Chapter 6: Failed Confession

10 1 0
                                    

My Boyfriend Is A Dark Prince

Chapter 6: Failed Confession
Point of View: Maxine Doreen Ignacio

Pagkatapos ng klase ay agad akong nagtatakbo papunta sa bahay ni Brent.

"Oh, wala ka ng lagnat."

Napangiti ako ng makitang 36.8 nalang ang result ng temperatura niya ngunit sinamaan niya lang ako ng tingin.

"'Diba sabi ko sa'yo, 'di ko kailangan ng tulong mo dahil kaya ko sarili ko."

"Hindi ka na naman kasi pumasok ka kanina kaya nag-alala na naman ako. Well.. dahil wala ka ng lagnat at di mo na kailangan ang tulong ko at gaya ng sabi mo na kaya mo na ang sarili mo.. Sige, aalis na ako." sarcastic kong sabi at padabog na nag-ayos ng gamit.

Pansin ko na nakatingin lang siya sa akin, kaya na-awkward-an ako.

"Bakit gan'yan ka makatingin? Masama ba ulit ang pakiramdam mo? Nilalagnat ka na naman? Gusto mo prutas? Pagkain? Teka, uminom ka na ba ng gamot? Wait, kukuha lang ako ng-"

'Di na naman ako makapakali kung anong gagawin ko, kung pupunta ba sa kusina o lalapitan siya o kung anuman dahil sa itsura niyang 'yun.

'Di na naman ako makapakali kung anong gagawin ko, kung pupunta ba sa kusina o lalapitan siya o kung anuman dahil sa itsura niyang 'yun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Salamat."

Natigilan ako sa pagpa-panic at tila nabingi ata ng marinig kong, 'Salamat?'

Seryoso?

Nagpapasalamat siya?

Teka.. parang mali ata?

Nagbago ba ihip ng hangin ngayon?

Gan'yan ba ang tao kapag nagkasakit?

Lumapit ako sa kaniya at akmang te-temperature-an siya ulit.

"Anong ginagawa mo?"

Pinandilatan niya ako ng mata.

"Baka kasi mali 'yung reading ko. Baka maysakit ka pa."

"Baliw." sabi ni Brent pagkatapos ay kumain siya ng mansanas.

Napa-pout nalang ako.

"Eh, bigla ka nalang nagsasabi diyan ng 'di nakakapaniwalang salita' kaya akala ko maysakit ka na naman o sinaniban ng kung anumang masamang espiritu."

"'Yung 'salamat' ba? Psh, kahit sino naman nagsasabi noon."

Napailing si Brent.

"E-eh... a-ano... g-galing kasi sa'yo 'yun! Akala ko mga salitang 'di mo ako kailangan' o 'nakakainis ako' ang sasabihin mo kaya-"

Napakagat-labi ako habang nakatingin sa sahig.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero isa lang ang nakakasiguro, natutuwa ako na nagpasalamat siya sa lahat ng effort ko sa kaniya na para bang nawala lahat ng pag-aalala ko at appreciated niya pala ako.. kahit papaano.

My Boyfriend Is A Dark PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon