Chapter 1: The Bet

15 2 0
                                    

My Boyfriend Is A Dark Prince

Chapter 1: The Bet
Point of View: Maxine Doreen Ignacio

"'Yung boyfriend ko, grabe talaga napakapilyo noon. Ang hilig ba naman kornerin ako sabay hahalikan!"

"Omg! Talaga? Umi-igting din ba ang panga niya kapag nagagalit sa'yo?"

"Oo, sobrang hot niya talaga kapag ginagawa niya 'yun."

"Ganoon din 'yung boyfriend ko, lalo na kapag kunyari tinatapon ko 'yung blueprint niya kapag nagagalit at nagtatampo ako sa kaniya."

Masayang nagku-kwentuhan ang mga 'kaibigan' ko na sina Irish, Nadia, at Aika tungkol sa kanilang mga boyfriend habang pababa kami ng building dahil uwian na.

Samantalang, nanahimik nalang ako dahil kahit kailan hindi ako nagkaroon ng boyfriend.

Isa akong NBSB o No Boyfriend Since Birth, wala akong masasabi tungkol sa buhay ng may love-life, dahil wala naman ako noon pero gusto ko sa pagdating ng panahon ay magkakaroon din ako ng taong mamahalin habang buhay-

"Ikaw, Maxi, anong kapilyuhan ang ginagawa ng boyfriend mo sa'yo?"

Napatingin silang tatlo sa akin habang hinihintay akong mag-share din tungkol sa boyfriend ko.

"A-ano..."

Napakagat-labi nalang ako habang nag-iisip.

Natatakot akong magsabi ng katotohanang 'wala talaga akong boyfriend' dahil alam kong pagsinabi ko ito ay iiwasan na nila ako, wala na akong magiging kaibigan, at mag-isa nalang ako.

Ayaw na ayaw ko pa naman ang pakiramdam na nag-iisa, parang mapapa-iyak ako sa inggit na bakit 'yung ibang magkakaibigan nagagawang mag-stay sa isa't-isa kahit ilang taon pa ang nakalipas samantala ako, lagi nalang iniiwan?

"Tinatalian niya ako tapos ginagawa niya kung anong gusto niyang gawin."

Nakaramdam ako ng pagi-init ng mukha pagkatapos sabihin 'yun dahil hindi ko mapigilan isipin kahit kasinungalingan lang 'yung sinabi ko.

"Grabe naman 'yan, ang wild at dark."

'Di na rin nila kinaya na mapigilang kiligin sa sinabi ko.

Aaminin ko na may parte sa akin na nagi-guilty ako sa sinabi ko dahil kasinungalingan lang naman ito.

"Daya naman, kailan kaya namin makikita boyfriend mo?"

Napahinto ako sa paglalakad.

Grabe, bigla akong nakaramdam ng kaba at balisa sa tanong na 'yun na parang gusto ko nalang lamunin ng lupa.

Bakit ba kasi curious sila sa pekeng boyfriend ko?!

"Oo nga, curious kami sa boyfriend mo. Nakita mo na mga boyfriend namin, 'yung iyo naman ang ipakita mo."

"A-ano kasi.. hindi kasi mahilig mag-selfie 'yun. K-kapag nga inaaya ko na kaming dalawa, nagagalit pa, eh." sabi ko sabay ngiti ng pilit.

"Ano ba 'yan! Pilitin mo kahit na patago, basta makita lang namin."

"A-ah... S-sige... ta-try kong kuhaan siya ng patago, sana di kami mag-away nito... Hehe..."

Nanginginig akong kinuha ang phone ko sabay dial sa phone number ng pinsan ko para kunyari tatawagan ko ang boyfriend ko na gagala kami ngayon.

"Hello, bub~" masaya kong bati.

My Boyfriend Is A Dark PrinceWhere stories live. Discover now