Chapter 27

40.6K 1.1K 20
                                    

Chapter 27

"O-Our d-daughter is m-missing." Sagot ko na mabilis na napahagulgol. Huminga ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili ko. I looked again to Tres. I can see in his eyes that he's also worried. "Help me Tres... H-Hindi ko kaya... k-kapag nawala si V-Vanessa sa akin." Wika ko sa pagitan ng pag hikbi.

Kinabig niya ako palapit sa kanya at niyakap. "Shhh we will find our daughter." Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa ulo ko na lalong nakapagpakalma sa akin.

We went out to the office. Mabilis niyang ipinatawag ang mga staff niya at mabilis na pinakilos. Magkasama kami ni Tres na naghahanap. Nasa mga cattoges na kami at nagbabakasakali na baka naligaw lang doon ang bata. I am still in tears. Ang daming tumatakbo sa utak ko.

Huminto ako sa paglalakad ng tumunog ang phone ko. It was jake.

"J-Jake." Umiiyak na wika ko. I saw Tres stop from walking and look at me. Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya.

"Are you crying Sam?"

"V-Vanessa is Missing." Sagot ko.

"Yes, I already saw Zeny and she already told me. Don't cry Sammy. Hinahanap ko din siya. I just called you to say that, call me if you already saw her. I will do the same." Aniya kaya tumango ako kahit hindi niya nakikita.

I ended the call and look at Tres. He was quiet. Nagpatuloy kami sa paghahanap.

Halos isang oras pa ang lumipas ngunit hindi pa namin siya nakikita. Parang nanlalambot na ang mga tuhod ko.

Matutumba na sana ako kung hindi naging mabilis ang kilos ni Tres. Sinalo niya ako mula sa likod. Hawak niya ang magkabilang braso ko upang makatayo ako ng maayos. He was too close. I can feel his breath near my ears. His warm body in my back.

"Mumma!" Sabay kaming napalingon ni Tres sa pinagmulan ng tinig. Para bang nagkaroon ako ng panibagong lakas at mabilis na tumakbo paupunta kay Vanessa.

"B-Baby! May masakit ba sayo? Nasaktan ka ba? Saan ka nanggaling? I am very worried." Sunod sunod na tanong ko.

Mabilis ko siyang tinignan kung may sugat ba siya o ano. Nang mapansin kong wala siya ni isang galos ay mabilis ko siyang niyakap.

"Saan ka ba galing? Mommy is very worried about you." Puno ng takot na wika ko pagkakalas ko ng yakap.

"I am with my Tito Dos. He tour me around." Nakangiting wika niya kaya kumunot ang noo ko. Napatingala ako ng tingin. There he was standing. Una ko siyang nakita taTlong taon na ang nakakaraan. He look more handsome.

Hindi siya sa akin nakatingin kung hindi kay Tres. Nilingon ko si Tres and to my surprise he was teary eyed. Yumuko siya at lumebel sa bata.

"Hi Princess. Do you know who I am?" Tanong ni Tres sa bata.

Tumango si Vanessa. "Daddy!" Masayang wika niya kaya naiiwas ko ang tingin ko lalo na ng makita kong sumulyap sa akin si Tres.

"Y-Yes I am your Daddy. Can you please give Daddy a hug?"

I want to burst in tears when Vanessa hugged Tres. It was a picture of a Father and Daughter scene. And it makes my heart flutter.

Nandoon pa rin ang sakit sa puso ko sa ginawa ni Tres ngunit hindi ko ipinagkait kay Vanessa ang Daddy niya. I always show a picture of Tres to her. So that she can remember her own father. Ayokong dumating ang panahon na magkita sila ngunit sarili niyang ama ay hindi niya kilala.

I look at Dos. Kagaya ko ay nakatingin siya sa mag ama. I don't know what he thinks. Walang emosyon ang mga mata niya.

Binuhat ni Tres si Vanessa at tumingin sa akin. "Let's talk later." Wika niya. I didnt answer. I dont know what to say. Anong pag uusapan namin?

Del Fuego Series: The Devil's Sweetheart (COMPLETED) (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now