Fifteenth Chapter

247 11 0
                                    

Bakit ang baho? Ang ingay din! Fvck! Ang baho talaga!

Napadilat ako at naghanap ng masusukahan. I found an old, small toilet bowl at tsaka nagmamadaling sumuka doon.

Kaso ang lumabas lang ay tubig.

What the fvck?

Aalis na sana ako kaso ayun na naman! Naduduwal na naman ako!

"Shit naman oh, what the fvcking shit is going on?" iritado kong tanong sa sarili ko. "Argh! Ang ingay," I muttered pa. Puro babaeng maiingay ang naririnig ko at kalampag ng metal. "Ang baho! Peste naman oh! Pvcha, nasaan ba ako?"

"Nasa loob ka ng kulungan, Violet."

Napatingin agad ako sa pinagmulan ng boses and shit! Wrong move! Umikot ang paningin ko bigla.

"S-Sino ka?" tanong ko ng maging maayos ang paningin ko. Bigla ko siyang siningkitan. "Pvtang ina! Ano 'to? Salamin? Bakit ko nakikita ang sarili ko sa labas ng rehas? At pvcha, bakit ako nasa kulungan?"

Nagulat 'yung babaeng kamukha ko dahil sa inasta ko.

"Wow," she said in such fvcking amazement. "Kuhang-kuha niya nga."

Nainis pa ako lalo. "Sino ba kausap mo ha? Multo ka ba? At sino ka nga? Bakit kita kamukha?"

Naglakad ako papalapit sa kanya. Hawak ko ang dalawang metal bar sa magkabila kong kamay at tinignan siya.

Kulay lang ng buhok ang pinagkaiba — what the fvck?

"Lilac?" sigaw ko bigla na nakapagpaalis sa init ng ulo ko. "A-Anong —"

Nanginginig ang mga kamay niya ng hawakan niya ang mga kamay ko. "Y-Yes, V-Violet. Ako nga ito, si Lilac ang kakambal mo."

Kumunot-noo ako. "B-Bakit ka nandito? Hindi nababagay ang isang katulad mong mabait sa isang mabaho at maingay na lugar tulad ng pesteng ito!"

"S-Syempre, nandito ako para dalawin ka," she said with a hesitant smile. "Nakalimutan mo na ba? Buntis ka."

Lumaki ang mga mata ko. "B-Buntis? A-Ako?"

Nagbunga ang pagtatalik namin ng ilang ulit ni Syl sa couch? Ang tagal na nun ah! Halos ilang buwan na ang nakakalipas.

Tumango siya. "Yes, naalala mo, naduduwal ka noong araw na nagkita tayo tapos binigyan pa kita nun ng gamot. Tapos akala natin magiging okay ka na nun ang kaso after ilang linggo, ng dalawin kita ulit naduduwal ka pa din at nahihilo pa. Napakasensitive ng pang-amoy mo din nun, kaya naman sinabi ko na hindi kaya buntis ka?"

Lumunok ako habang nakikinig sa kwento niya.

"Umalis ako saglit para bumili ng pregnancy test at pagkabalik ko, kinuha mo agad ito para malaman natin agad kung totoo o hindi. 10 minutes felt like 10 years at ng makita natin ang result, napaiyak pa nga tayo nun dahil it was positive!"

Hindi ko namamalayang tumutulo na ang mga luha ko. Tumingin ako sa tiyan ko at hinawakan ito.

"Oh my God, I'm pregnant," I sobbed. "Magkakababy na ako, huhu, magkakababy na kami ni Syl!" Tumingin ako bigla sa kakambal ko. "Lilac, alam na ba ito ni Syl? Alam na ba niya na nagdadalang-tao na ako? Na magiging Tatay na siya? Na nagbunga ang —"

Tumango-tango siya. "Yes, Violet, yes!"

Napatakip ako ng bibig sa sobrang tuwa. Hindi ko alam na ganto pala kasaya kapag nalamang magkakaanak na ako, na may nilalaman ang aking sinapupunan.

"Baby," I gently touched not-yet swollen tummy. "Don't worry, baby, aalagaan ka ni mama. Mamahalin ka niya ng higit pa sa sarili niya. Hindi ka niya iiwan," I sniffed. "I will make sure that you will grow up and have a great life, na hindi ka magiging kagaya ko. Wag kang mag-alala anak ha? Aalagaan ka ni mama. Mahal na kita anak ngayon pa lang oh, haha," tawa ko habang natagas ang aking luha.

Forgotten ChildWhere stories live. Discover now