"Hayaan mo na ang pulis ang mag imbestiga. Don't put yourself in danger."

"Hindi pwede yon dahil ang 'buhay' ko ang nasa panganib." makahulugang wika niya na nagpakunot ng noo.

Ako ang nasa panganib pero buhay niya ang tinutukoy niya. I don't get it.

"Do you think I need to buy a motorcycle?" biglang tanong niya kaya nanlisik ang mga mata ko.

"Don't you dare Tres!" sigaw ko sa kanya at iniwan siyang tumatawa.

Tss. Buy a motorcycle? Para ano? Para mabilis niyang masundan ang nasa likod ng lahat ng ito? Never! Baka dahil sa gaagwin niyang pagsunod ay mapahamak pa siya.

***

Sa hapong ding iyon ay dumating si Dianne sa bahay. Nagulat pa ako dahil hindi ko akalaing dadalaw siya ngayon. Tres went to his office dahil tumawag si Brylle.

"Pasensya na nga pala sa nangyari noong nakaraan. Nasira ko ata ang lunch natin." aniya nang madatnan ko siya sa sala.

Ngumiti naman ako at tumabi sa kanya. "Okay lang yon. How are you?" tanong ko sa kanya.

"Actually nagkaroon kami ng problema ni Mommy kaya naman hindi ako okay ng mga sandaling iyon. Alam mo naman kung paano kami mag away." aniya na mapait na napangiti.

Yes. Her mom is kinda strict. Hindi naman siya ganoon kabait pero wala rin naman siyang pinakitang masama kapag nasa kanila kami. She was civil and formal.

"Do you mind if I asked? Ano bang pinag-awayan niyo? Maybe I can help."

Ngumiti siya ng mapait. "Old issues. Unending fights over her bad habits." aniya na tila ayaw ng pag usapan iyon. I understand her. Dati pa man ay iyon na ang reklamo niya sa nanay niya.

Divorced ang Mommy at Daddy niya. At mula noon ay wala ng ginawa ang mommy niya kundi magpakalulong sa mga bisyo. Alak, sigarilyo. Kahit na ang business nila ay unti-unti ng nalulugi dahil napabayaan.

"I see. Would you like to go out? Like the old times." nakangiting wika ko. Biglang nagliwanag ang mukha niya at ngumiti.

"Sure. May bagong bukas na Restobar na napuntahan na namin ni Josh. We can go there." nakangiting wika niya kaya tumango ako. I think this will be better para naman makalimot siya ng konti.

"I'll get my bag then we will go." sabi ko bago ko siya iwan at mabilis na umakyat para kunin ang bag ko.

***

"SIR nakuha na namin ang CCTV footage sa subdivision nina Ms. Samantha." wika ni Brylle na ngayon ay kakapasok lang ng opisina ko.

"Forward it to me via email brylle." kunot noong wika ko. I am thinking about what happen earlier.

Nakita ko ang tattoo sa may bandang binti ng taong nakamotor at alam kong nakita ko na iyon dati. I just cant remember where. Walang kaaway ang asawa ko at kakabalik lang namin galing isla kaya wala akong makitang dahilan para pagbantaan ang buhay niya.

Napatingin ako sa laptop ko nang tumunog iyon. Binuksan ko ang email ko at pinanood ang CCTV. Ganon na lang ang pagkuyom ng kamao ko ng makita ang pamilyar na mukha. Damn it! I should have been aware of that!

Muli kong tinawag si Brylle at pinaimbestigahan sa kanya ang taong nakita ko. I know there was something fishy the first time I saw this person.

Matapos kong utusan si Brylle ay sinubukan kong tawagan muli si Alas. Isa pa itong lalaking ito. I am worried with my wife pero nag aalala din ako kay Carissa.

"Hello brother!" mula sa kabilang linya ay wika ni Alas.

"Damn you Alas! Mabuti at sinagot mo ang tawag! Where is Carissa?"

"Chill brother. Sabi ko naman sayo relax ka lang. I wont hurt her okay." aniya na tila natatawa sa pagkabahala ko.

"Paano akong makakasiguradong hindi mo siya sasaktan?"

"You know me. I won't hurt her." seryosong wika niya kaya natahimik ako. I know he has something for Carissa even before. Ang pinag-aalala ko lang ay baka matakot si Carissa sa kanya.

Bumuntong hininga ako. "Do you know where Dos is?" tanong ko sa kanya.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Try to call him bro."

"Hindi kita tatawagan kung sumagot siya sa tawag ko." inis na wika ko bago muling sumulyap sa laptop kung saan kitang-kita ko ang pamilyar na mukha.

"Baka nasa operasyon. Alam mo naman yon mahilig sa action." tumatawang wika niya kaya napailing ako.

"Gago! Kapag nahanap kita ay malalagot ka sa akin. Isang galos lang ang makita ko kay Carissa ay ipapadala kita sa giyera sa North Korea Alas!" sigaw ko sa kanya na tinawanan niya lang.

"Not even a scratch bro. Kapag nagalusan siya ay baka magkaroon ng world war four dahil sa inyo ni Dos. And please don't tell Dos about us." aniya bago pinatay ang tawag.

"Assh*le!" naiwika ko bago muling tumingin sa laptop.

Now I need to think of a plan to catch this dimwit. Kahit gahibla ng buhok ng asawa ko ang masaling ay hindi ako magdadalawang isip na patayin siya.

Del Fuego Series: The Devil's Sweetheart (COMPLETED) (Soon To Be Publish)Where stories live. Discover now