• CHAPTER 32 "Missing"

4.6K 349 55
                                    


"Geeeet... out... t-there..." tila nabibigatan na sambit ni Deven habang pilit na hinihila ang katawan ni Eugi paalis sa sofa. Ewan niya, pero pakiramdam niya ay isang matigas na pader ang hinihila niya. Makikita sa mukha ni Deven ang hirap habang hinihila ang braso ni Eugi na nakatitig lang sa kaniya. Kahit ilang beses na niyang pinu-p'wersa ang kaniyang lakas ay parang wala pa ring nangyayari. Maya-maya ay tumigil siya sa paghihila.

Tumingin si Eugi sa kaniya. "Giving up?"

Ikinuyom ni Deven ang kaniyang kamao at bumuntong hininga. "Hu'waaaaaaaah! Huhuhu! You're mean! You're mean! Huhuhu! Hate you, hate you!"

Tinitigan lang siya ni Eugi habang umiiyak.

No, not gonna make me do it..

Narinig niya ang yabag ng kaniyang kuya mula sa kusina. "Hoy, anong ginawa mo diyan kay Deven!?"

"She's mean! She's so mean! She doesn't want to play with me! She's boring, unresponsive, uncooperative creature! How could someone like her exist!?" Umiiyak na sambit ng bata habang masamang nakatingin kay Eugi.

"Bata mo palang, galing mo na umarte ah.." komento ni Eugi. Umiiyak pa rin si Deven at hindi naman siya nagpakita ng emosyon.

"Ano bang gusto niya?" Tanong ni Altex.

"Lumabas.."

"Samahan mo sa labas.."

"Ayoko.."

"Bahala ka, di kita bibigyan ng pambili ng strawberry milk-"

"Akin'a, madali lang ako kausap.."

"Tss, kailangan pang suhulan.."

"Ganon talaga.. 'saka isa pa, hindi madaling magbantay ng spoiled na bata.."

~•~•*•~•~

Maagang pumasok ng school si Eugi dahil napa-aga ang gising niya ngayon. Nasa tapat siya ng Blue Haven entrance at naka-hilera sa mahabang pila ng mga estudyante. Kailangan pa kasing i-tap ang kanilang emblem sa isang high-tech intercom bago sila tuluyang maka-pasok sa loob. Nasa harapan niya ang kaklaseng si Olivia na tila may hinahalungkat sa loob ng bag nito.

"Sheena, nawawala 'yung emblem ko!" dinig niyang sabi ni Olivia sa kaklase niya pang nasa-harapan nito. Malapit na silang ma-abutan ng pila.

"Ha!? Where did you put it, ba?"

"Dito sa bag ko! And now, it's gone!"

"Like, really!? Eh baka naman na-misplace mo lang!"

"I wish I did.. Nasa'kin pa 'yun kahapon e! Imposible namang mawala 'yun ngayon!"

"Look further, baka nasa ilalim lang, or naipit lang sa mga gamit mo.."

"There's no time! Argh! Why is this happening!? 'Pano na'ko makaka-pasok ni'yan!?"

"Hindi ko rin alam! Maybe give them an excuse.."

Patuloy lang sa pag-uusap ang dalawang babae sa kaniyang harapan. Matapos ang isang estudyante na mag-tap ay sila na ang susunod. Walang nai-pakitang emblem si Olivia kaya hindi siya pina-hintulutang pumasok ng mga guards. Pina-hinto siya nito habang naka-pasok naman ang kaklase niyang si Sheena sa loob.

"Oops, hindi ka p'wedeng pumasok hangga't wala kang naipa-pakitang emblem.." ani guard sa kaniya 'saka siya hinawakan sa balikat para tumabi.

"But I'm an enrolled student here!"

"Enrolled or not, still not qualified to violate the rules.." matigas na ani ng guard sa kaniya.

UNRIVALED!Where stories live. Discover now