Fortieth Chapter

127 8 5
                                    

Kinuha niya ang mga hawak ko sa magkabilaang kamay at lumakad siya papuntang table at nilapag ang mga ito doon.

Bumalik siya sa kinatatayuan ko at biglang hinila ang isa kong braso at nagtakang pilipitin ito. Agad akong nagreact at umikot with it para hindi matuloy ang plano niya.

We ended up attacking each other. May mga suntok at sipa akong natamo sa kanya, at ganun din siya mula sa'kin. We even elbowed and kneed each other dahil sa mga offense and defense moves namin.

I blocked his kicks, he blocked mine.

Hanggang sa naidapa niya ako sa floor while holding my arm to my back.

"You barged in here at my cave with the Underground behavior." He hissed at me. "And dared to fvcking ask about Angel?"

I grunted before using my legs to get him off of me. Tsaka ko siya ni wrestle. Nasa sahig pa din ako pero ngayon, he's above me and I'm holding his head between my arm.

"I need answers! And that woman, for some whatever reason, kept popping in my ways!" 

Natanggal niya ang pagkakaipit ko sa ulo niya at nagsapakan ulit kami. He ended up putting my front body against the wall at ang hawak niyang maigi ang dalawa kong braso sa likod.

"And you think I'll give it to you for free?"

Hinead-butt ko siya patingala at lumuwag ang pagkakahawak niya. Agad ko siyang sinugod and we ended up on the floor again. But this time, siya ang nasa baba, at ako ang nasa taas.

Ipit ang dalawa niyang kamay with my upper body and right arm as I was leaning over him from the side. Tapos ang isa kong kamay ay nakabara sa leeg niya.

"I know you're protecting her because she's our President!" Nagpupumiglas pa si Spade. "But I gotta protect her too!"

Tumigil siya sa kakagalaw at tinignan ako. Tagaktak ang pawis namin at kapwa hingal.

"Why?"

Nainis ako sa tangang tanong niya at sinapak ko siya. "Hibang ka ba? Kakasabi lang na siya ang Presidente, tapos magtatanong ka ng bakit?"

Binitawan ko na siya at nakabukakang nakaupo. My hands are behind me, supporting me as I leaned back and tried to catch my breath. Si Spade naman ay nagsit up at umupo na parang model. Hingal din.

"Ow." Late niyang reaksyon sa sapak ko sa kanya. Hawak pa ang panga. Tinignan niya ako bago ngumisi. "You're good, Beanie Girl."

I huffed. "Yeah, right. Thanks."

Ngumisi siya at inabot ako. He still had the strength to carry me and placed me between his legs at dun ako naupo. Sinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya at marahang sinusuklay ang nagulo kong buhok.

"I'm serious, Adria. You've gotten dangerous." Seryoso ang boses niya. "And I think, right now, you're the Sergeant that needs to be the President."

Inayos ko ang upo ko para matignan si Spade. "Anong ibig mong sabihin?"

He sighed. "Alam ko naman kung bakit hangad mong protektahan si Angel. Admit it, you had been protecting her too without noticing it."

Lumihis ako ng tingin. 

"I thought they were just merely coincidences, kahit ang pagtatagpo ng landas namin ng ilang beses. Kaso, ng malaman ko ang history ng Underground, they all fell into place. For some reason, ang mga desisyon at aksyon kong tirahin ang mga tauhan ni Bianca ay nakakaapekto sa kanya, in weird, good way. Laging naliligtas siya dahil isa pala siya sa mga punterya ng mga taong kinitilan ko ng buhay."

Forgotten ChildUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum