MY THOUGHTS NUMBER NINE

94 61 5
                                    

Dorothy's Pov
Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko, nagriring kasi ito at nagvavibrate kaya talagang magigising kahit sino. Nakapikit pa rin ako habang kinakapa kung nasaan ang cellphone ko. Napuyat kasi ako kakaisip sa nangyare kahapon at eto ang resulta inaantok pa ako. Nakuha ko na ang cellphone ko at basta na lang sinagot ang tawag.

"Hello who's this?" pabulong kong tanong habang nakapikit parin. Antok na antok pa kasi talaga ko kaya kahit magmulat ng mata hindi ko kaya.

Ilang minuto ang nakalipas at wala paring sumasagot. Pinagtitripan ba ako ng caller na ito?

"Please kung wala kang magawa sa buhay mo huwag kang mandamay!"
Inaantok ko paring sambit.

Sino ba ito? At paano niya nakuha ang number ko?

Napabuntong hininga nalang ako at akmang papatayin ko ang tawag ng biglang may nagsalita.

"Uhm hey it's me Sean," sa boses nito ay tila nahihiya siyang magsalita.

Pagkarinig na pagkarinig ko ng boses niya ang inaantok kong diwa ay nawala. Biglang nagising ang diwa ko at pakiramdam ko nag iinit ang buo kong katawan. Napabangon din ako sa pagkakahiga. What's happening to me?

Hindi ko magawang magsalita para bang nawala nako ng dila. Walang salita ang nais lumabas sa aking bibig.

"Hey Dorothy still there?"

Shit bakit ganun? Ang lambing ng boses niya, the way he pronounce my name it's like a music in my ears. Kinapa ko ang dibdib ko, dahil pakiramdam ko lalabas ang puso ko sa sobrang lakas ng pagkabog nito.

"B-bakit ka napatawag?" At last nakapag salita rin ako.

Dorothy umayos ka be a professional Dorothy kaya mo yan.

"Ahm Mr. Federico wants to talk to you now,"

"Oh okay si Mr. Federico lang pala" walang kagatol-gatol kong sinabi. Siya lang naman pala as if mahala- teka? Si Mr. Federico? Shit patay ako nito.

"Tell him I will be there in 10 minutes just talk to him first Mr.Fajardo" mabilis kong sambit habang dali- daling naglakad papuntang banyo.

"Wait what? Bakit ako ang kakausap hindi mo naman ako empl--"
bago pa niya matuloy ang sasabihin niya ay pinatay ko na ang tawag.

Badtrip hindi na ako nag abala maligo nagpunas lang ako at naghilamos. Pagkatapos lumabas na ako at agad nagbihis. Mabuti at andito si Manong Edward para ipagmaneho ako.

Sa loob ng kotse na ako nag ayos dahil kailangan kong maging presentable dahil si Mr. Federico ang makakaharap ko.

Mr. Federico Vergara is my partner on my Company. Kung wala siya wala ako ngayon sa kinatatayuan ko. He trained,and guided me to be an independent woman.
Itinuro niya sa akin lahat ng kailangan kong malaman.

Minsan lang bumisita si Jeff at pag bumisita ito I should be ready why? Because I know he will ask many questions. He became my older brother at siya lang ang bukod tanging nakakausap ko ng ayos noon.

Mapait akong napangiti It's been a year since I saw him. It's been a year since he broke my heart into pieces. He is Jeff Federico, my ex lover.

My Thoughts (Completed)Where stories live. Discover now