MY THOUGHTS NUMBER TWENTY FOUR

44 24 3
                                    

Dorothy's Pov
Pumunta ako sa hardin para maglabas ng sama ng loob. Dito ko iniyak ng iniyak ang lahat. Hindi ko alam na sa sandaling panahon ay masasaktan na naman ako. Kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko para kay Sean may girlfriend na siya. Kahit mahal ko siya hindi naman ako kagaya ng ibang babae na naninira ng relasyon. Muli kong pinagmasdan ang mga bulaklak dito sa hardin. Nakakagaan talaga ng loob ang mga ganitong view. Matapos pa ang ilang minuto ay nag-ayos na ako at muling pumasok sa bahay. Naabutan ko silang lahat na nasa kusina. Agad naman akong nakaramdam ng hiya dahil wala akong ginagawa. Ayoko man makasalamuha si Sean ay kailangan kong tumulong sa kanila.

"Magandang Umaga Ate," masiglang bati ni Lolita sa akin. Ngumiti lang ako pabalik bilang tugon. Nakitanoo sa gilid ng aking mata si Sean na nakatitig sa akin. Imbes na lingunin siya ay tinuon ko ang pansin kila Lolita.

"Gusto niyo ba magkape?" pagtatanong ko habang pinupuno ng tubig ang takure.

"Kami ni Lolita ineng," sambit ni Nay Lot. Hinihintay ko magsalita si Sean pero wala akong narinig.

"Ikaw ba hijo?" mabuti na lang at tinanong siya ni Nay Lot.

"Opo," magalang na sagot ni Sean. Agad akong umirap at pinagtuunan ng pansin ang ginagawa ko. Umupo ako sa tabi ni Lolita at nanonood sa ginagawa nila. Mabuti na lang at hindi ako ginagambala ni Sean.

Narinig ko ang pagsipol ng takure hudyat na mainit na ito. Agad akong tumayo ngunit napasinghap ako ng bumangga ako sa matipunong dibdib ni Sean. Nagkatinginan kaming dalawa at kagaya ng epekto niya sa akin napapaso ang mga tingin niya at tila nauupos ako sa kinakatayuan ko. Ang puso ko ay nagwawala na naman na parang gusto nitong ipagsigawan na mahal ko si Sean.

"Sorry," sabay naming sambit. Magkadikit pa rin kami natauhan lang ako ng tumikhim si Nay Lot.

"Nangangamoy pag-ibig." Tumitiling sambit ni Lolita. Umalis na ako sa harapan ni Sean dahil ayokong makita niya na ang nangangamatis kong mukha. Wala sa sarili kong kinuha ang takure at kung minamalas ka naman na napaso ako. Agad kong binitawan ang takure na hawak ko. At bago pa ako makagalaw ay mabilis na kinuha ni Sean ang daliri kong napaso at hinila ako papunta sa lababo. Nakatingin lang ako sa ginagawa niya. Napatitig ako sa mukha niya na puno ng pag-aalala. Ang labi niyang nakatikom, ang ilong niyang matangos at ang mata niyang singkit pero nakakaakit. Napapikit ako sa mga naiisip ko, lalo akong nahuhulog sa kanya!

"Bakit hindi ka nag-iingat?" tanong niya sa akin ngunit ramdam ko ang pagpipigil niyang sigawan ako.

Napanguso ako at hindi makasagot. Alangan namang sabihin ko na siya ang iniisip ko kaya hindi ko namalayan ang ginawa ko. Narinig ko ang pagmumura niya kaya lalo akong ngumuso.

"Tumigil ka sa kakanguso mo baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na halikan ka," seryoso niyang sambit. Mabilis kong initikom ang bibig ko pero sa kabilang dako tila gusto ko ulit ngumuso para mahalikan niya ako. Namula ako sa pinag-iisip ko bakit ba kasi ganito kalakas ang epekto ng lalaking ito sa akin.

Sa pangalawang pagkakataon ay muling tumikhim si Nay Lot. Kaya agad akong umalis sa harapan ni Sean. Inasikaso ko muli ang pagtitimpla ko ng kape. Nang matapos ko iyon ay isa isa akong inilapag ang kapeng ginawa ko.

"Thanks," nakangiting sambit ni Sean. Tumango na lang ako at mabilis umalis sa kusina. Sa paglabas ko ay tsaka pa lang naging normal ang paghinga ko. Napangiti ako ng maisip ang mga nangyari kanina pero agad kong pinilig ang ulo ko. Dorothy dapat ay layuan mo siya!

"Tao po?" isang tawag ang narinig ko galing sa labas. Boses ng isang babae ito dahil ako lang naman ang malapit sa sala ay ako na ang pumunta.

"Tao p- Hi!" bati sa akin ng babaeng nasa harap ko. Ang kanyang kutis ay kasing puti ng nyebe, matangkad din siya kumpara sa akin. Nakasuot siya ng off shoulder dress na bumagay sa kanyang katawan. Ang kaniyang mga mata ay malaki na pasingkit, maliit pero matangos na ilong at ang labi niya na maliit pero kulay pink. Ang ganda niya pamumuri ko sa isip ko.

My Thoughts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon