiwala sa mga lalaki! H-Hehehe.." kunwaring may alam ako sa mga ganung relationshits---waaah sorry insan! Wala talaga akong alam sa mga ganyan!

Part-Time GirlfriendΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα