MY THOUGHTS NUMBER NINETEEN

57 27 1
                                    

Dorothy's Pov
Alas-syete ng umaga ng dumating ako rito sa rest house ko dito sa Batangas. Mahigit dalawang oras din akong nagdrive para makarating dito.

Agad kong nilibot ang aking mata at dinama ang malamig na simoy ng hangin na dumarampi sa aking balat.

Iginala ko ang tingin sa bahay at nasisiyahan na pagmasdan ang puting kulay nito. Ang mga haligi rin ng mga ito ay may mga kumikinang na palamuti at sa tuwing umiihip ang hangin ay tila nagkakantahan at nagsasayawan ang mga ito na kay sarao pakinggan at panoorin. Mababakas mo rin rito ang dalawang malaking pinto na tila sa espanya pa kinuha ito dahil sa ganda ng mga kulay ginto na nakaukit dito.

"Ate Dorothy!" sigaw ng isang dalaga habang patakbong tinutungo ang lugar ko.

Kunot-noo ko siyang tinignan, morena ang kanyang balat, singkit na mata at ang kanyang maikling buhok na kulay tsokolate.

"Ate? Kamusta ka na? ang ganda ganda niyo pa rin po!" masigla niyang tanong habang titig na titig sa akin.

"Hmm,pasensya ka na ha pero sino ka ba?" nahihiya kong tanong sa kaharap ko. Nakita ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha.

"Ahm ako po si Lolita,anak po ni---" hindi ko na siya pinatapos magsalita.

"Litlit?" tanong ko sa kanya.Agad siyang tumango-tango at niyakap ako.

"Ate Dorothy! akala ko hindi mo na ako kilala," sambit niya at mas hinigpitan ang yakap sa akin.

"Sorry hindi kasi kita namukhaan dalagang dalaga ka na!" natutuwa kong sambit na ikinangiti niya.

Teka na saan pala si Nanay Lotlot? gusto ko na siyang makita," pahayag ko.

Nasa loob po si Inay inaasikaso po yung dalawa niyo pong kasama," nakangiti niyang sambit sa akin.

"Wait! Kasama?" nagtataka kong tanong kay Lolita.Tila naguluhan din siya sa inaasal ko.

"Opo pinauna mo raw po sila rito ei, kanina pa po sila nasa loob. Halika ate pasok na po tayo!" hindi na ako nakapag-salita at nagpadala na lang sa pag-higit ni Lolita sa akin.

Sino ang dalawang tao na yun? Teka hindi kaya sila......

"Dorothy!" naagaw ni Nanay Lotlot ang atensyon ko. Agad akong natuwa ng makita siya.

Nakasuot pa rin siya ng mahabang bestida habang ang kanyang buhok ay nakapuyod at may salamin na nasuot. Halos ganoon pa rin ang itsura niya nadagdagan lamang ng iilang puting buhok at kulubot ang kaniyang mukha.

Dali-daling akong pumunta at niyakap siya. Napangiti ako ng maramdaman ang init nang yakap mula kay Nanay Lot. Paborito ko ang yakap na ito dahil pakiramdam ko ay kayakap ko ang aking ina sa tuwing niyayakap ako ni Nay Lot.

"Aba'y kaganda mo namang bata ka!" pahayag ni Nanay Lotlot na ikinangiti ko lang.

"Kamusta na po kayo? Pasensya ngayon na lang po ulit ako nakapunta dito " nahihiya kong sambit.

"Ayos na ayos naman kami dine, siya nga pala manliligaw mo ga ang dalawang iyon?" agad akong tumingin sa nginuso ni Nanay Lotlot. At agad nanlaki ang aking mata ng makita kung sino ang dalawang taong tinutukoy nila.

"Anong ginagawa niyo rito?" sigaw ko sa kanila.

Nagkatinginan lang silang dalawa at sabay tumawa. Baliw ba ang mga ito?

"Well naisip namin na samahan ka rito. Besides gusto rin namin magbakasyon kaya nandito kami," nagmamalaking sagot ni Sean. Agad ko siyang inirapan at dumako ang tingin kay Federico.

"Ahm? sinama niya lang ako rito sab---" agad sumingit si Sean at muling nagsalita

"Hoy anong sinama ako nga ang binit--"

My Thoughts (Completed)Where stories live. Discover now