"Ako ng bahala sa kanya." wika ni Josh na apologetic ang tinig. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari kay Dianne ngunit tumango na lang ako at nagpahila kay Tres.

Pagdating namin sa sasakyan ay tahimik lang si Tres. Hindi na rin ako nagsalita dahil okyupado ang isip ko sa ikinikilos ni Dianne. She's acting weird. Kaninang kami lang ang magkasama ay okay naman siya.

"Were here." pukaw ni Tres sa akin kaya napalingon ako sa paligid. Tama siya. Nasa harap na kami ng bahay. Inalis ko ang seatbelt ko at tumingin sa kanya.

"Hindi ka pa ba papasok?" tanong ko dahil hindi niya inalis ang seatbelt niya.

"Pumasok ka na. I need to do something in the office." wika niya kaya naman lihim akong napabuntong hininga.

"Galit ka ba sa akin?" tanong ko.

"May dapat ba akong ikagalit?"

"Dahil ba hindi ko nasagot kaagad ang tawag mo? Nag-alala ka ba?" nakangiting tanong ko.

"Tss. Sinong asawa ang magpapaparty kung hindi sumasagot ang asawa niya sa tawag? Hindi ko alam kung nasaan ka." angil niya na nakakunot noo sa akin kaya mas lalo akong nangiti.

Lumapit ako sa kanya at ini-stretch ang noo niya gamit ang dalawang daliri ko. "Huwag kang kumunot noo lalo kang nagmumukhang matanda." biro ko sa kanya ngunit mas lalo lang nagdilim ang mukha niya.

"I am just twenty eight years old lady." depensa niya.

"Oo nga. Sampung taon ang tanda mo sa akin." nakangiting wika ko.

"Tss. You don't have to mention our age gap. Bumaba ka na."

"Its a fact. Sinasabi ko lang ang totoo."

"I know it. Hindi mo na kailangan ipaalala." Walang emosyong wika niya kaya mas lalo akong nangiti.

"Akala ko nakalimutan mo e. Siyempre bata ang asawa mo kaya kailangan ding magparty paminsan-minsan. Millennial e." Nakangising sabi ko.

"So partying with other men is good?!"

"Other men? Wala naman kaming kasamang lalaki ni Dianne e." Depensa ko.

"Anong tawag mo sa kaibigan mong lalaki?" Sarkastikong wika niya kaya kumunot ang noo ko.

"Excuse me Mister. Kaming dalawa lang ni Dianne kanina. Dumating lang si Josh nang palabas na kami sa bar." Paliwanang ko sa kanya.

"Are you sure?" Paninigurado niya kaya kunwari ay nag isip ako.

"Sure ba ako? Sandali ah. Iisipin ko muna."

"Wife!" Sigaw niya kaya natawa ako ng malakas dahil sa inis na nasa mukha niya.

"Kahit na sampung taon ang tanda mo ikaw pa rin ang asawa ko. Swerte mo dahil bata at sexy ang asawa mo. Pero mas swerte ka dahil loyal ako. At wala kaming kasamang lalaki. Nagkwentuhan lang kami ni Dianne dahil sa Mommy niya." nakangiting wika ko kaya unti-unti siyang napangiti. Nawala ang pagkakakunot ng noo niya.

"Tss."

"Yan lang ba ang masasabi mo sa magandang asawa mo?" Kunwari ay tanong ko sa kanya.

"Tss Fine I'm lucky to have you."

"Seryoso?"

"Yes Of course. Do I look like I'm joking?"

"Totoo? Baka naman bola lang yan."

"Tss. Pumasok ka na sa loob para makapagpahinga ka na. Don't wait for me dahil didiretso ako sa opisina.." aniya kaya tumango ako. Gusto ko sanang tanungin kung anong gagawin niya sa opisina ng ganitong oras pero pinigil ko ang sarili ko.

"Trust me wife." aniya pa kaya ngumiti ako.

****

PAGPASOK ni Samantha sa gate ay mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa bahay ni Dos. I need to ask him a favor. Tinawagan ko siya kanina at alam niyang darating ako ngayon.

Pagdating ko sa harap ng bahay niya ay tatlong beses pa akong bumusina bago bumaba ng kotse. Dos and Alas are fraternal twins kaya naman hindi problema ang pag-alam kung sino ang sino hindi kagaya ng identical twins.

"Tres." wika ni Dos pagbukas niya ng gate. Hindi ako sanay na tawaging kuya at hindi rin nila nakagawian na tumawag ng kuya kaya walang problema sa amin iyon.

Nilagpasan ko siya at pumasok sa bahay niya. "I need you to do me a favor Dos. My wife has a death threat at hindi na ako natutuwa." wika ko na naupo pa sa couch niya. Tumaas ang kilay niya at tumungo sa may bar counter. Kumuha siya ng dalawang kopita at sinalinan ng brandy.

"Your wife? So you already married the sixteen year-old lady." nakangising wika niya matapos iabot sa akin ang alak.

"She's no longer sixteen year-old Dos. Nasa legal age na siya." umiling si Dos at umupo sa kaharap kong couch.

"Yeah yeah. Bantay sarado mo ba naman. I still cant believed that my older brother is obsess with a minor." natatawang wika niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Kapag nagmahal ka hindi mo na iintindihin ang edad." seryosong wika ko at inisang lagok ang hawak kong alak.

"That sounds corny." aniya at umiling pa bago tumingin sa kawalan.

Tumawa ako at tumayo. Kinuha ko ang brandy at nagsalin ulit sa baso ko. "I need a favor. Can you please investigate this person for me?" inabot ko sa kanya ang mga larawan at tinignan niya iyon.

"Why?" tanong niya.

"There's a death threat for my wife. I don't know who it was pero malakas ang kutob ko na isa sakanila ang suspect ko." sagot ko sa kanya.

Tumango-tango naman siya. "For how much?" tanong niya kaya napakunot ang noo ko.

"Brother wala ng libre ngayon." nakangising wika niya kaya binato ko siya ng throw pillow.

Tumawa naman siya at mabilis na umilag. "Pwede ng bayad sa akin ang bahay mo sa baguio." aniya kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

"Dos-"

"Mahal ang bayad sa akin dahil ako mismo ang gagawa ng trabaho. I will do it within two days. Lahat ng impormasyon. Now choose brother kaligtasan ng asawa mo o ang bahay mo?" tanong niya na binuntutan pa ng tawa.

Napailing na lang ako at tumayo. Wala naman akong magagawa. Dos is Dos. "I'll sleep here for the night." wika ko at umakyat sa hagdan ngunit mabilis siyang nagsalita.

"Bakit dito ka matutulog? May asawa ko Bro!" aniya na humarang pa sa daraanan ko.

I told her earlier that I wont sleep on their house. Hindi dahil matatagalan ako dito sa bahay ni Dos kung hindi dahil gusto ko siyang matulog ng maayos. I can't help but to touch her more and more when we're on the same room. Hindi siya makakatulog ng maayos kung nandoon ako.

"She need rest." tipid na wika ko at nilagpasan siya.

"Iba ka Bro!" dinig ko pang wika niya na binuntutan ng tawa. Tss. Bakit ba nagkaroon ako ng dalawang kapatid na abnormal. Tss.

Pagpasok ko sa kwarto ay mabilis akong humiga sa kama. Parang agos na unti-unting bumalik sa ala-ala ko ang unang pagkikita namin ni Samantha.

Del Fuego Series: The Devil's Sweetheart (COMPLETED) (Soon To Be Publish)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu