Chapter 9

48.4K 1.3K 59
                                    

CHAPTER 9

Mabilis akong naligo at bumaba patungo sa kusina. Nasa may bungad na ako ng kusina nang marinig kong tila may kausap si Tres. Hindi ko alam kung bakit hindi ako tumuloy papasok at nanatili ako sa labas ng kusina. He was facing the sink kaya hindi niya ako nakita.

"Yes honey. Alam mo namang kung gaano ka kahalaga sa akin. Nagkita na ba kayo ni Alas?" napakunot noo ako.

'Honey?' sino namang kausap niya at kailangan pang tawaging Honey? Yun ba yung kausap niya kahapon? Yung Carissa?

"Don't worry about that, I'll talk to him. And no worries next week ay nandyan ako sa hotel. Lets have lunch together. You know I miss you so much." Patuloy ni Tres kaya napakuyom ng kamao ko.

Naninikip ang dibdib ko at ramdam ko ang pangingilid ng luha ko. Damn it! Pagkatapos ng nangyari kagabi ay may gana pa siyang kumausap ng ibang babae? Is he really cheating on me?

Tumingala ako para hindi matuloy ang luhang nagbabadyang pumatak sa mukha ko. I felt cheated and insecure.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ko ang sarili ko.I will do everything for Tres to love me. Even it takes a lot of effort.

Huminga ako ng malalim at tuluyang pumasok sa kusina.

"Yes Honey I will. You take care." Dinig kong pagtatapos niya sa tawag.

"Sino yon?" tanong ko habang nakatalikod pa rin siya.

Nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa mukha niya ngunit mabilis din siyang nakabawi.

"Just someone." Tipid na sabi niya bago niya ako akayin sa mesa.

"How was your sleep?" nakangiting tanong niya kaya mabilis na namula ang mukha ko. Mabilis akong napayuko upang hindi niya makita iyon.

"Fine." Kunwa'y wala lang na sagot ko.

Sa sulok ng mata ko ay nakita ko ang pagtaas ng kilay niya at ang paglapad ng kanyang ngiti kaya nainis ako. Is he having fun of me? Letse!

"Let's eat. Alam kong gutom ka na." patuloy niya habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.

Hindi ako sumagot at tahimik na kumain. "W-Who is C-Carissa?" mahinang tanong ko matapos ang ilang sandali.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko dahil sa sobrang curious ko kung sino ba talaga ang Carissa na iyon. Is she his girlfriend? Pero bakit hindi na lang si Carissa ang pinakasalan niya kung may relasyon pala sila?

Natigilan siya. "Why?" tanong niya na nakapag painis sa akin.

"I-I just asked." Sagot ko na hindi sinasalubong ang tingin niya.

Mahirap bang sagutin kung sino ang babaeng yon?

"Carissa is a very important person to me."

"Halata nga." Inis na bulong ko.

"Saying something Samantha?"

Binitawan ko ang hawak kong kubyertos na lumikha ng ingay. Samantha. Nasaan na ang wife? Kapag nababanggit ang pangalan Carissa ay nakakalimutan niyang ako ang asawa niya. Naiinis ako!

Tumayo ako. "Nawalan ako ng ganang kumain." Sabi ko bago ko siya nilagpasan.

Dumiretso ako sa labas ng bahay at pumunta sa may Falls. Naupo ako sa may batuhan at tinignan ang pagbagsak ng tubig sa baba.

Damn Tres for making me jealous. Carissa! Carissa my face! Letse siya!

***

Nakalabas na ng kusina si Samantha ngunit nanatili ako sa kinauupuan ko. Two years ago I saw her in my company waiting patiently for his Dad. She had a sparkling eyes, pointed nose and a sultry lips. I don't know how long did I stared at her. Hindi siya nakakasawang titigan. I want to come near her and kiss her inviting lips.

Del Fuego Series: The Devil's Sweetheart (COMPLETED) (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now