Hindi natapos sa pagsasalita si Belle nang bigla niyang makita si Joseph. Katakot-takot din ang itsura  dahil sa ginawa niyang paghiwa sa mukha nito.

“Belle, ayoko sa kanya. Manyakis, ‘yan. Ilang beses niya akong ginalaw,” umiiyak na sinabi ni Jaica kaya naman hinagkan niya ang kaibigan..

“Wow! Two  pretty girls, magkaibigan pala?” malokong sinabi ni Joseph at humarap kay Belle. “Napaka-arte kasi, gugustuhin din naman pala akong makatabi pero nanlalaban pa,” dagdag nito.

“Napakapangit mo!” sigaw ni Belle.

Umusok na parang tambutso ang ilong ni Joseph dahil sa sinabi ni Belle. Hinatak niya ang buhok ng dalaga kaya naman napangiwi ito sa sobrang sakit.

“Aray! Aray! Nasasaktana ako!” Sigaw ni Belle.

“Bitawan mo siya!” Pag-awat naman ni Jaica.

“Ikaw ang may gawa nito sa mukha ko! Kundi mo ako hiniwa sa mukha, hindi sana ako ganito!” Malakas na sinigaw ni Joseph at akmang sasampalin si Belle ngunit narinig niya ang malakas na pag dagundong ng bakal.

Nilingon ni Joseph kung saan nagmula ang ingay hanggang sa makita niya si Henry.

“Ilang beses kong uulitin na huwag mong pakikialaman ang mga dalagang iyan at mga bata rito?!” Bulalas ni Henry.

Hindi nakakibo si Joseph at basta na lang binitawan si Belle. Napasadsad ang puwitan ng dalaga sa semento at  doon niya muling naramdaman ang kumikirot sa kanyang balakang.

“You need to find a solution with this!” Muling pagsasalita ni Henry at hinagis kay Joseph ang isang folder.

Mainam at binasa ito ni Joseph ng paisa-isa hanggang sa mabasa ang pangalan ni Cassandra Cordova.

“She is pregnant with Don Vito Valentin. And she’s planning to enter the DLPA.. Hindi siya makakapasok dahil psychological incapacity si Cassandra. Bulong-bulungan na gusto rin siyang ipatingin sa Psychiatrist dahil pinipilit niyang buhay pa rin si Vito.”

“Seriously? This weak woman wants to enter DLPA?!” Tawang-tawa si Joseph habang naglalakad na kasabay si Henry.

Hindi makapaniwala ang dalawang binata  na may napakagandang treatment ang palasyo para kay Cassandra. Wala na ang nobyo nito pati si General Jacob. Kaya naman nag-iisip si Henry at Joseph na isabotahe ang nanunungkulan na Presidente.

“What if we could have a partnership with Black Umbrella?”

“Bobo ka ba? Mautak  ang lider nun baka tayo pa ang ituro!”

“Tuso ka rin naman diba?”

“No, I will not risk our group with them. Mas gugustuhin ko na magtrabaho ng tahimik at pailalim kesa sa maging katulad ng Black Umbrella. Isang pagkakamali lang nila, maaari silang pulbusin ng DLPA.”

“Are you stupid? Dad is still alive inside the senate. Mabango ang Pangalan at pwedeng-pwede natin isabotahe ang Presidente at Bise Presidente ng bansa.”

Napatikom ng bibig si Henry dahil matagal na silang hindi makasundo ng kanyang ama dahil sa grupo na kanilang hinahawakan.

Noon pa man, gusto na ng kanyang ama na makipagkasundo sa Black Umbrella pero ang ugali ni Henry na ganid ay hindi tatabla. Gusto niya rin mahuli ang Black Umbrella dahil sa pag-aasam na siya ang mamayagpag na sindikato sa bansa.

“Alam mo, Henry… napaka gulo mo. Nawala na si Vito. El Asesino at Black Umbrella na lamang ang naglalaban. Bakit hindi ka pa makipaglaban?”

“Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ‘di pinahawak ni Dad ang KPB sa iyo dahil bobo ka sa pag-iisip. Can’t you imagine, if we will offer ourselves to Black Umbrella, tayo ang ihaharap nila sa kalaban. Hindi mo ba nakikita ang nangyari sa Belladonna food corporation? Pati ang mga small time syndicate na nag-asam na maging demonyo tulad ng Black Umbrella ay na ibaon sa hukay. I told you, Don Vito is fucking intelligent. Hindi mo maloloko ang taong iyon. Kaya malaki rin ang pagtataka ko… ganoon lang siya kadaling namatay?”

Kibit-balikat at umiling pa si Joseph. “Hindi ka pa naniniwala? Ikaw nga ay isa sa mga biktima. Tingnan mo iyang mukha mo, lapnos. Napakapangit, para kang ahas na nagbabalat, na agnas ang balat mo!” Mapang-asar na sinabi ni Joseph sa nakababatang kapatid.

Nag-init ang ulo ni Henry at  tinutukan ng baril si Joseph. “Umayos ka kung ayaw mong gawin kitang abo.”

“Whoa! Whoa! Chill bro! Hindi ka mabiro!”

“Labas! Gawin mo ang trabaho mo! Kung sino-sino na nga rito ang tinitira mo, wala ka pang pakinabang!”

Naiwan si Henry sa  loob ng kanyang opisina at pinagmamasdan ang kanyang cellphone. Hindi niya alam kung tatawagan niya ba ang kanyang ama upang ipagpatuloy ang pagsasarili nilang plano at ang gagawing tulay ang Black Umbrella.

“Hindi ko makanti si Cassandra, she’s protected. Baka ikabagsak ko pa ang labis na paghahangad,” bulong ni Henry at kinuha lamang ang cellphone upang ilagay sa loob ng drawer.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon