Franklin Hugo was the most handsome Priest in town of Basilica Spain. Kilala siya sa tawag na Father Hugo dahil nakilala ang pangalan na “Hugo” bilang kanyang first name at hindi surname. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. Madalas na inaakit siya ng iba para lumabas siya ng simbahan o gumawa ng labag sa bibliya katulad ng kanyang mga magulang.

But in the end, he disobeyed the bible and the Church. Because of love, Franklin Hugo fell in love with the first and last woman he met.  

Napalunok si Hugo at kinuha ang damit sa pagiging Pari. Tiniklop niya ito at itinago sa ilalim ng kama.

“How are you now, Flor? If I could bring back time, sana noon  pa tinanggap maging Mafia boss para naisalba kita sa hukay.”

Bahagyang nagtutubig ang mga mata ni Hugo ngunit bigla rin siyang ngumiti. Umiling din ang binata hanggang sa binagsak niya ang sarili sa kanyang higaan. He felt the pain while he close his eyes and fall asleep.

***

“PUNYETA!” 

Isang malakas na sigaw ng first lady  habang sakay-sakay ito ng kanilang Private plane. Kabado ang kanyang pamilya dahil sa paghahanap sa kanyang asawa ng awtoridad ng Pilipinas. 

‘Most wanted, President  Sandigo Morales for being one of the Oligarchs  that protects and finances the Black Umbrella. Napag-alaman na tumakas ito pagkatapos niyang mabalitaan ang pagkamatay ni Russ sa kamay ng dating Heneral na si Don Vito Valentin. Isang malaking pasabog sa publiko na malaman ng lahat na si Don Vito Valentin ang lider ng malaking grupo ng El Asesino ayon sa nakakarami. Wala pang naririnig na pag-amin sa kanilang  partido. Siya nga ba hinahangaan ng lahat dahil sa tagong pagmamalasakit sa kapwa without any government position?’ ayon sa kumakalat na balita  mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. 

Isa-isang kinakalkal ang tunay na karakter ni Don Vito Valentin ng mga taong may galit sa kanya. Kahit pa hindi umaamin ang mag-asawang Valentin, alam ng lahat na sila ang taong tumulong sa Public Attorney’s office at ilan pang mga charitable institutions na itinayo nito.  Tanging pruweba na hawak nila ang kulang-kulang na dokumento na nakuha sa Black Umbrella warehouse. 

Naging panatag ang loob ng mga tao sa bansa dahil napuksa ang isang mabigat at malaking Mafia organization na sinasandalan ng mga sindikato. 

LUNES, namulat ang mga mata ni Hugo dahil sa radyo mula sa Piloto ng eroplano. Don Vito booked an economic flight for him sa pangalan na Franco Dimagiba. Hindi niya alam kung pinagdidiskitahan siya ni Vito dahil sa pekeng pangalan.

"Sir Dimagiba," bungad ni Gael.

"What the fuck? Pati ba ikaw iyan ang itatawag sa akin?" reklamo ni Hugo.

Bahagyang yumuko si Gael para bulungan si Hugo. "Kailangan po nating pangatawanan ang pangalan na iyan. Hindi niyo po ito pribadong eroplano."

"Alam ko! But don't call me like that!" 

Pasimpleng tumawa si Gael dahil hindi mawala-mawala sa ugali ni Hugo ang pagiging spoiled brat. Nag-iisang  anak at sunod sa layaw mula sa alagad ng kanyang ama kaya naman ganito ang kilos. Bukod sa eletista pa ito gumalaw. 

Binuhat lahat ni Gael ang maleta ng amo pagkatapos ay sabay silang bumaba ng eroplano. Walang kamalay-malay ang mga tao sa airport na isang bigating tao ang kanilang kasabay. 

"I'm in the Philippines now," saad ni Hugo at pinunasan ang pawis sa noo.

"Oo nga po, ang init ulit."

"Hot girls will drive me crazy while having a mission."

Umiling si Gael. "Hindi pa rin po kayo nagbago," mahinang sinabi ng binata.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now