She can't shout dahil siguradong matatagpuan siya nito.
"Belle!"

Walang mataguan si Belle hanggang sa sinubukan niyang lumusot sa mga basurahan. May mga ipis at daga pero wala siyang pakialam. Sanay ang dalaga sa ganitong buhay kaya naman mas pinili niya sa marumi kesa marumihan ng tuluyan ang pagkababae niya.

Yakap-yakap ni Belle ang sarili at hinihintay na tumaas ang araw. Wala siyang alam na pupuntahan lalo na't para lamang siyang aso na pakalat-kalat sa kalsada.

Lumipas ang dalawang oras na pananatili ni Belle sa basurahan, nagising na lamang ang dalaga sa ingay ng mga basurero. Parang walang timbang at nabuhat din siya kasama sa loob ng sako. Napunta sa ibabaw ng truck si Belle at tinakpan ang ilong dahil sa baho ng mga kasama niya.

"Galaw! Galaw! Wala ng basura!" sigaw ng basurero.

Nagpatuloy na bumiyahe at tulala lamang ang dalaga. Wala nang pumapatak sa mga mata ni Belle dahil pakiramdam niya'y ubos na ubos na ang luha sa buong katawan.

"Hanggang kailan ako magtitiis? Saan na naman ba ako pupulutin? Paano kung nabuntis niya ako? Ni hindi ko alam kung ano ang ginawa niya  sa mura kong katawan."

A few moments later, bumaba si Belle sa smokey mountain. Dumampot ng magkaibang tsinelas ang dalaga at nagpatuloy na maglakad. Tirik ang araw at ang kumakalam niyang sikmura ay patuloy na nagwawala.

Gutom na gutom at gusto nang magnakaw ni Belle ng mga nadadaanan na pagkain.
"Pwede po bang makahingi kahit isang kwek-kwek lang?" pakikiusap niya.

"Lumayas ka! Mga modus niyong mga kabataan tapos nanakawan mo ako! Layas!" Sigaw ng tindero kaya naman hindi na rin pinilit ni Belle na manghingi.

Panay ang singhot ng dalaga sa kanyang sarili dahil napakabaho na rin niya. Tunay na kalunos-lunos ang sinapit ng dalaga. Ilang saglit ay nakarating siya sa isang ospital. Ito na lang ang huli niyang pagkakataon upang makakain.

"Isa, dalawa, tatlo."

Bumagsak sa harap ng emergency room si Belle at nangisay. Pilit niyang ginalingan ang pag-arte upang mapansin ng mga tao.

"Tulungan niyo ang bata! Naku nangingisay na!"

Hinayaan ni Belle na tumulo ang kanyang laway upang mas makatotohanan ang pangingisay niya. Isang healthcare staff ang lumapit kay Belle. Pinagtulungan siyang buhatin at inilagay sa stretcher.

Belle started to calm down when she saw a long needle. Takot ang dalaga sa gamot kaya unti-unti siyang nagpakatino.
"Tulungan niyo po ako," pag-arte niya.

"Linisan niyo na muna ang bata."

Sumunod naman ang mga ito at inalalayan papasok ng banyo si Belle.
"Jamie!" Sigaw ng Nurse.

"Ano po iyon Nurse?"

"Bitawan mo nga muna ang mop at paliguan itong batang hamog. Napakabaho may tae pa yata sa puwit!" nandidiring sinabi ng Nurse.

Tumango naman ang dalaga at inalalayan si Jamie papasok sa pampublikong CR. Inupo siya upang basain. Tahimik lamang si Belle dahil parte pa rin ito ng pagpapanggap niya.

"Saan ka ba napadpad? Bakit ang dumi mo? Ulila ka na ba?"

"Ulila na po. M—may nanakit po sa akin," pautal-utal niyang sinabi bilang arte.

"Kawawa ka naman. Halika na at maligo ka."

Napakabuti ng dalagang janitress at nilinisan si Belle bago tuluyang  palitan ng hospital gown. Inupo ang dalaga sa wheelchair dahil sa pamamaga ng talampakan niya. Napatingin naman ang Doktor sa itsura ni Belle. Hindi naman makakaila na napaka gandang dalaga ito.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon