Nagpupursige pa rin ang dalaga kahit ganito ang nakukuha niyang mga grado. Hindi rin naman masisi dahil palagi siyang puyat upang kumayod.

Dinampot ni Belle ang papeles at doon sinimulang bitbitin palabas ng bahay.

"Oh, mag-ingat ka ha? Ipang laban mo iyang palakol mong grades!" 

"Gaga! Kapag ako nakatapos, who you ka talaga sa akin!"

Nagpatuloy sa paglalakad si Belle at doon nariring na naman niya ang patuloy na pambabastos ng mga kalalakihan sa estero. Walang may alam na isa silang trabahador ng Red Light District. Ayaw din naman nilang ibalandra sa publiko ang trabaho lalo na si Belle na nangangarap maging guro.

Patuloy na naglakad si Belle hanggang sa makarating sa loob ng munisipyo. Pinunasan niya ang pawis at lumapit sa matatandang nagbibigay forms para sa mga scholarship.

"Patingin ng report card, hija?"

Nagdadalawang isip si Belle na ibigay ang third grading period report card sa matanda hanggang sa hinablot nito at halos tawanan siya ng mga nakaupo.

"Hija, hindi pasado ito. Halos ng grades mo seventy-six at consistent. Malabong ipasa ang scholar mo. Mag-aral ka muna ng maigi."

"Pero gusto ko nga pong makapag kolehiyo."

"Naku, mukhang repeater ito? Eighteen na tapos hindi pa tapos ng highschool?" Saad ng isa pang matanda.

Napalunok si Belle at nahiya dahil ginawang katatawanan ang grades niya sa harap ng mga nakapila. Tikom ang bibig niya upang pigilan ang sarili na magmaldita.

"Naku, balik ka na lang kapag okay na ang grade mo."

"Pambihira. Palibhasa palakasan dito!" Asar na sinabi ni Belle at padabog na kinuha ang report card. "Yayabang niyo, naupo lang naman kayo sa pwesto niyo dahil sa backer!"

Asar na lumabas ang dalaga at nilukot ang scholarship form pagkatapos ay binato sa kung saan. Walang tinitigan at diretsong naglakad si Belle para mag-abang ng jeep.

Mula sa kabilang dako, inip na inip si Hugo kahihintay kay Gael dahil sa ginawa nilang pag-uusap sa Mayor ng lungsod. Franklin Hugo took over the scholarship in town dahil ang dating may hawak dito ay  El Asesino. 

Sa sobrang inip ni Hugo, bumaba na lang ito sa van at naglakad-lakad. Sinindihan niya ang tobacco hanggang sa mapansin niya sa kanyang mga paa ang lukot na papel. Napatingin siya sa lugar kung saan ito galing at doon nakita ang maliit na babaeng basta na lang nagtapon ng basura.

"Katabi ang basurahan pero nagkalat sa paligid?" Bwisit na sinabi ng binata at dinampot ang papel para itapon. Ngunit sa kanyang pagtingin, natagpuan niya ang one by one picture nito. Gusot ang mukha kaya naman nagkaroon ng interes ang binata na dalhin ang form ng scholarship sa loob ng van. He turned off his cigarettes and took his ball pen. Sa sobrang inip ni Hugo, nilagyan niya ng sungay ang one by one picture ng babae. Inalis niya ang dikit sa form at tinapon ang papel. Iniwan niya ang litrato at gumuhit ng kung ano-ano.

Meanwhile, biglang bumukas ang pintuan at si Gael ito na may hawak na street food.

"Ang asim?"

"Nagutom ako, Sir."

"Pahingi."

Parang bata na kumuha si Hugo ng pagkain at  ngumiti ito dahil nasarapan sa kinakain.

"What's this?"

"Chicken feet."

Naubo at halos isuka ni Hugo ang kinain dahil sa sinabi ni Gael.

"Papatayin mo ba ako?!"

"Sorry, sir.  Pero kumuha ka po kasi ng hindi nagtatanong kung ano ang pagkain."

"Kasalanan ko pa?!"

Bwisit na uminom ng tubig si Hugo at pinaliguan ng alcohol ang bibig. Nagpipigil ng tawa si Gael dahil sa ilang linggo na pananatili nila sa Pilipinas. Walang bagay na hindi kinabubwisitan si Hugo.

"I have a meeting with Vito, hindi ko siya matawagan," reklamo ni Hugo.

"I will try sir."

Kinuha ni Gael ang cellphone at sinubukan tawagan si Vito gamit ang kanyang number.

"Nag-ring naman po?"

"Try it here on my phone."

Sinubukan naman ni Gael. "Call ended? Maybe he blocked you?"

"What? Bakit naman?"

Tiningnan ni Gael ang call logs at text messages ni Hugo kay Vito ng patagong pangangalkal.

Halos maibuga ni Gael ang mga nabasang mensahe mula sa amo.

"Kaya pala, hindi ka nirereplayan."

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now