Part Forty

591 16 4
                                    

SEANEE AVERY

My gaaaash, nakangiti akong kumakain ngayon ng almusal hihi. Kasi naman, tuwing naiisip ko yung you know, kinikilig ako! Mwahahaha! Pero syempre 'di ako pwede magpahalata kaya ngiti ngiti nalang 'noh!

( ¬ ̀᎑ ¬ )

"What's the matter, Sean? Mukhang masaya ka yata?" tanong ni Mom at tinaasan pa ako ng kilay!

"Ahhh, eh kasi.." Hindi ko pwedeng sabihin ang totoong dahilan! "Naalala ko lang yung date namin ni Asher kahapon!"

"Ano ano bang pinaggagawa nyo, nak?" tanong naman ni Dad bago sumipsip sa kape nya. Secret Dad!

"Uhm, nagshopping, ang dami nya ngang biniling dress sa akin! Tsaka kumain kami, then pumunta sa amusement park! Meron na palang amusement park dito, 'noh?"

"Yes, madami pang iba. By the way, Seanee.." biglang sumeryoso ang tono ni Dad. "Nandyan si Lily. Umuwi daw sya sabi sakin ng Tito mo."

Napalunok ako ng laway, my goodness, malamang ay sinundan ni insan si Asher. "Ganun po ba.."

"She's still young. And she should just give up on Asher." sabi naman ni Mom, napatango naman kami ni Dad. "Why is she so desperate? Is she that crazily inlove with that young man?"

"Sa tingin ko nga Mama." sinimot ko na ang kape ko at tumayo, "Mauna na ko Mama, Dad, pupuntahan ko si Asher. Love you!" sigaw ko habang tumatakbo palabas. Tumingin muna ako sa nadaanan kong salamin at ngumiti nang makita ang repleksyon ko! Ang ganda ko talaga kahit kelan, chos.

( ꈍᴗꈍ)

I wore an oversized white shirt, maong shorts and white highcut rubbershoes. Tumakbo ako papunta sa bahay ng lola ni Asher.

Nakita ko naman ang isang pamilyar na babae, nakatayo sya sa harap ng gate.

Lily.

"Lily!" sigaw ko at tumakbo palapit sa kanya. Sinalubong nya ako ng masamang tingin. "Lily, anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong ko. Hindi sya sumagot at muling binaling ang tingin sa loob ng gate. Mukhang hinihintay nya lumabas si Asher don.

"Hinahanap mo si Asher?" Tanong ko ulit. "Buti umuwi ka? Akala ko ayaw mong makita ang Mom mo?"

"I'm not here for her. I'm her to win Asher's heart again." saad naman nya na kinataas ng kilay ko. Napatingin ako sa hawak nya, may bitbit syang take-out ng McDonald's na favorite fastfood ni Asher.

I sighed. Samantalang ako, sarili ko lang ang dala ko, ako nalang kainin ni Asher. Jokeee.

Ano bang akala ni Lily, walang pambili si Asher? Hindi kailangan ni Asher ng take-out mo dahil kayang kaya ni Asher magpatayo ng McDo! Bleh!


Bumukas ang pintuan at lumabas si Asher mula don. Nakita kong nangunot ang noo nya habang naglalakad palapit para pagbuksan kami ng gate.

"Hey, baby." sabi nya at humalik sa pisngi ko. Hinawakan nya ako sa bewang at hinila sa tabi nya. Gusto kong ngisian si Lily ngayon! Bwahahaha!

Bumaling si Asher kay Lily, "What are you doing here?"

"M-May dala akong foods..c-can we eat together?" sabi nya at pinakita ang McDonald's. Tinitigan lang yun ni Asher.

"No thanks, please leave now."

"P-Pero—" Hinila na ako papasok ni Asher sa lokb ng gate, isasara nya na dapat yun pero hinarang ni Lily ang kamay nya, "Please, accept this, atleast!"

Tinignan ako ni Asher. Tumango naman ako, bakit? Kasi gusto ko ng McDonald's eh. Pake nyo.

He took the food and sinara na ang lock ng gate. Naglakad na kami papasok sa bahay, nilingon ko pa si Lily, nakita kong masama nanaman ang tingin nya sakin. Binelatan ko naman sya!

( ̄👅 ̄)

Tinawag naman ni Asher ang isa mga yaya at inabot ang McDonald's, "Eto po, pagsalu-saluhan nyo." sabi pa nya at hinila na ako paakyat! Nagpout naman ako.

"Akala ko naman makakakain ako ng McDo!"

"Then I'll order. Baka mamaya kasi may gayuma yun." he replied, pumasok na kami sa kwarto nya at naupo kami sa kama. "That's Lily, you know how desperate she is."

Tumango naman ako, "Mukhang hindi padin nya natanggap na break na talaga kayo."

"Yeah. But why can't she just give up? Dati nga ang dali nya kong sunukuan at pinili akong iwan ng walang pasabi."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Part-Time GirlfriendWhere stories live. Discover now