MY THOUGHTS NUMBER TWELVE

66 42 3
                                    

Third Person

Agad pumasok sila Dorothy sa isang amusement park. Napakalawak ng sakop ng amusement park, makikita ang mga naglalakihang rides kagaya na lang ng mga ferris wheel, carousel, roller coaster, at marami pang iba.

Natutuwang pinagmamasdan ni Sean ang dalagang si Dorothy. Lihim siyang napapangiti dahil umaayon sa kanya ang plano. Sinadya niyang dalhin ang dalaga rito para sa gayon ay masimulan niya na ang kanyang binabalak.

Dorothy's Pov
Nag-eenjoy ako ngayon sa nakikita ko. Ang daming rides na magaganda at ang nakakagulat iilan lang ang mga tao dito. Hmm nakakapagtaka na hindi ito sikat sa masa. Napaka ganda ng lugar na ito.

"Dorothy." Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako palapit sa kanya.

Nagulat ako sa ginawa niya pero imbes na itulak siya ay hinayaan ko na ganoon kalapit ang distansya namin sa isa't-isa.

Unti-unti kong itinaas ang aking tingin at sinalubong ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Napaka ganda ng mata niya, tila ako ay nakukulong sa mga titig niya. Kasabay ng pagbilis ng tibok nang puso ko ay ang lalong paglapit ng mukha niya sa mukha ko. Nararamdaman ko na ang mainit na hininga niya.

Sa pagpikit ng aking mata hindi ko inaasahan na makikita ko ang imahe ni Federico na umiiyak. Kaagad kong binuksan ang aking mata at mabilis na itinulak si Sean. Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mata dahil sa ginawa ko.

"I'm sorry," usal ko dahil nabigla rin ako sa aking ginawa.
"Nah It's okay ako dapat ang mag sorry nabigla ata kita." Kamot ulong sambit niya sa akin.

Walang nagsasalita sa amin sa isang iglap bumalik ako sa pagiging mahiyain at hindi komportable sa kaniya. Naisip ko si Federico kaninang naglapit kami. Kumirot ang puso ko ng maisip ko muli si Federico.

Dahil hindi ako komportable nagpasya ako na pumunta muna sa rest room. Agad akong nagsimula maglakad hindi na ako nagpaalam sa kanya dahil baka mailang lang ako lalo.

Naglakad-lakad ako hindi naman mahirap hanapin ang rest room dito dahil maunti lang ang tao at may sign board naman na nakalagay. Agad akong pumasok at naghugas ng kamay bago tumingin sa harap ng salamin. Tinitigan ko ang sariling repleksyon. Ayos naman ang itsura ko walang mali sa akin. Parang normal na babae lang ako. Ang buhok kong medyo kulot ay bumagay lamang sa bilugan kong mukha. Ang labi kong korteng puso ay mas nakapagbigay depina sa mukha ko.

Pero...

Kung bibigyan mo ng pansin ang mata ko, makikita mo ang lungkot nito. Ang hazel nut kong mata na para sa iba ay napakaganda at masayang pagmasdan. Ang mata ko na gabi-gabi ay umiiyak dahil sa sakit at bangungot na laging bumibisita sa gabi.

Mapait akong napangiti dahil walang nakakaalam ng tunay kong nararamdaman. Kilala lang nila ako sa pangalan at pagiging introvert. Ngunit ang buo kong pagkatao ay hindi nila alam kahit sino walang nakakaalam.

Si Federico na akala ko handa akong ipaglaban handa akong samahan sa lahat ng bagay. Handang makipaglaban para sa aming dalawa ay bumitaw din sa pangako niya.

Sobrang nasaktan ako, mas masakit pala talaga pag yung taong mahal mo ang nang gago sa iyo. Nabasag na naman ang puso ko sa pangatlong pagkakataon, simula noon hindi na ako nagtiwala kahit kanino. Mas minamabuti ko na idistansiya ang sarili ko sa mga tao lalo na sa mga lalaki dahil alam ko kung gaano sila kabagsik at kabayolente.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Mariin kong ipinikit ang aking mata at inayos ang sarili. Pinunasan ko ang mga luha na dunaloy sa aking pisngi. At sa pagmulat ng aking mata suot ko na ulit ang aking maskara.

Paglabas ko ng rest room iginala ko muli ang aking mata. Teka saan nga pala yung diresiyon pabalik? Medyo dumami narin ang tao at nahihirapan na akong makita yung dinaanan ko kanina.

Nagsimula na akong maglakad at hanapin si Sean. Pero kahit anong libot ang gawin ko hindi ko siya makita. Wala rin akong dalang cellphone para kontakin siya. Ang malas ko naman, dala ng pagod umupo nalang ako sa bench at lumilinga-linga baka sakaling makita si Sean.

Nagulat ako ng biglang may umupo sa tabi ko. Agad kong nilingon ito isang lalaki na naka bonet ang nakita ko. Mahaba ang buhok nito at medyo may kalakihan din ang katawan. Bigla akong kinabahan ngunit hindi parin ako natinag na umalis sa pwesto ko.

"Hi miss mag isa ka lang ba?" pagtatanong sa akin ng lalaking katabi ko. Hindi ko siya pinansin at naghahanap parin ang mata ko.

Naramdaman ko ang lalo niyang pag lapit sa akin dahil naamoy ko siya, amoy sigarilyo at hindi ko gusto ang amoy.

"Pwede mo ba akong samahan?" bulong niya sa tenga ko na nagpatindig ng balahibo ko.

Mabilis akong tumayo para umalis na dahil hindi ko gusto ang ginagawa niyang paglapit sa akin. Ngunit bago pa ako makalakad agad hinawakan ako ng lalaki sa braso ng sobrang higpit at marahas na iniharap sa kanya.

"Pakipot ka pa alam ko naman na gusto mo." Sabay hapos sa hita ko na sadyang nagpakulo ng dugo ko. Sa haplos na ginawa niya nagbalik lahat ng alaala ko na pilit kong kinakalimutan. Biglang nagdilim ang paningin ko at sa isang iglap sinuntok ko ang mukha niya. Sapat na ang lakas na binigay ko upang umatras siya.

"Hayop kang baba--" bago pa niya maituloy ang sasabihin niya ay agad akong tumakbo palapit sa kanya at marahas na pinaulanan siya ng sipa at suntok ng tumumba siya ay agad ko siyang sinakyan at walang tigil na sinuntok ang mukha niya.

Nagbalik lang ako sa katinuan ng biglang may humawak saking balikat at nakita ang isang guwardiya inilibot ko ang aking mata at nakita na marami na pa lang nanonood sa akin at may mga hawak na cellphone na ginagamit nila pang-kuha ng video at litrato sa akin. Nang lingunin ko ang lalaking nambastos sa akin ay agad akong nagimbal sa aking nakita bugbog sarado ito na halos hindi na makilala. Kasabay noon ay ang pagtingin ko sa aking mga kamay na ngayon ay nanginginig na at lalong nagulat dahil punong puno ito ng dugo.

Dugo...

"Napakakinis mo talaga Anak."
"Daddy tama na po,"
"Ssh huwag kang maingay"

Nanginginig ako sa takot at dali-daling nagtakip ng tenga dahil sa mga naririnig ko.

"Tama na po, Tama na." Umiiling na sambit ko habang nakatakip parin ang tenga. Unti-unti nang nanlalabo ang aking paningin pilit ko mang labanan na hindi mawalan ng malay ay hindi ko kaya. Sa pag pikit ng aking mata muli kong nakita ang unang lalaking nanakit sa akin.

Daddy......

Author's Note
This chapter is dedicated to pastelcreammm_ i hope magustuhan mo 😘

My Thoughts (Completed)Where stories live. Discover now