Chapter 9: Fake Relationship, True Feelings (Ending)

9 2 0
                                    

My Boyfriend Is A Dark Prince

Chapter 9: Fake Relationship, True Feelings
Point of View: Maxine Doreen Ignacio

9:01 am

Maxi, nasaan ka na?

Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga habang binabasa ang chat ng mga kaibigan ko.

Don't worry, guys. Papunta na ako.

Agad na in-off ko ang phone ko at napasandal sa bintana ng bus.

Oo, weekend ngayon.

Ito dapat ang araw kung saan magkasama kami ni Brent na magde-date at maglalagay sana ng lovelock kasama ang mga kaibigan ko ngunit nag-solo flight nalang ako ngayon papuntang Namsan.

Tapos na, alam ko ng wala na akong pag-asa sa kaniya kaya bakit ko pa ba ipagpapatuloy ang pagkukuwaring ito?

Hindi ko na kayang makasama ang isang taong minahal ko pero paulit-ulit lang akong sinasaktan, nakakasawa na.

Nang nasa Namsan na ako ay agad akong bumaba at naglakad papunta sa lugar kung saan ang kitaan ng mga kaibigan ko

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Nang nasa Namsan na ako ay agad akong bumaba at naglakad papunta sa lugar kung saan ang kitaan ng mga kaibigan ko.

Agad ko naman silang nakita dahil kumakaway sila sa akin mula sa malayo.

Mabigat ang bawat hakbang ko.

Gusto kong mag-walk out pero alam kong ito ang nararapat gawin at alam kong deserve na mangyari sa akin 'tong nararansan ko ngayon dahil sa pagiging hayok sa kaibigan, pagiging selfish at pakikipag-deal para sa kunyaring relationship.

"Maxi, ba't ang tagal mo? Nasaan si Brent?"

Napakagat-labi nalang ako at tinignan ko sila direkta sa kanilang mga mata.

"Hindi ko naman talaga boyfriend si Brent. Wala talaga kaming relasyon. Nakipag-deal lang naman ako sa kanila para maging isa sa squad niyo. Gusto ko kasing magkaroon ng kaibigan na tulad niyo dahil natatakot ako na mag-isa sa school, n-natatakot akong hindi ako kaibiganin at nakakatakot akong ma-bully dahil loner ako kaya itinaya ko ang sarili ko kay Brent para sa inyo. Sorry talaga, guys."

"Di kami makapaniwala sa'yo."

"Alam ko pero—"

Bigla akong sinampal ni Irish.

"Para 'yan sa pagsisinungaling mo sa amin! Anong tingin mo sa amin, ha? Ganoon nalang kababa? Magkaibigan tayo, nagtiwala kami sa'yo tapos gaganituhin mo lang kami? Friendship over na tayo, Maxi. Bahala ka na sa buhay mo!"

Nagsi-alisan na sila.

Napapikit nalang ako habang dinadama ang namamaga kong pisngi mula sa pagkakasampal.

Hindi ko na rin maiwasang mapa-iyak dahil sa totoo lang hindi ang pisikal na sakit ang iniinda ko kundi ang mawala ang iniingatan kong pagkakaibigan.

***

My Boyfriend Is A Dark PrinceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora