MY THOUGHTS NUMBER TEN

85 60 4
                                    

Dorothy's Pov
Pagkababa ko ng kotse huminga muna ako ng malalim. Natatakot ako pero kailangan kong labanan ang takot ko.

Naglakad ako papasok ng aking kompanya, madaming bumati ngunit tanging tango lang ang sinagot ko sa kanila.

Sumakay ako sa elevator ng mag isa. At pinindot ang 3rd floor button. Isinara ko muna ang mata ko para makapag isip. Hindi ko alam kung anong pinunta niya rito sa kompanya. Isang taon niyang pinabayaan sakin ang pag papalago rito. Anong pakay niya ngayon?

Napatigil ako sa pag iisip ng bumukas na ang elevator. Dahan-dahan akong naglakad. Sa bawat hakbang ko ay siyang pag kabog ng puso ko.

Dorothy calm down

Pag papakalma ko sa sarili ko. Hindi nila pwedeng makita na kinakabahan ako I should act professional. Isang mahabang buntong hininga ang ginawa ko bago buksan ang pinto.

" Nakakatawa ka parin hanggang ngayon Sean."

"Well I'm the old Sean after all."

Gulat na napatingin ako sa kanilang dalawa. Magkakilala sila? Parang close na close sila dahil komportable sila sa isa't-isa. Magsasalita na sana ako pero sabay silang tumayo sa inuupuan nilang sofa ng makita ako.

"Nadiyan ka na pala Dorothy/ You're here finally my lady," sabay nilang sambit at parehas pa sila napatingin sa isa't-isa.

Okay hindi ko alam kung sino ang sasagutin ko. Masyadong weird ang nangyayare kaya tanging tango ang ginawa ko at umupo na sa swivel chair ko.

Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa loob ng opisina ko. At dahil gusto ko na matapos ito ko na ang nagsimula.

"So Mr. Federico what brings you here?" Diretso kong tanong kay Federico.

Nabakas sa kaniya ang pagkabigla.
Tumikhim muna siya bago sumagot
"I just want to know if our company is okay," nakangiting sagot niya sakin. 

"What for Mr. Federico? As far as I remember you left this company without any reason." Matabang kong sabi kay Federico, hindi ko gustong maging bitter pero hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko ngayon. 

"I can explain Dorothy i ca--"

Hindi ko na siya pinatapos ayaw ko ng marinig pa ang paliwanag niya kasi matagal ng tapos ang lahat.

"Enough!" malakas kong sigaw, tila dumagundong ang sigaw ko sa loob ng opisina.

Nang tinignan ko si Federico ay gulat ang mukha niya at napatingin naman ko sa may gilid ko at nakita kong gulat din si Sean sa ginawa kong pagsigaw.

Sa isang iglap katahimikan muli ang bumalot sa amin. Ngayon pa lang nagsisink in sa utak ko kung anong ginawa ko. Fuck Dorothy! Ano ba iniisip mo at sinigawan mo siya?

"Ahm I should leave now, for you to talk to each other." kalmadong paalam ni Sean. 

"No Stay here Sean" mahinang sambit ko na ikinagulat nilang dalawa.

"Mr. Federico I believe that we are done to our certain issues. If you have questions just leave it in my email. You can go now," kalmadong sambit ko sa kanya. Hindi ko gustong ulitin ang ginawa ko kanina kaya hangga't makakaya ko pinilit kong maging kalmado.

"But Dorothy let me explain," pangungumbinsi parin ni Federico sa akin.

Isang tipid na ngiti ang sumilay sa munti kong labi.

"You don't need to explain what happened, past is past Mr. Federico just move on," malungkot kong sambit, bakit ganito? Nasasaktan pa rin ako.

Hindi na siya nagsalita pero bago siya tumalikod ay nakita ko sa mata niya na nasasaktan siya. Teka? bakit siya nasasaktan in the first place siya naman ang nang iwan? Siya naman ang lumayo hindi ako.

Pagkasara ng pinto ay tumingin ako kay Sean na kalmadong nakaupo sa sofa.

"Just forget about it Sean, lahat ng narinig mo burahin mo sa isip mo," Nakikiusap kong sambit sa kanya.

"Anong gusto mong gawin?" pagtatanong niya sakin. Teka ano daw?

Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko at muling inulit ang sinabi niya.

"Anong gusto mong gawin para gumaan ang loob mo?" nakangiti niyang tanong sakin.

"Hindi ko alam," mahinang wika ko sa kaniya habang nakatungo. Wala naman kasing nakakapag pagaan ng loob ko kung hindi si M- nevermind.

"Kung ganoon sumama ka sakin ngayong araw," masiglang sambit niya habang nakangiti pa rin sa akin.

"Ayaw ko," Matamlay kong sagot sa kanya. Wala akong gana para gumala o pumunta kahit saan.

"Hay nako Dorothy, Wala kang magagawa kasi ngayong araw na ito susunod ka sakin sa ayaw at sa gusto mo. Im not Sean for nothing Dorothy."

And with that statement, namalayan ko na lang na hawak niya na ang kamay ko at hila hila ako palabas ng kompanya ko.

At sa oras na ito my heart skips a beat again.

Oh oh this is not good for me.

My Thoughts (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang