• CHAPTER 27 "Hierarchy "

5.9K 323 38
                                    


MARIRINIG ang mabagal na tugtugin mula sa mga instrumento. Sa loob ng isang malaking mansyon, kaharap ni Ceref ngayon ang kaniyang ama sa hapag. Ang ama niyang tahimik na kumakain. Nakatitig lang siya dito na para bang pinagmamasdan niya ang bawat galaw nito. Wala siyang balak na galawin ang pagkain sa harap niya at hindi niya alam ang dahilan.

Sa pamilya niya dumadaloy ang dugo ng pinaka-malakas na lahi ng bampira. Sa kaniyang angkan nagmula ang mga leaders na ngayon ay kilala sa kasaysayan ng mundo. Pure blood ang nagpapanatili ng kanilang lakas. Kaya madiing ipinagbabawal ang pag-aasawa sa ibang bloodline dahil maari nitong masira ang pine-preserve na dominance sa hierarchy.

Hindi niya alam kung anong mali sa kaniya ngayon. Hindi niya maalis ang paningin niya sa kaniyang ama. Nang mapansin naman iyon ng kaniyang ama ay nahinto ito sa paghihiwa ng pagkain saka sinalubong ang kaniyang tingin. “Is there something wrong with the food?”

Umiling siya. “Dad, anong sinabi sa ‘yo ni Visla kanina?”

Labis siyang na-curious sa pinag-usapan ng dalawa kanina. Napag-alaman niyang tumawag ang kaniyang fiancée at kina-usap ang ama niya. Hindi naman ito ginagawa ni Visla at kung may sasabihin man ito sa kaniyang ama ay sinisigurado niyang nakakarating muna sa kaniya.

Palihim na napangisi ang kaniyang ama. “Hindi ko pa malalaman, kung hindi sakin sasabihin ni Visla..”

“Anong sinabi niya sayo?”

“A feud was going on between you and your fiancée..”

And what do you have to deal with it? Bakit hindi niya sa ‘kin mismo sinabi?”

“Because she was mad at you..” inabot ng kaniyang ama ang wine glass na may lamang dugo saka ‘yon ininom bago magpatuloy. “She told me about the woman you were seeing secretly..”

Nagsalubong ka-agad ang kilay ni Ceref. At sino naman ang tinutukoy nito? “Woman? Is she trying to pick a fight on me?”

“I didn't know whose telling lies and truth.. But you know the damn rules, Ceref..”

Alam kong naniniwala ka sa kaniya, go on.. I won't say anything..”

The issue of you seeing other women is not bothering me.. Rather the fact that you’ll end up with some weak-ass creature concerns me more.. We can’t just defy our norms.. The power our bloodline holds plays a huge role in this..”

UNRIVALED!Where stories live. Discover now