Twenty-seventh Chapter

159 8 0
                                    

"So ano 'yan? Parang Death Note lang? Lalagay mo lang ang name nila sa notebook mong for sure na black, tapos mamamatay na sila? Ang kaso nga lang, kahit names lang nila ang nakasulat hindi sila mamatay dahil sa heart attack, kundi dahil sa whatever method mo, ganern?"

Kumibit-balikat ako. "Maybe."

"Ay sus ka Mamao! Pangalan mo nga mamaw, mukha mo na nga mamaw, ugali mo na din mamaw, pati ba naman pagsagot mo sa'kin mamaw? Anong klase 'yan?"

"Mamaw," sagot ko agad bago natawa dahil sa itsura niya.

Pinalo niya ako bigla sa kamay. "Ang bad mo! You're so very bad na, as in, like grabe na totally. Ajujuju."

"Mas grabe ang grammar mo, Abo," napailing ako.

Nagla-lunch date kami ngayon nitong best friend and sister-from another-mother ko na si Aliyah Bernice Oleen, or mas kilalang Abo. This is not the first time na naglunch date kami after I started with my training. 

Ayun nga lang, natagalan bago pa naulit at ito na nga iyon.

We're eating at this sushi restaurant. Ang kinagandahan dito, may kwarto-kwarto ang peg ng restaurant na ito. Sound-proof at may parang pintong kahoy na de-slide pa kaya private kung private ang lugar.

"Pero Mao, okay lang ba na maglunch date tayo? Alam ko naman ang sitwasyon mo kaya I understand kung hindi tayo pwede magkita. Wala ba talagang makakahalata na ikaw at si Virgin Mary ay iisa?" Makulit niyang pagtatanong habang nakain ng sushi. "Alam mo naman, ayokong malagay sa panganib ang buhay ng magtatangkang gumalaw sa'kin dahil hahawakan palang nila ang hibla ng buhok ko, patay na agad sila kay Lalabs Dimitri."

Napailing ako. Lumuvel up na nga pala ang tawag niya kay Joker, a.k.a. Dimitri Ayala — pinsan nila Blake at Bryce, or known as Spade, sa tatay.

And yes, alam nitong si Abo ang mga pinag-gagagawa ko sa buhay. Alam niya na rin ang history ko with my mama Violet Kizon and papa Sylvester Theo Travis. Pati ang mga nangyayari ngayon at nangyari nung isang gabi kay Rin, alam niya. Pero limited lang ang mga sinabi ko sa kanya. I didn't mention any of the information that I acquired about the Underground World. Just the basics na kwento sa'kin nila mama at papa.

Hindi ako nagtatago kasi kay Abo. Out of all the people I can trust in this world, Aliyah Bernice Oleen is the number one on the list. Panatag akong hindi niya ako ilalaglag at hindi niya ipagsasabi ang mga pinaguusapan namin.

"Yes, Abo. Naka-disguise naman kasi ako pag napunta dun sa club. Ngayon naman, kapag naalis ako ng mansyon ay tulad pa din ng dati, simpleng kasuotan lang ang suot ko. No make ups, no hook ups," sagot ko.

"Huwaw! Hook ups talaga siya oh! Ikaw? Makikipag-hook up? Sus Mamao! Kilala kita! Kilala ko 'yang bituka't kalamnan mo, at alam na alam kong isusuka mo muna ang kaluluwa mo bago ka makipaghook up sa iba. HAHA!" pagtawa nito. "At iyong Rin the Man-wḩore na 'yun? Psssh! Kung hindi ka lang bihasa sa self-control ay matagal na siyang nanghiram ng mukha sa aso sa mga pinag-gagagawa niya sayo!"

"Kawawa naman kasi eh. Babaeng aso na nga ang mga pumapatol sa kanya, pagmumukhain ko pa ba siyang aso? Ano 'yan? Alpha ng mga aso? Nakakababoy naman sa mga tunay na aso," sabi ko naman sabay subo.

Don't get me wrong. I have no issues with Rin's girls pero sila ang meron sa'kin. Dahil nung gabing 'yun, halos mawalan na sila ng mga mata dahil sa nanlilisik ang mga tingin nila sa'kin while I was making my way out of the club.

Tawang-tawa naman itong kausap ko sa sinabi ko.

"Aliyah..."

"Hm?" wala sa wisyo niyang sagot dahil busy siya sa pagpili ng next na sushi niyang kakainin.

Forgotten ChildWhere stories live. Discover now