MY THOUGHTS NUMBER TWENTY SEVEN

42 19 4
                                    

Dorothy's Pov
Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto agad akong bumangon at akmang aalis na ng maamoy ko ang pabango ni Sean. Doon ko lang naalala na dito nga pala ako tumuloy sa condo niya. Hinanap ng aking mata si Sean ngunit hindi ko siya nakita. Minabuti kong bumangon at magtungo sa sliding door. Hinawi ko ang kurtinang nakatakip dito at dumiretso sa balkunahe. Napapikit ako dahil sa hangin na dumampi sa aking balat. Kakaiba talaga ang hatid na ginhawa ng malamig na simoy ng hangin. Iminulat ko ang aking mata at natunghayan ang bughaw na langit, malalaking gusali, at mga sasakyan na dumadaan. Magkaibang-magkaiba talaga ang probinsiya at Manila. Bigla ay naalala niya sila Selene na naiwan sa Batangas. Kamusta kaya sila? ichachat ko na lang sila mamaya. Napaigtad ako ng may humapit sa bewang ko, napatingin ako napangiti ng masilayan si Sean.

" I prepare our breakfast." pinaglalaruan niya ang buhok ko at inaamoy ito. Sean never failed to make me smile. I love the way he makes my heart beats faster whenever he's around. I can see my future with him, having three kids, a beautiful house its like we have one big happy family.

"Dorothy?" natigil ako sa pag-iisip ng muling nagsalita si Sean. Dorothy isantabi mo muna ang naiisip mo!
"Sorry ano nga ulit yung sinasabi mo?" nahihiya kong tanong kay Sean.

Mabilis niya dinampian ng halik ang aking pisngi. Napaharap sa ako sa kanya at nanliliit ang matang tinignan siya.

"What?" natatawang tanong niya sa akin. Muli niya akong niyakap kaya mas napalapit ako sa kanya. Ang puso ko!nagwawala na naman dahil sa ginagawa ni Sean.

"Nakakailan ka na sa akin ah?" masungit kong saad sa kanya. Tawa lang ang sinagot niya sa akin at pinisil ang ilong ko. Napatawa rin ako at umiling na lang.
"Tara na kumain baka malamig na yung niluto mo." Hinigit ko na siya at nagpatianod naman siya. Damn I never felt this happy before!

Nang lumabas kami ng kwarto ay naamoy ko kaagad ang pagkain na niluto niya. Sumunod ako sa kanya at mas lalong nagutom sa aking nakita. Nasa lamesa ang isang platong fried rice, may mga pancakes din at hotdogs.

"May iba pa ba tayong kasama kakain?" pagtatanong ko. Napailimg siya at inalalayan akong umupo.
"Wala tayong kasama sa atin lahat ito," saad niya habang nilalagyan ng fried rice ang plato ko.
"Mauubos natin ito?" muli kong tanong, kumuha ako ng hotdog at nilagay yun sa plati niya. Napangiti siya sa ginawa ko at heto ang puso ko grabe na naman kung tumibok.

Natapos kaming kumain at napagpasyahan namin na bumisita ulit kay Federico. Nasabi sa akin ni Sean na gising na raw si Federico. Kung kaya't pupunta kami ngayon para mangamusta at magtanong na rin ng ilang bagay kay Federico.
Sinuksuklay ko ang aking medyo kulot na buhok nang pumasok si Sean. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko agad namang nag-init ang mukha ko sa ginawa niya.
"You always like to wear offshoulder," saad niya. Tinignan ko ang suot ko naka offshoulder ako na kulay peach at tinernunahan ko ito ng white pants at white sandals.
"Pangit ba?" pagtatanong ko sa kanya. Bigla kasi akong naconcious sa suot ko baka kasi hindi gusto ni Sean yung ganito.
"Hindi kahit anong isuot mo bagay sa iyo. Lagi kang maganda sa paningin ko tandaan mo yan." Hinalikan niya ang noo ko, tumingin ako sa kanya at nasilayan ko ang mata niya nakangiti siya pero bakit ganoon? Yung mga mata niya kabaliktaran ang sinasabi, hindi ko alam kung bakit malungkot ang mata niya.

"Tara na?" saad niya bigla marahan akong tumango at hinawakan ang kamay niya. Hindi ko alam pero yung mga matang niya parang may gustong ipahayag sa akin.

Buong biyahe akong tahimik hindi ko alam pero parang pakiramdam ko may tinatago sa akin si Sean. Hindi matahimik ang isip ko marami akong naiisip na negatibo. Nagtatalo ang isip at puso ko ngayon ramdam ko na mahal niya ako pero bakit iba ang sinasabi ng kanyang mata? Bakit pakiramdam ko iiwan niya ako bigla? Nagulat ako ng hawakan ni Sean ang pisnge ko doon lang akong nagbalik sa katinuan. Nandito na pala kami sa parking kot ng hospital tinignan ko siya at puno ng pag-aalala ang kanyang mata.

My Thoughts (Completed)Where stories live. Discover now