"Hindi ko naman nakita ang buong mukha niya. Napakagwapo lang ng ngiti tapos ang puti."

"Sus! Nagnakaw ka na, lumastod ka pa!" Nakakalokong sinabi ni Jaica kaya naman nagtawanan ang dalawang dalaga kahit na pareho silang namomroblema kung paano tumakas.

**

ISANG malakas na pagsuntok sa lamesa ang nagpaagaw pansin sa mga kumakain sa labas ng Casinoueve. Halos sirain ni Hugo ang landscape upang hanapin ang pera na kanilang bitbit.

"I left that beside your fucking chair, Gael!" Bulalas ni Hugo at halos lamutakin na niya ang mukha ng alalay.

"S—sir, bakit niyo po iniwan eh hindi ko naman po kasi napansin."

"Sasagot ka pang, nerd ka?!" Bulalas ni Hugo at hinablot ang tungkod pagkatapos ay tinalikuran ang alalay. Mabilis na sumakay ang binata sa kanilang bulletproof van at pinagsaraduhan ng pintuan si Gael. Pilit na binuksan ni Gael ang pintuan pagkatapos ay natatakot na tumabi kay Hugo.

"Gael, find that fucking money! Para sa charity ni Vito iyon at kay Cassandra!"

"Sir, wala po ba kayong balak na makialam sa paghahanap ng hustisya kay Don Vito? Ang tagal na pero wala pang galaw ang ginagawang hakbang ni Ms. Cordova?"

"Hindi ako pwedeng makialam. Alam mong illegal din ang pagpunta ko rito… tsaka huwag mo akong linlangin! Hanapin mo ang pera! Para sa mga inaalagaan na charity ni Vito iyon, even Cassy!" Bulalas nito at halos batukan si Gael.

Sa sobrang kaba ni Gael, kamuntikan ng malaglag ang reading glasses nito kakamadali. Nilibot ni Gael ang mga  nakuhang IP address ng mga Barangay Hall na pwede niyang gamitin upang mahanap ang footage sa nangyari.

Patuloy ang pagbiyahe nila Hugo at Gael, wala pa rin makuhang impormasyon ang binta.

“Ako na ba ang maghahanap para sa sarili ko?” angal ni Hugo.

“Sir!” Bulalas ni Gael.

Halos atakihin sa puso ni Hugo dahil sa nakakagulat na reaksyon ni Gael. “Are you fucking insane? You can say it in a nice way, hindi iyong ginugulat mo ako!”

“Eh, sorry po… ito po ang nahanap ko.”

Tiningnan ni Hugo ang footages hanggang sa makita ang paslit na kumuha ng kanilang bag. Umakyat ang dugo ni Hugo sa sobrang galit kaya nagsimula ng mamula ang tainga nito. Nasaksihan ito ni Gael kaya naman tumikom na lang ang bibig niya.

“Hindi pa rin pala talaga napupuksa ang mga sindikatong bata sa Pilipinas,” malungkot na sinabi ni Hugo.

“Sir, sa katunayan, under ng Black Umbrella ang mga sindikato na ito.”

“This was all my father’s fault,” mahinang sambit ni Hugo kaya naman inilapit niya nang inilapit ang kuha ng footage. “Hanapin mo ang batang iyan. Make sure if you finally get her, makakapagsalita siya tungkol sa sindikato na pinagtatrabahuhan niya.”

“Copy sir!”

Hindi pinatigil ni Hugo ang sasakyan dahil hindi rin siya pwedeng makialam sa mga misyon ni Don Vito. Napauwi galing Espanya ang binata nang malaman niya ang pagkamatay ni Don Vito sa kasal ng nobya nitong si Cassandra. He wants to help, pero nasa kasulatan ng El Mafia’s Brotherhood na bawal makialam lalo na’t hawak ni Don Vito ang misyon sa Pilipinas.  

El Hombre Mafia was inspired by El Asesino Mafia. This organization was originally started under El Padres. Under Hernando Hugo and Cristobal Carpio. Dalawang magkaibigan na Pari kung saan itinayo nila ang organisasyon, hindi para sa tama o tumulong sa bayan, kundi para sa mali at kalabanin ang gobyerno. 

EL HOMBRE MAFIA: Franklin Hugoजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें