Thirty-third Chapter

109 7 0
                                    

"As you may already know, Kurt Ayala saved Zyrina Ghail from getting married to Boyle Travis." Panimula ni Mr. Derrick Escalante. "But these people had brothers and sisters. And they were the ones who formed a bond that created the Underground."

Si tito Blake ang sumunod na nag-kwento.

"Zyrina Ghail's mother 'remarried' when she was in her 50's. Byuda na siya ng mga sampung taon na tulad ng taong kinasama niya. Sa katunayan ay hindi naman talaga sila kinasal. They just decided to be together for the rest of their remaining lives because they loved and enjoyed each other's company kaya purely for companionship ang kanilang pagsasama. Pero nang dahil dito, ang nag-iisang anak ay nagkaroon ng step-siblings. Minahal si Zyrina ng mga step-siblings niya kaya naman ganun na lang ang galit nila kay Boyle sa pagpupumilit nitong mapakasal sa kanya. At dahil sa tulong ni Kurt, tinanaw ng buong pamilya ni Zyrina ng isang napakalaking utang na loob ito." 

"Kahit ang naging asawa ni Zyrina na si William Krauss, ay naging malapit na kaibigan ng mga Ayala dahil sa pagsagip na nangyari." Bumuntong-hininga si Mr. Escalante. "Wala na sanang magiging komunikasyon ang mga pamilyang ito sa mga Travis pero dahil tinulungan ng kapatid ni Boyle ang kuya ni Kurt na si Beau at step-brother ni Zyrina na si Gabriel, naging malapit silang tatlo. And this was the first step closer of creating the Underground."

"To clarify," singit ni tito Blake. "I came from Beau's side while Mackenzie came from Kurt's," paglilinaw niya. 

So pinsang-buo talaga ni tita Zie si tito Blake, in a way, at hindi second or third.

Tumango ako at tinaas ang kamay ko. Mr. Escalante nodded at me. "Saan po ba tinulungan ng kapatid ni Boyle Travis sila Beau at Gabriel?"

"Teresa Travis helped those two from a group of gangsters na napagdiskitahan ang dalawa." Uminom ulit ng alak si Mr. Escalante bago nagpatuloy. "Naging magkaibigan sila na nauwi sa pagtatanggol sa isa't-isa at kagustuhang makaganti sa mga gangster na ito. Mas nadagdagan din ang hangad nilang mapatumba ang grupong ito dahil sa pagdamay nila sa mga inosenteng tao para lang gawing katuwaan ang pambubugbog o pangrerape sa mga natitipuhan nila."

"Sa mga panahong ito, pati ang best friend ni Teresa ay nasama sa samahan nila. In the end, silang apat ang nagtulong-tulong para mabuo ang napag-aralan mong Underground." Tito Blake smirked as he continued. "Teresa was Sylvester's and yours direct ancestor, Maiah."

I nodded then gulped nang bigla akong nagtaka. "Sino po ulit ang napangasawa ng mother ni Zyrina, I mean, naging companion?"

"His name was Rodel," Mr. Escalante met my eyes. "Rodel Escalante."

The revelation made me gasped.

"Rodel's second son, Gabriel Escalante was the one who proposed the creation of the brotherhood. Tuso at mautak si Gabriel dahilan kung bakit siya ang naging President, with the approval of the rest. Beau became the Vice President because he was good at building connections and making deals and negotiations with other groups in the most cynical way, if he wanted to." Paliwanag pa ni Mr. Escalante.

"It runs in the blood," pasimpleng pagmayabang ni tito Blake na kinangisi ng isa.

"Whatever."

"Anyway, Teresa volunteered to be the Sgt. at Arms dahil na rin sa hiya niya sa ginawa ng  kanyang kuya Boyle kila Zyrina at Kurt. Also because she was the best fighter -- killer -- out of four of them. Iba rin si Teresa sa kuya niya sapagkat siya ay totoo at tapat sa tatlo dahil mas kinilala niya silang pamilya." Patuloy ni tito Blake. "And that left Saika, Teresa's best friend, to be the Secretary. And due to her nature, Saika was perfect for the position. Kahit na hindi siya palasalita, maayos at matalino ito at napapatakbo niya ang Underground kapag wala ang tatlo."

"Dito nadevelop ang patakaran nila na silang apat ay pwedeng magpapalit-palit ng posisyon kung kinakailangan," dugtong ni Mr. Escalante.

Napaisip akong bigla. "Ang sabi niyo po ay nakapangasawa ng isang Krauss si Zyrina, meron din bang koneksyon ang Krauss sa Underground?"

Parehas silang umiling.

"Dahil sa nangyari with the three -- Kurt, Boyle and Zyrina -- at dahil na rin sa protected nila Gabriel at Beau si Zyrina, pinili nilang hindi i-involve ang kung sino mang maging kaugnayan niya. Therefore, any of the Krauss family can never get involve with the mess of the Underground," Mr. Escalante answered. "At napagkasunduan din nilang apat na hindi isama sa buhay ng Underground ang mga first-borns at mga after ng second-borns kapag dumating ang araw na mamimili ng successors."

"Tanging mga second-borns ang pwedeng mag-mana ng title ng apat. Beau was the exception due to the fact that he was the first-born in the Ayala, while Gabriel, Teresa, and Saika were all second-borns," saad ni tito Blake.

"Paano kapag only child?" taka kong tanong.

"If it's meant to be, then its meant to be." Sagot ni tito. "Like what happened to your father. Natuklasan niya at ginusto niyang maging parte ng Underground kahit na malaking parte siya ng Business World."

Tumango si Mr. Escalante. "Also, keep in mind that this was the beginning. There had been changes throughout the years. The old ways had added new things, subtracted old things, all due to the generations of generations."

"I see," napatango ako. "Malinaw na po sa'kin ang lahat. Isa na lang po ang gusto kong malaman."

"Go on," udyok ni Mr. Escalante as tito Blake nodded on me.

Huminga muna ako ng malalim bago magtanong. "Bakit... Anong koneksyon naman ng Cordova sa buhay ng Escalante? At bakit kapag may Cordova, may Escalante, at kapag may Escalante, may Cordova?"

"Ah, the partner-in-crime relationship of those two," side comment ni tito Blake.

Napasmirk si Mr. Escalante. "The reason for that is because of my ancestor, Rodel Escalante."

Kumunot ang noo ko. "Paano?"

"Andrea Cordova was Rodel Escalante's first love," sagot niya na kinalaki ng mata ko. "Pero hindi sila nagkatuluyan. The tragedy of first love, per se." 

I couldn't help but feel relate to that last statement.

"Andrea fell in love with another man, but Rodel despite meeting another woman and starting a family with her, he never forgot about his first love. Kahit na sa second partner niya na nanay ni Zyrina, kinukwento niya lagi ito. Pati kahit sa mga anak, lagi niyang mukambibig si Andrea. At dahil malapit si Gabriel sa tatay niya, as a sign of respect and love for his dad, he vowed to him na lagi niyang babantayan ang mga Cordova sa abo't ng kanyang makakaya... at iyon nga ang ginawa ng mga naging anak at apo ni Gabriel."

Nanginginig akong tinuro si Mr. Escalante. "Y-You're a d-direct descendant of Gabriel."

He nodded solemnly before smirking nostalgically. "And I guess I ended up continuing the unfinished love story of my ancestor Rodel."



------------------------------------------------------------------

SHADOW'S REVENGE

- Just in case you're interested with an ESCALANTE & a CORDOVA's story.

-Aks

Forgotten Childحيث تعيش القصص. اكتشف الآن