• CHAPTER 40 "Stolen"

4K 304 52
                                    

"Blue Haven, a place of eternal peace and knowledge.."

"Amidst the great storm, you remain undefiant and strong.."

"Your foundation cannot be shaken, the tower of mighty History!"

"A thousand army rises against your foes."

"Hall of justice unites the people with one aim.."

"A place rich for youth's vision.."

"The covenant of forever's dreams.."

"Oh, beloved Blue Haven, you hold the blood of future's great history.."

Sabay-sabay na uma'awit ang mga estudyante sa napaka-laking Hall ng Blue Haven. Sa malaking entablado, naroroon ang buong choir team, na pinangungunahan ang lahat ng mga estudyante sa pag-awit ng kanilang school anthem. Nasa sentro ang choir leader habang kinukumpas ang parehong kamay para gabayan ang tono. Sa kanang bahagi naman ng stage naka-p'westo ang orchestra team, na tumutugtog ng mababagal na instruments.

Naka-pila ang mga estudyante ayon sa kani-kanilang class sections, ngunit naka-hilera sila ayon sa kanilang race o unit. Sa unang bahagi, naka-pila ang mga Alpha's, sinundan iyon ng mga Rhodium badge students at Titanium badges.

Matapos nilang kantahin ang school anthem, pinangunahan naman ni Rui ang mga estudyante sa panata ng Blue Haven Academy. Itinaas ng mga estudyante ang kanilang kanang kamay, magka'dikit ang hintuturo at gitnang daliri habang ang tatlo ay naka-tupi. Ang kaliwa naman ay kinuyom at tinapat sa kanilang dibdib habang sabay-sabay na binigkas ang panata.

Nang matapos ang opening oath ay na'upo na ang mga estudyante. Hindi pa sila maaring bumalik sa kani-kanilang classrooms hanggat hindi pa nagbibigay ng hudyat ang headmistress na bumalik sila.

Clang.. Clang.. Clang..

Maririnig ang ingay ng takong sa sahig nang lumabas mula backstage ang isang babae. Ang straight nitong buhok ay uma'alon kasabay nang pag-martsa nito papunta sa pulpit. Tumigil ito doon at itinapat ang bibig sa mic na naka-lagay sa pulpit.

"Good day, students!" ang masiglang bati nito. Nag-ingay ang mga estudyante. "I hope everyone's doing well.. I am very pleased to inform you the greatest news! Excited na ba kayong malaman kung ano 'yon??"

Nag-ingay ang mga estudyante sa tuwa!

"Okay, before that let's settled down the noise, para marinig ng lahat.."

Humina ang ingay ng mga estudyante.

"Okay.. So the first news, is that we're still in the same spot for the billboard Academy this year! Still number one! Yeheeey!"

"Psh.. Wala ng bago.."

"'Yun na 'yung great news?"

"First news palang daw.."

"Ah, okay.. So, meron pa?"

"Siguro.."

"I know.. I know.. Hindi na siya bago.. We're still in the same spot for almost 2 decades.. But this is the 30th year that we have an intact spot after some time.. And with that being said.." tumingin ang babae sa mga estudyante nang may pagka-sabik. "I am delighted to announce this great news! We will be participating the Annual Regional Clash for this year!"

"Owemji! For real!?"

"Yeeees! Wooooh!"

Napuno muli ng ingay ang mga estudyante.

UNRIVALED!Where stories live. Discover now