MY THOUGHTS NUMBER TWENTY ONE

39 22 1
                                    

Dorothy's Pov
Ala-singko na ng hapon ng lumabas ako ng aking kwarto. Inabala ko ang sarili ko sa paggawa ng mga proposal at pagchecheck sa mga bagong emails ko. Sinadya ko talaga na magkulong sa kuwarto para hindi makita si Sean. Hindi ko pa rin nakakalimutan yung ginawa niya sa akin kahapon! Maghapon ko siyang iniwasan at mabuti na lang ay hindi nagtaka sila Lolita sa mga kilos ko.

Tahimik ang buong bahay ng lumabas ako. Teka, nasaan sila? pumunta ako sa kusina ngunit wala ring tao dito. Baka namasyal siguro sila at hindi na ako inabala. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot sanay na naman ako na mag-isa bakit ganito ang nararamdaman ko.

Nagugutom na ako kaya binuksan ko ang ref kumislap ang mga mata ko ng makita ko na may isang box ng donut sa loob, mabilis ko itong kinuha at nilapag sa lamesa. Wala naman sigurong magagalit kung kukuha ako ng limang piraso diba? Binuksan ko ang kahon at napangiti ako 24pcs ng choco butternut ang laman nito. Agad akong kumuha ng isa at kinain yun. Ngayon na lang ulit ako nakatikim nito, Eto ang pinaka paborito ko sa lahat ng flavor ng donut.

Abala ako sa pagkain ng pangatlo kong choco butternut ng biglang may nagsalita mula sa likod ko.

"Masarap ba?" isang nakakalokong tanong ni Federico.

Dahan-dahan ko siyang nilingon, Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko sa tanong niya.
Marahan akong tumango at mabilis na inubos ang choco butternut na hawak ko.

"O tapos ka na? Don't worry I bought that for you." Kumuha siya ng isang piraso at itinapat sa bibig ko. Palipat-lipat ang tingin ko sa mukha ni Federico at sa choco butternut na nasa tapat ng bibig ko.
"Open your mouth," sambit ni Federico.
Nag-aalangan man ay binuka ko ang bibig ko kagaya ng sinabi niya.
Lumapit pa siya lalo sa akin at ipinasok ang kalahati ng choco butternut sa bibig ko. Agad kong kinagat iyon at nag-iwas ng tingin alam kong namumula na ako ngayon.

Sa pagsulyap ko ay nakita ko si Sean na matalim ang tingin sa akin. Tatawagin ko sana siya ngunit umalis na ito.

Tumayo ako at akmang hahabulin si Sean pero pinigilan ako ni Federico.
Tumingin ako sa kanya nakita ko sa kanyang mata ang pagkalito at sakit.

"Where are you going?" malamig niyang sambit sa akin. Unti-unti kong tinanggal ang kamay niyang nasa braso ko.
"I'll just find Lolita, I have something to tell her," mahina kong sambit ng hindi sinasalubong ang kanyang mata.

Hindi ko na siya hinintay mag-salita at tunalikod na.
Hinanap ko si Sean sa labas at sa sala ngunit hindi ko siya nakita. Susuko na sana ako sa paghahanap ng maalala ko na may garden nga pala sa likod ng bahay. Agad kong pinuntahan ang garden.

Namangha ako sa nakita ko iba't- ibang uri ng bulaklak ang nakita ko nakaorganized ito sa bawat kulay ng bulaklak. Ang poste at ang screen na bubong ay napapalibutan ng mga vines at maliliit na bulalaklak. Sa ginta nito ay ang malaking puno ng mangga. Sa ilalalim nito ay isang bench na gawa sa kahoy. May lalaking nakaupo sa bench at alam kong si Sean yun.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya. Hindi ko alam pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin ng makalapit ako. Ang kanyang mga tsokolateng mata ay tila nang-aakit. Tila gusto ko siyang halikan at iparamdam kun- teka, ano bang iniisip ko fuck Dorothy!

"Anong ginagawa mo rito?" malamig na sambit niya habang nakatitig sa akin.

Umiwas ako ng tingin at napaisip oo nga Dorothy bakit mo ba siya hinahanap!
Ibinuka ko ang bibig ko ngunit walang lumabas na salita sa aking bibig.

"Anong ginagawa mo rito?" ulit niyang tanong sa akin.

Sa pagkakataon na ito sumalubong ang kilay niya at mas tumalim ang kanyang tingin sa akin.

"I just want to say that..." hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko. Nahihiya at kinakabahan ako pagdating sa kanya.

"That?" naghihintay niyang ituloy ko ang sasabihin ko.

Nakagat ko ang aking labi sa kahihiyan. Ang puso ko na kanina pa hindi mapakali ay mas lalong nagwawala. Huminga ako ng malalim at muling nagsalita.

"About sa nakita mo kanina, Federico and I did not kissed." Nakagat ko muli ang aking labi.

Unti-unting nagbago at sumilay ang ngisi sa kanyang labi.

"Bakit ka nageexplain sa akin?" nakangisi niyang tanong.

Kung kanina ay kinakabahan na ako ngayon naman ay napagtanto ko kung ano ang ginawa ko. Bakit nga ba ako nagpaliwanag sa kanya? ano naman kung nakita niya kami na ganun ang posisyon? Dorothy hindi ka talaga nag-iisip!

"Ayaw ko lang na-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong higitin paupo sa kandungan niya.

Bigla akong pinamulahan ng mukha sa pwesto namin. Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya.

"Look at me," utos niya at sa hindi malamang dahilan ay sinunod ko ito.

Nagtama ang paningin namin ang kanyang tsokolateng mata ay nakakahumaling tignan. Bagay na bagay sa kanya ito bumaba ang tingin ko sa kanyang mapupulang labi, napalunok ako ng makita na dilaan niya ito.

"Dorothy," punong-puno ng emosyon ang pagbanggit niya sa pangalan ko.

Unti-unti siyang lumapit sa akin at namalayan ko na lang na hinahalikan niya ako. Napakapit ako sa balikat niya at natagpuan ko na lang ang sarili ko na tumutugon sa mapusok niyang halik. Ang paraan ng paghalik niya ay talagang nakakahibang at binubuhay nito ang katawan ko. Sa oras na ito ay nanaig ang puso ko kesa sa utak ko. Nagpadala ako sa emosyon ko ay hinayaan ang sarili ko na gawin ito.

Nagbalik lang ako sa ulirat nang ipinadausdos niya ang kanyang malaking kamay sa pang-upo ko.
Agad akong kumalas at umalis sa pagkakaupo.

"Dorothy I-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at mabilis na tumakbo papasok sa bahay.

Tears are falling on my cheeks, Dorothy what did you do? I don't know what's happening to me. When Sean touch me there, my memories with my Dad are coming.

Patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa mabangga ako sa isang matigas na bagay. Akala ko sa pader ako bumangga ngunit nang mag-angat ako ng tingin ay si Federico ang nakita ko. Niyakap niya ako na tila alam niya ang nangyayare sa akin.

"Everything's fine Dorothy," pag-aalo niya sa akin. And with that i hugged him tight and continue to cry.

For the third time Federico saw me crying and saw the weak Dorothy.

My Thoughts (Completed)Where stories live. Discover now