“Kung wala ng pag-asa. Sino ang taong pwedeng magligtas sa akin dito?” 

Her mind and her body wants to rest. Araw-araw palagi silang tinuturuan na lumaban hanggang sa dumating ang kanyang hinihintay na pagkakataon.

“Tuluyan na kayong lalabas. Tandaan niyo ang sinabi namin, isang takas, tiyak na wala ka nang buhay. Kaya kung nagbabalak kang takasan ang KPB wala ka nang puwang sa mundong ito para mabuhay pa…”

Malaki ang ngiti na gumuhit sa labi ni Belle, ganoon din si Jaica na may halong kaba. 

“Jaica, okay ka lang ba?” tanong ni ni Belle dahil namumutla ito at nanginginig ang mga kamay habang naglalakad sila papunta sa truck.”

“O-okay lang… kinakabahan lang ako sa pagtakas natin.”

“Magtiwala ka sa akin.”

“Belle, pagpalnuhan muna natin ng maayos. Huwag ngayong araw na ito. Baka imbis mabigyan tayo ng pag-asa na mabuhay at makatas, baka sa kabaong tayo dumiretso.”

Napa buntong-hininga si Belle at doon niya sinimulan na gumapang paakyat sa mataas na truck.

“S-sige. Pero kapag nakapagplano na tayo, wala ng tatanggi, okay?”

“Oo, promise.”

Siksikan ang mga bata sa truck at sinara ito na para silang mga hayup na kinulong. Tahimik ang mga bata at walang nagtatangkang sumigaw dahil sa mga katabing gwardya. Nakatutok ang baril sa kanila kaya isang pagkakamali lang. Lahat sila’y mauuwi sa kamatayan.

Tatlong oras ang nakalipas at doon tumigil ang truck. Ibinaba sila sa isang liblib na lugar at isa-isang pinababa.

“Tandaan niyo, kapag tumakas kayo. Lahat kayo ay dedo!” Nakakalokong sinabi ng gwardya pagkatapos ay humalakhak na parang demonyo.

Magkasama si Belle at Jaica na naglalakad sa kalsada. Parehong gusgusin ang kanilang mga itsura. Magulo at naninigas ang mga buhok. Marumi ang kuko, nanlilimahid ang kutis at hindi mabango katulad ng mga normal na bata. Tatlong araw silang hindi naligo at pinagbilad sa araw para magmukhang kalunos-lunos ang kanilang mga istura kaya naman heto at  tunay na makakapanloko sila ng mga tao sa kalsada.

“Ay!” bulalas ng isang babae sa kalsada nang makabunggo niya si Jaica. Yumuko lang ito pagkatapos ay  tumakbo para balikan si Belle.

“Ano, kumusta?” tanong ni Belle.

“Nakuha ko ang wallet niya,” saad ni Jaica kaya nagtawanan ang dalawang dalaga.

“Ang husay ha!”

“Naman! Well-trained tayo. Eh ikaw ba?”

“Gutom ako, kaya gusto ko sa grocery magnakaw ng pagkain.”

“Eh baka hindi tayo papasukin, o pambili natin ito?"

“Jaica, kailangan natin magpakintang gilas sa pagnanakaw kaya kailangan natin na husayan ang pagbibigay ng kita. Kaya huwag nating gagastusin. Tutal magaling naman tayo sa pagnanakaw. Edi i-push na natin,” malokong sinabi ni Belle kaya naman sumunod si Jaica sa kanyang kaibigan.

Patuloy sa paglalakad si Belle sa pagpuslit papasok sa isang bazaar. Maraming pagkain sa paligid at paunti-unting dumukot. Ginawa niya lahat ng tinuro sa loob ng warehouse. Kung paano ito ilalagay sa loob ng kanyang shorts hanggang sa bumigat na ang nakuhang pagkain ni Belle. Nagmamadali siya sa paglalakad bago pa mapansin ng mga nagtitinda. 

Mabilis niya rin nabalikan si Jaica at inabot ang mga pagkain.

“Walangya, ang professional mo naman pa lang magnakaw, Belle. Parang kailan  pa lang tayong tinuruan, napakaprofessional mo na!” Namangha na sinabi ni Jaica kaya naman humagalpak si Belle.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now